You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Filipino 10
Ikalawang Markahang Pagsusulit
T.P. 2023 – 2024
Pangalan: _________________________________________________________ Marka: __________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________ Petsa: _________________________

I. Isulat sa kahon ang kaugnay na salita ng mga pahayag sa bawat bilang. Gawing gabay ang mga ibinigay na titik.

E N I 1. Pagbabalanse at pangangasiwa ng yaman ng bansa.


R Z 2. Bansang matatagpuan sa Timog Amerika na pinananahanan ng mga
Brazilian.
A U U U A 3. Paglalagak o paglalaan ng pera o anu pa mang ari-arian sa isang kalakal o
negosyo upang tumubo o mapalago ito.
P N G 4. Punong Ehekutibo ng isang Republikang Bansa.
N F A 5. Patuloy na pagtaas ng bilihin.
N D 6. Mga bagay na ginagamit upang simulan ang isang negosyo.

II. Isulat ang salitang ugat ng sumusunod na salita sa kabilang hanay.

Salita Salitang-ugat
7. matimtiman
8. nangangamba
9. marahas
10. hinihigaan
11. titingnan
12. makamtan

III. Itala ang mga kaugnay o kasingkahulugang mga salita ng mga salitang nasa loob ng talahanayan. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon.

Busabos Suklam Yagit Madatung Yamot Marangya

Mahirap Mayaman Galit


13. 15. 17.
14. 16. 18.
IV. Basahin ang dialogo sa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na tanong pagtapos. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot at isulat sa patlang bago ang bawat bilang.

Isang araw, nag-uusap ang tatlong opisyales ng Student Government.

Jhasmine: Naisip mo ba kung saan napupunta ang basurang itinatapon mo?


BJ: Siyempre kinukuha ng mga basurero at ito ay dinadala sa tambakan ng basura.
Jhasmine: Eh, paano kung hindi naitapon nang maayos. Halimbawa, ang lata na itinapon sa kalsada ay
maaaring makabara sa kanal.
Calyx: At ang balat ng kendi na itinapon sa dagat ay maaaring makain ng hayop.
Jhasmine: Tama! Halikayo at basahin natin ang tekstong ito na pinamagatang “Pangangalaga ng Basura.”
Ang bawat Pilipino na naninirahan sa pook rural ay lumilikha ng mahigit kumulang na 0.3 kg. na basura
habang sa pook urban o siyudad ay mayroon kada araw ng 0.5 kg na basura. Nasa 60% ng mga basura na
itinatapon ay biodegradable o nabubulok, 20% ay recyclable o maaaring mabalik-anyo, at 18% ang residual waste
Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

