You are on page 1of 20

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
Florante at Laura

n I
alaa
BIL
m Bah I
Pa G
ri
ng A
-a
a
P IN
P ag
D II
H IN
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Modyul1: Florante at Laura-Maikling Talambuhay ni
Francisco Balagtas
First Edition, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Jesusa V. Sulayao

Reviewer(s): Girlie T. Sumastre, Jesusa V. Sulayao

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Jesusa V. Sulayao

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,NationalHighway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
Filipino
8
8
Ikaapat na Markahan – Modyul 1

Florante at Laura
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita..................................................................................................i
Alamin................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto..................................................................................ii
Mga Aykon ng Modyul..........................................................................................................ii
Leksyon 1...........................................................................................................1
Maikling Talambuhay ni Francisco Balagtas
Alamin...................................................................................................................................1
Subukin.................................................................................................................................1
Tuklasin................................................................................................................................2
Husgahan Mo!......................................................................................................................2
Tuklasin................................................................................................................................2
Pagyamanin........................................................................................................................13
Isaisip.................................................................................................................................14
Isagawa..............................................................................................................................15
Tayahin...............................................................................................................................16
............................................................................................................................................17
Karagdagang-gawain.........................................................................................................17
Pagbati!..............................................................................................................................17
(Ikaapat na Markahan)....................................................................................18
Alamin.............................................................................................................18
.........................................................................................................................18
Susing Sagot (Key to Answers)...................................................................20
Sanggunian....................................................................................................22
Paunang Salita
Kilala ang Pilipinas sa mayaman nitong kultura. Kahit nga ibang bansa ay
humahanga rito. Sa sining man o sa panitikan, hindi kailanman nahuli ang bansang
Pilipinas.

Upang hindi makalimutan ang ating panitikan, ating balikang muli ang pagyakap at
pakikipagsabayan sa agos at daloy ng ating panitikan. Magpalit man ng anyo ang ating
panitikan at magbago man ito sa paglipas ng panahon, hinding-hindi natin maipagkakaila na
ang Panitikang Pilipino ay bahagi na ng ating pagkakakilanlan.

Alinsunod sa New Normal Classroom bunsod ng Covid ’19, naisipan ng Kagawaran


ng Edukasyon na bumuo ng mga kagamitang pampagkatuto para sa mga mag-aaral upang
mapalawak ang kanilang kaalaman at muli nilang makilala ang sariling panitikan gamit ang
modyul na ito ng Asignaturang Filipino.

Pinag-igihan ang pagbuo ng modyul na ito upang ang mga mag-aaral ay patuloy na
matuto sa kabila ng banta ng pandemyang kinakaharap. Lubos ang paniniwala ng
Kagawaran ng Edukasyon na ang dekalidad na edukasyon ay kayang makamtan ng mga
mag-aaral sa paraang ito. Malaki ang paniniwala ng Kagawaran na ang pagkatuto ay hindi
lamang makakamit sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.

Alamin

Sa Modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

A. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda F8PN-IVa-b-33
B.Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang
pangyayari sa binasaF8PS-IVa-b-35

C. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa


pamamagitan ng:
- pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
-pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
F8PB-IVa-b-33

D. Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye


at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.
F8PD-IVa-b-33

1
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng iyong sagot mula
sa kahon sa ibaba at isulat ito sa patlang..

A.Pinakasimula ng awit J. Maria Asuncion Ramos


B. Pebrero 20, 1862 K. houseboy
C. Juana dela Cruz at Juan Balagtas L. mikaniko
D. Batas ng Langit M. Abril 2, 1788
E. Lopez Jaena N. Masamang pamahalaan
F. Maria Asuncion Rivera O. Francisco Balagtas Baltazar
G. Dalawa P. Hulyo 22, 1842.
H. Joseng Sisiw Q. Mariano Kapule
I. Humanities, at Philosophy R. Nagpapakita ang Florante at
Laura ng mga katotohanang
pangyayari at higit sa lahat, ito’y
nagtuturo sa mga mambabasa ng
kalagayan ng mga Pilipino sa
panahon ng Kastila.