na magagamit pang muli na basura. Higit kumulang 80% naman ang mga basura na hindi naman dapat itinatapon at
dinadala sa tambakan. Dahil sa dami ng basura sa tambakan dumadami rin ang nililikha na methane galing sa mga
nabubulok na basura. Ito ay sanhi rin ng pagkapal ng greenhouse gases sa atmospera at nagdudulot ng
pandaigdigang pag-init ng mundo.
BJ: Ah, ganun pala! Kaya sabi ng mama ko ibang-ibang na ang mundo ngayon. Hindi mo masabi kung
kalian uulan o aaraw.
Jhasmine: Kaya bago mo itapon ang bagay na hawak mo, isipin mo muna kung ito ay kailangan mo, maaari
mong
i-reduce o bawasan ang paggamit.
Calyx: O dapat bang i-reuse o tingnan kung magagamit pa itong muli?
Jhasmine: O i-recycle o magbalik anyo sa pamamagitan ng paglikha ng bagong bagay mula sa lumang bagay?
- Mula sa pangangasiwa ng basura (Resurreccion, 2011)
ang sipi ay mula sa Panahon na inilathala ng WWF-Phil.
_______19. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga tauhan sa dialogo?
a. tungkol sa basura c. tungkol sa kalusugan
b. tungkol sa kalikasan d. tungkol sa pagbabago ng mundo
_______20. Anong katangian ang higit na ipinakikita ng mga tauhan batay sa binasang dialogo?
a. Malikhain b. Masipag c. Makakalikasan d. Mahusay na pinuno
_______21. Masasabi bang mabisa ang paraan ng manunulat sa pagsulat ng binasang dialogo?
a. Oo, sapagkat malinaw nitong naipararating ang mensahe ng teksto
b. Hindi, sapagkat hindi naman makatotohanan ang mga sitwasyon sa dialogong binasa.
c. Hindi, sapagkat hindi naman kayang gawin ng mga pinunong mag-aaral ang pinanunukalang paraan ng
tamang pangangalaga sa basura.
d. Oo, sapagkat maaari ring isagawa ng mga kabataan ngayon ang mensahe ng teksto upang makatulong
sa paglutas ng problema sa basura.
_______22. Masasabi bang malinaw ang usapan ng mga tauhan batay sa binasa?
a. Hindi, sapagkat magulo ang paglalahad ng mensahe ng dialogo.
b. Oo, sapagkat may mga salitang taglish na ginamit sa mga usapan.
c. Oo, sapagkat pangkaraniwan lamang ang ginamit na mga salita at hindi matatalinghaga kaya madaling
maintindihan ang mensahe ng dialogo.
d. Hindi, sapagkat matatalinghagang pagpapahayag ang ginamit ng may-akda kung kaya hindi madaling
unawain ang mensahe ng dialogo.
_______23. Anong katangian ng dialogo ang higit na ipinakikita ng manunulat?
a. Impormatibo b. Mahusay na Banghay c. Malinaw na Tauhan d. Matalinghaga
_______24. Anong bisang panlipunan ang higit na ipinakikita ng dialogo?
a. Pagtulong ng kabataan sa kapwa
b. Paglutas sa suliranin ng lipunan hinggil sa tamang pagtatapon ng basura
c. Kawalan ng pakialam ng mga tao sa pagkasira ng kalikasan at kapaligiran
d. Mahusay na pamumuno ng mga kabataan upang makatulong sa suliranin ng lipunan
_______25. Ano ang higit na dapat gawin ng mga tao upang masolusyunan ang suliranin hinggil sa basura?
a. Magresiklo ng mga patapung bagay.
b. Magtanim ng mga puno upang mapalitan ang mga pinutol at ginamit na ng tao.
c. Huwag nang gumamit ng anumang uri ng plastik upang wala nang maging basura.
d. Mag-isip at gumawa ng mabisa at pangmatagalang solusyon upang hindi na masira ang kapaligiran at
kalikasan.

Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

_______26. Ano ang damdaming higit na nangingibabaw sa suliraning inilahahad ng dialogo hinggil sa basura?
a. Nakatutuwa sapagkat namumulat na ang mga kabataan sa isyung ng lipunan.
b. Nakatutuwa sapagkat may mga kabataang may pakialam sa kalagayan ng kapaligiran.
c. Nakalulungkot sapagkat ang mga kabataan pa ngayon ang naoobliga na magresolba ng problema sa
basura.
d. Nakalulungkot sapagkat unti-unting nasisira ang kapaligiran at kalikasan dahil sa patuloy na pagdami
ng basura sa mundo.
_______27. Dapat bang isisi sa pamahalaan ang paglala ng problema hinggil sa basura?
a. Oo, sapagkat sila ang namumuno sa atin.
b. Hindi, sapagkat hindi naman ang pamahalaan ang nag-umpisa ng problema sa basura.
c. Hindi, sapagkat ang pagmamalasakit sa kalikasan ay dapat mag-umpisa sa bawat isa sa atin.
d. Oo, sapagkat maraming opisyal ng pamahalaan ang di ginagamit nang tama ang pondong nakalaan
para sa suliraning ito.
_______28. Kamakailan ay pinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Montalban ang paggamit ng mga plastik bag at plastik
straw sa mga tindahan upang makatulong sa pagbabawas ng basura. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang
ganitong hakbang upang masolusyunan ang suliranin sa basura ng Bayan ng Montalban?
a. Oo, sapagkat nabawasan ang mga basurang itinatapon sa land field.
b. Oo, sapagkat mas nagkaroon ng pakialam ang mga mamamayan hinggil sa suliranin sa basura.
c. Hindi, sapagkat marami rin ang reklamador na mamamayan at hindi sumusunod sa ordinansa ng lokal
pamahalaan.
d. Hindi, sapagkat marami pa rin ang naitatapong ibang basura. Kailangan ng mas epektibong paraan
upang tuluyang masolusyunan ang suliranin.
_______29. Kaugnay sa dialogong binasa, isang pawikan ang napabalitaang nakalunok ng plastik straw na naging sanhi
ng kamatayan nito. Sa iyong palagay, ano ang posibleng mangyari kapag nagpatuloy ito?
a. Mag-iiba ang lasa ng karne ng pawikan.
b. Matututunan ng mga pawikan na mabuhay sa maruming kapaligiran.
c. Magdudulot ng pagkaubos ng iba’t ibang uri ng hayop gaya ng pawikan.
d. Magkakaroon ng epekto ang mga basura ito sa pagpaparami ng iba’t ibang uri ng hayop.
_______30. Alin sa mga sumusunod ang higit na mabisang paraan upang maprotektahan ang kalikasan?
a. Iwasan ang pagtatapon ng mga basura.
b. Isagawa ang Reuse, Reduce, Recycle, at Refuse na paraan sa pagtatapon ng basura.
c. Maglaan ang pamahalaan ng bilyong-bilyong pondo para sa Proper Wastes Management sa bawat
barangay.
d. Magkaroon ng Incineration Plant ang bansa kung saan susunugin ang mga basura sa paraang di
makasisira sa hangin, sa yamang tubig, at sa yamang lupa sa loob lamang ng isang araw gaya ng sa
bansang Singapore.

V. Isulat sa patlang kung Tagaganap, Layon, Kalaanan, o Kagamitan ang pokus ng pandiwang nakasalungguhit sa
bawat pangugusap.
__________31. Gaya ng mga leader ng ibang bansa, ginagawa ni Pangulong Duterte ang kaniyang buong makakaya
upang tiyakin ang seguridad sa ekonomiya habang nilalabanan natin ang kumakalat na pandemya.
__________32. Gaya ng mga Pilipino, nangunguha rin ng mga yamang dagat ang mga Tsino sa pinag-aagawang West
Philippine Sea.
__________33. Hinahanapan ng paraan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbubukas ng eskwela ngayong taong
panuruan nang hindi nailalagay sa panganib ang mga guro’t mag-aaral sa gitna ng pandemya.
__________34. Ipinansusuri ng mga gwardiya at ng mga frontliner ang thermal scanner upang agad na malaman ang

Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
temperature ng mga tao bilang pag-iingat sa kumakalat na sakit.
__________35. Ikinababahala ng marami ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-COVID-19.
__________36. Naglabas ng pahayag si Sec. Harry Roque na tuloy ang taong panuruang 2020 – 2021 sa kabila ng
banta ng COVID-19 ngunit tinitiyak na hindi mailalagay sa alanganin ang kapakanan ng mga mag-
aaral at mga guro.
__________37. Ipinampoprotekta ng mga taxi driver ang mga ikinabit na tubo at plastic cover sa kanilang taxi upang
maiwasan ang posibleng pagkahawa nila sa kumakalat na sakit.
__________38. Inaalala ng mga OFW ang kahihinatnan nila pag-uwi sa bansa dulot ng epekto ng epidemya sa buong
mundo.
__________39. Binigyan ng tulong pinansyal ang mga driver na nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na Enhanced
Community Quarantine.
__________40. Magkakaroon ng malakihang Roll Back Price ang mga kompanya ng langis sa mga susunod na linggo.
__________41. Binigyan ng pamahalaan ng tulong pinansyal ang mga may-ari ng babuyang naapektuhan ng
epidemiyang ASF.
__________42. Ipinanlalaban na lamang ng mga tao ang kanilang pananampalataya sa Poon upang hindi sila
panghinaan ng loob sa pakikilaban sa pagsubok ng buhay dulot ng lumalaganap na sakit.
.
VI. Suriin ang tula sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsagot ng mga sumunod na tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
Unang Bugso ng Pag-ibig
ni J.V. Ramoneda
1 4
Masdan ang dungawan nitong kaluluwa Waring dila’y nalunok, di makausal
Damhin ang abang pusong kakabakaba Sa tuwing lalapit, hay! Nakahahangal
Mabilis ang kabog waring may pangamba Di na nga makakain ni tulog mahal
Ano tong di mawari, di mahinuha? Ikaw pa rin ang nais makasumpa sa altar

2 5
Madalas maghiwalay diwa’t katawan Mandangi’y pag-ibig, bago sa pandinig
Waring isip ay nasa kahiwagaan Kung kayâ nang gumuhit, Ay, anong lintik!
Madalas mangiti kung mag-isa lamang Mamatay man na ang mata’y nakatirik
Pag-ibig na nga ba? Pag-ibig nga naman Makuha lang ang suntok sa buwang halik

3 6
Tuliro’t lito na’y di pa makuro Ang pag-ibig nga naman kapag dumapo
Magdamag nang gising, may tigyawat na’ng noo Tila tanikalang bubulid sa puso
Makaharap nama’y, puso’y lumulukso Kaya ang aking payo sa mga katoto
Ano bang pag-ibig to, di mo makuro? Pag-ibig ay di laro ni isang biro.