_______1.Sino ang may-akda ng awit na Florante at Laura?


_______2. Siya ang tinutukoy na M.A.R.
_______3. Isa sa mga bahagi ng Florante at Laura.
_______4.Ito ay isang himagsik ni Balagtas sa mga Kastila.
_______5. Petsa ng kamatayan ni Francisco.
_______6.Isa siya sa mga bumatikos sa kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at ang
maling pananalampalataya na umiiral noon.
_______7. Ito ay isa sa kahalagahan sa pagsulat ng awit.
_______8. Ayon ni Balagtas, anong batas nasasaklaw ang lahat ng tao?
_______9. Ilang beses nakulong si Francisco.
_______10.Petsa ng pagsilang kay Balagtas.
_______11.Siya ang karibal ng pagmamahal ni kiko kay Celia na nagpakulong sa kanya.
_______12. Isang makata na nahigitan ni Kiko sa pagsulat ng mga akda dahil sa kanyang
angking talas ng isipan.
_______13. Mga kursong natapos ni Kiko.
_______14. Ito ang trabaho ni Kiko sa pamilyang Trinidad sa Tondo
_______15. Sila ang mga magulang ni Kiko.

2
Aralin Leksyon 1: Maikling Talambuhay ni
Francisco Balagtas
1

Alamin

Para sa Mag-aaral

Tungkol saan ang Araling ito?


Gusto mo bang malaman ang tungkol sa isang halimbawa ng awit? Gusto mo
bang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga hari’t
reyna na may kaugnayan sa mga pangyayari noon? Kung gusto mo,paano mo ito
sisimulan?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa awit na Florante at
Laura. Ito ay magagamit mo sapagtahak ng mga pagsubok mo sa buhay.Inilahad
dito ang mga katotohanang nagyayari sa tunay na buhay upang mamulat kayong
mga kabataan nang sa ganoon makatulong ang akdang ito sa paghubog ng inyong
pagkatao.
Malilinang din ang inyong kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga
gawaing nilikha ng may akda na hahamon sa inyong kakayahan.

3
Suriin
Ngayon, handa ka na bang alamin ang buhay ni Francisco Balagtas?
Tuklasin mo kung ano ang mga pangyayari sa kanyang
pakikipagsapalaran bilang isang makata.

Gawain 1: Halina’t Magbasa!


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kanyang maikling talambuhayT
ipagpatuloy ang pagbasa sa Pagbibigay ng Puna.

Talambuhay ni Francisco Balagtas


Si Francisco Balagtas, ay isang kilalang Pilipinong makata at may-akda. Siya ay
kinikilala bilang “Prinsipe ng Manunulang Tagalog” at itinuturing na William Shakespeare
ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang
sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang
kanyang pinakamainam na likha.

Si Francisco Baltazar (na may palayaw na Kikong Balagtas o Kiko) ay isinilang


noong Abril 2, 1788 kina Juana dela Cruz at Juan Balagtas, isang maybahay at isang
panday sa Barrio Panginay, Bigaa (na kilala ngayon bilang Balagtas sa kanyang
karangalan), sa lalawigan ng Bulacan. Siya ang bunso ng kanyang mga kapatid na sina
Felipe, Concha, at Nicholasa. Mahirap na pamilya ang mag-anak na Balagtas ngunit hindi
ito naging sagabal sa pangarap ni Francisco makapag-aral sa Maynila.

Noon, ang mga paring Kastila ang pumipili ng mga guro na magtuturo sa mga
batang lalaki at babae sa lalawigan.Inilalagay sa silong ng kumbento ang mga paaralan
upang masubaybayan ng mga kura ang mga bagay-bagay na itinuturo sa mga bata. Nag-
aral si Francisco sa isang parochial school sa Bigaa kung saan pinag-aralan niya ang mga
panalangin at katekismo, Doctrina Cristiyan, Cartilla, Misterio at Trisagio. Ito ang sitema
ng edukasyon na pinaiiral sa panahon ng Kastila sa mga lalawigan.

Kalaunan, si Francisco ay nagtrabaho bilang houseboy para sa pamilyang


Trinidad sa Tondo, Manila kung saan siya ay pinag-aral ng kanyang tiyahin sa Colegio de
San Jose. Noong 1812, nagtapos siya sa degri ng Crown Law, Spanish, Latin, Physics,
Christian Doctrine, Humanities, at Philosophy. Ang kanyang dalawang dating guro na si
Dr. Mariano Pilapil at José de la Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa
kanya kung paano magsulat ng mga tula

Hinamon ni Jose de la Cruz si Balagtas upang mapabuti ang kanyang pagsusulat,


at noong 1835 ay natagpuan niya ang kanyang musa na si Maria Asuncion Rivera nang
lumipat siya sa Pandacan. Nagsalita siya tungkol sa kanya sa Florante sa Laura bilang
‘Celia’ at ‘MAR’. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si Mariano Kapule na
nagpakulong sa kanya ng walang dahilan.

4
Ang kanyang tula ay nakasulat sa Tagalog bagaman sa panahong iyon, ang Espanyol
ay ang dominanteng wika sa pagsulat sa Pilipinas. Pinalaya si Balagtas mula sa bilangguan
noong 1838 at inilathala niya ang Florante at Laura noong panahong iyon.
Naging katulong siya sa Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat siya sa Balanga,
Bataan noong 1840, at pagkatapos ng labing anim na taon ay naging Major Lieutenant at
punong tagasalin ng hukuman.
Dalawang taon matapos niyang makilala si Juana Tiambeng ng Orion, Bataan, sila ay
nagpakasal noong Hulyo 22, 1842. Nagkaroon sila ng labing-isang anak- limang lalaki at anim
na babae. Gayunpaman, pito lamang sa kanila ang nabuhay.
Noong 1849, inutos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na ang bawat katutubong
Pilipino ay magkaroon ng apelyidong Espanyol. Pagkatapos nito ay naging kilala si Balagtas
bilang Francisco Baltazar. Si Balagtas ay nabilanggo sa ikalawang pagkakataon noong 1856
nang ipahayag ang reklamo ng isang kasambahay na pinutol niya ang buhok nito. Siya ay
napalaya noong 1860 at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat ng tula.

Namatay si Balagtas noong Pebrero 20, 1862 sa edad na 74. Ang kanyang huling
hangarin ay walang sinuman sa kanyang mga anak ang sumunod sa kanyang mga yapak sa
takot na sila ay dumaan sa parehong mga paghihirap na kanyang dinanas. Sinabi pa niya na
mainam pang maputol ang kanilang mga kamay kaysa ang mga ito ay maging manunulat.

Si Balagtas ay lubos na pinahahalagahan sa Pilipinas na ang Pilipinong termino para


sa debate gamit ang ekstemporanyong taludtod ay ipinangalan sa kanya: ang balagtasan.
Ipinangalan din ang isang paaralang elementarya sa kanyang karangalan, ang Francisco
Balagtas Elementary School (FBES), na matatagpuan sa kahabaan ng Alvarez Street sa
Santa Cruz, Maynila.

.blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

Pagbibigay ng Puna
Batay sa isinagawang pag-aara dito sa talambuhay ni Francisco Balagtas, lumilitaw
na ipinanganak na isang makata si Francisco.Nahigitan pa niya si Joseng Sisiw sapagkat
hindi lamang pagtutugma-tugma ng mga salita nagging mahusay si Francisco kundi sa
paghahanay-hanay ng mga salita’t pangungusap, sa pagkakaroon nito ng matayog na
kaisipan at pagtataglay ng mga matalinghagang pananalita.Mapapatunayan ito sa kanyang
mga akda na sinulat lalo na sa akda niyang “Florante at Laura. Pinatotohanan ng mga anak
ni Francisco sa isang tagsulat ang nahabi nitong tula na walang pinagbabatayang
sanggunian kundi ang talas ng kanyang pag-iisip.

Sa pamamagitan ng akdang” Florante at Laura, naipakita ni Francisco ang kabuktutan


ng mga Kastila sa ating bayan at ang maling pananalampalataya na umiiral noon na
binatikos din ni, Burgos, Rizal,Del Pilar at Lopez Jaena sa kanilang mga isinulat na akda. Sa
ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan ng simbahan at ng
pamahalaan, di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang kapangyarihan at kung nagkakairingan,
ang nasususnod ay ang simbahan.

5
Walang ibang relihiyon na umiiral noon kundi ang Iglesya Katolika Apostolika
Romana. Kinontrol ng simbahan ang mga babasahin na dapat ipalimbag noon at hindi ito
maaaring ipalaganap nang hindi muna magdaraan sa Comision Permenente de Censura.Sa
panahong ito, mapapansin na ang paksa o tema ng mga babasahin ay panay na nauukol sa
pananapalataya.Ang sinumang magbasa ng aklat na walang pahintulot sa Comision ay
itinuturing na nakagawa ng isang kasalanang mortal at nagiging isang excomulgado pa.