_______43. Ano ang sukat ng bawat taludtod sa tulang binasa?


a. lalabing-animin b. lalabing-dalawahin c. sasampuin d. wawaluhin
_______44. Sa anong uri ng tula ayon sa kayarian nabibilang ang binasa?
a. Blanko Verso b. Malayang Taludturan c. Tradisyunal d. Tugmaang Taludturan
_______45. Ano ang ibig sabihin ng makata sa pahayag na “Madalas maghiwalay diwa’t katawan. Waring isip ay nasa
kahiwagaan.”?
a. Ang pag-ibig ay puno ng kahiwagaan.
b. Ang kaluluwa ng taong umiibig ay nakapaglalakbay sa kabilang buhay.
c. Kapag ang tao ay umibig, handa itong magpakamatay alang-alang sa minamahal.
Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
d. Madalas na nasa isip ng taong umiibig ang kaniyang mahal at ang mga sandaling kasama niya ito.

_______46. Anong tayutay ang ginamit ng makata sa huling taludtod ng ikalimang saknong?
a. Hyperbole b. Metapora c. Personipikasyon d. Simile
_______47. Anong uri ng tugmaan ang ginamit ng makata sa huling saknong?
a. di-ganap b. ganap c. salitan d. tradisyunal
_______48. Ano ang damdamin nakapaloob sa tula?
a. masaya b. seryoso c. malungkot d. nanghihinayang

VII. Pag-ugnayin ang mga taludtod na nasa Hanay A at ang kahulugan ng mga ito na nasa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
A B
_______49. Iniibig kita nang buong taimtim, a. Iibigin ng persona ang kaniyang sinta
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing hanggang kamatayan
_______50. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay b. Tanging sa pag-ibig ng persona sa Diyos
Ng kailangan mong kaliit-liitan, ang pwedeng paghambingan ng pag-ibig
_______51. Laging nakahandang pag-utus-utusan, nito sa kaniyang sinta
Maging sa liwanag, maging sa karimlan. c. Ang nararamdamang pag-ibig ng persona
_______52. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, ay mahirap mawala.
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin d. Handang pagsilbihan ng persona ang
_______53. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay kaniyang sinta sa hirap man o sa ginhawa
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, e. Handang ibigay ng persona ang anumang
_______54. At kung sa Diyos naman na ipagtalaga kailangan ng kaniyang sinisinta
Malibing ma’y lalong iibigin kita. f. Di masusukat ang tindi ng pag-ibig ng
persona sa kaniyang sinisinta.

VIII. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang karaniwang nakikita sa social media sa pamamagitan ng pagpili sa kahon
ng tamang sagot at pagsulat ng titik nito sa patlang bago ang bawat bilang.
a. Social networking c. Microblogging e. Blog comments
b. Media Sharing d. Blog f. netiquette

___55. Dito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga taong miyembro rin ng nasabing social network.
___56. Sa media sharing ay maaaring mag-upload at mag-share ng iba’t ibang anyo ng media tulad ng video.
___57. Dito makakapag-post ng maikling update.
___58. Ito ay maihahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawang ibinabahagi sa buong mundo.
___59. Dito maaaring makapag post ng mga balita, artikulo, o link sa mga artikulo na hindi naka-copy at paste.
___60. Tawag sa tamang kaasalan sa paggamit ng internet.

Inihanda ni:

Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Schools Division Office of Rizal
GENERAL LICERIO GERONIMO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Jerome V. Ramoneda
Guro II

Address: Camia St. Green Rose Subd., Geronimo, Rodriguez, Rizal 1860
Telephone No.: (02)837-65752 / (02)836-55039 School ID: 301439
Email Address: 301439@deped.gov.ph

“SULONG, BLUE RIZAL”

You might also like