Ang “Florante at Laura” ni Balagtas, na isang awit ay nakalusot sa Comision


Penetente de censura sapagkat tumatalakay ito sa kasaysayan ng isang binyagan at di-
binyagan. Sa akdang ito, ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring
kalooban at ang mga Kristiyano ay may mga kahinaan din, nagsisiraan at nagpapatayan din.
Lumihis si Balagtas sa karaniwang babasahin noon na ang mga Moro ay pinalitaw na
masama at ang mga Kristiyano ay pawang mabubuti. Kaya mababasa sa “Florante at Laura”
na lahat ng tawo ay nasasaklaw ng Batas ng Langit.

Nagpapakita rin ito ng mga katotohanang pangyayari at higit sa lahat, ito’y


nagtuturo sa mga mambabasa ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila.
Dagdag pa rito upang imulat sa mga Pilipino kung gaano kalala ang paghahari-harian ng
mga mapang-abusong tao at kung gaano kalaganap ang korapsyon noong unang panahon.

Kahalagahan sa Pagsulat ng akdang Florante at Laura

Mahalagang pag-aralan ang Florante at Laura sapagkat marami kang mapupulot na


aral ditto. Dito mo rin masasalamin ang mga nangyayari sa mga Pilipino at sa ating bansang
Pilipinas noong unang panahon.
Mahalagang pag aralan ang Florante at Laura sapagkat malalaman mo rin dito ang
tungkol sa relihiyon na hindi lahat ng kristiyano at muslim ay magkaaway.Magkaiba man sila
sa paniniwala pero nagkakasundo naman pagdating sa paggawa ng kabutihan. Iyan ay
pinatunayan nina Florante at ang morong si Aladin.
Matutunan mo rin sa Florante at Laura ang wastong pagpapalaki sa anak na huwag
palakihin sa layaw ang isang bata.
Alamin ito nang tama, huwag pabayaan na laging nakadepende lamang sila sa
magulang. Turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa, para pagdating ng araw ay kaya
nilang mabuhay na mag-isa kahit wala na ang mga magulang sa tabi nila.
Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga sakripisyo upang
ikaw ay matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong pakikinabangan pagdating ng araw,
Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay na kaibigan
ay laging nandiyan sa tabi mo at di ka iiwan kahit anong mangyari.Lagi ka niyang
ipagtatanggol.
Matutunan dito ang tunay na pag-ibig na gagawin ang lahat para sa taong iyong
pinakamamahal. Handa kang magsakripisyo masigurado mo lang na ligtas ang taong
minamahal mo.

6
Ang Florante at Laura ay nahahati sa tatlong bahagi:

1. Paghahandog sa babaeng nagpatibok sa puso ni Balagtas na nagbibigay rin


ng kasawian.
2. Bahaging patungkol sa mambabasa.

3. Pinaka simula ng awit

Kabilang si Balagtas sa mga manunulat na naghimagsik laban sa mga


Kastila.Ayon kay Lope K. Santos, may Apat na himagsik si Balagtas. Ito ang mga
sumusunod:

1. Himagsik laban sa maling kaugalian o maling pagpapasunod sa anak.


2. Himagsik laban sa maling pananampalataya.
3. Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
4. Himagsik laban sa masamang pamahalaan.

Gawain 4:2. Kahalagahan ko, i-tsek mo!

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang sa bawat bilang kung ito ang
kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura ayon sa akda.

_______1. Naipakita ni Francisco ang kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan at


ang maling pananalampalataya
_______2. Ipinakita ni Balagtas na ang mga Moro ay may mabuti ring kalooban at
ang mga Kristiyano ay may mga kahinaan din, nagsisiraan at
nagpapatayan din
_______3. Mababasa sa “Florante at Laura” na lahat ng tawo ay nasasaklaw ng
Batas ng Langit.
_______4. Ang paksa o tema ng mga babasahin ay panay na nauukol sa
pananampalataya
_______6. Matututunan mo rin dito ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Ang tunay
na kaibigan ay laging nandiyan sa tabi mo at di ka iiwan kahit anong
mangyari.Lagi ka niyang ipagtatanggol.
_______7. Naging karibal niya kay Celia ang mayamang si Mariano Kapule na
nagpakulong sa kanya ng walang dahilan.
_______8. Ang kanyang dalawang dating guro na si Dr. Mariano Pilapil at José de la
Cruz na isang bantog na Tondo Poet ang nagturo sa kanya kung paano
magsulat ng mga tula
_______9. Sa ating konstitusyon ngayon magkahiwalay ang kapangyarihan ng
simbahan at ng pamahalaan, di tulad noon na ang dalawa ay iisa ang
kapangyarihan at kung nagkakairingan, ang nasususnod ay ang
simbahan.
_______10. Ipinakikita rin dito ang kahalagahan ng pag-aaral.Kailangan ng mga
sakripisyo upang ikaw ay matuto,pero lahat naman ng ito ay iyong
pakikinabangan pagdating ng araw

7
Isaisip

Gawain 5.1: Tanong ko, ipaliwanag mo!

Panuto: Upang mas mapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol kay Francisco
Baltazar, ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat bilang.

1. Bakit nakulong sa ikalawang pagkakataon si Kiko?


______________________________________________________

2. Ilarawan ang kalagayan sa buhay ng mag-anak na Balagtas.

3. Ilahad ang sistema ng edukasyon noon na ipinaiiral ng mga paring Kastila?

4. Paano nakapagpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Maynila si Kiko?

5. Magbigay ng isang mungkahi kung paano maaaring makapagtapos ng pag-aaral


ang isang batang mahirap.
________________________________________________________

Tayahin

Tiyak kong marami ka ng naipon na kaalaman tungkol sa buhay ni


Balagtas. Ibuod mo ito.

Gawain 7.2 Kasaysayan noon, isulat ngayon!

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot.

Paano ipinakita sa akda ang kawalan ng hustisya noong panahon ng Kastila? May
mga pangyayari pa bang katulad noon sa kalagayan ng lipunan na nangyayari
hanggang ngayon? Magsalaysay ng isang pangyayari at isulat sa patlang

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
Lagumang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Piliin ang titik ng iyong sagot
mula sa pagpipilian sa ibaba at isulat ito sa patlang..

A. Mariano Kapule J. Maria Asuncion Ramos


B. Pebrero 20, 1862 K. houseboy
C. Juana dela Cruz at Juan Balagtas L. mikaniko
D. Batas ng Langit M. Abril 2, 1788
E. Lopez Jaena N. Masamang pamahalaan
F. Maria Asuncion Rivera O. Francisco Balagtas
Baltazar
G. Dalawa P. Hulyo 22, 1842.
H. Joseng Sisiw Q. Pinakasimula ng awit
I. Nagpapakita ang Florante at Laura R. Humanities, at Philosophy
ng mga katotohanang pangyayari at
higit sa lahat, ito’y nagtuturo sa mga
mambabasa ng kalagayan ng mga
Pilipino sa panahon ng Kastila.
_______1. Petsa ng kamatayan ni Francisco.
_______2. Sila ang mga magulang ni Kiko.
_______3. Isa sa mga bahagi ng Florante at Laura.
_______4. Ito ay isang himagsik ni Balagtas sa mga Kastila.
_______5. Sino ang may-akda ng awit na Florante at Laura?
_______6. Isa siya sa mga bumatikos sa kabuktutan ng mga Kastila sa ating bayan
at ang maling pananalampalataya na umiiral noon.
_______7. Mga kursong natapos ni Kiko.
_______8. Ayon ni Balagtas, anong batas nasasaklaw ang lahat ng tao?
_______9. Ilang beses nakulong si Francisco.
_______10. Petsa ng pagsilang kay Balagtas.
_______11. Siya ang karibal ng pagmamahal ni kiko kay Celia na nagpakulong sa
kanya.
_______12. Isang makata na nahigitan ni Kiko sa pagsulat ng mga akda dahil sa
kanyang angking talas ng isipan.
_______13 Ito ay isa sa kahalagahan sa pagsulat ng awit. .
_______14. Ito ang trabaho ni Kiko sa pamilyang Trinidad sa Tondo
_______15. Siya ang tinutukoy na M.A.R.

9
Susi ng Pagwawasto

10
11
12
13
Sanggunian
Aklat:
Guimarie, Aida M. “Florante at Laura (ni Francisco Baltazar” AMOS BOOKS, INC.

Manlapuz, Carolina Dizon “Ginintuang Pamana, Florante at Laura” Innovative


Educational Materials, Inc. 2006

Internet:

blogspot.com/2017/08/talambuhay-ni-francisco-balagtas.html

14
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

15
16

You might also like