You are on page 1of 4

Pansariling Kaligtasan para sa mga Bata

Ikalimang Baitang
Gabay sa Pagtuturo
Aralin 2 Pagtugon sa Pinto
Ang mga bata ay nangangailangan ng mga batas pangkaligtasan sa pagtugon sa pinto lalo na kung wala
sa bahay ang mga nakakatanda. Maaaring maging isang kabastusan ang hindi pagbubukas ng pinto kung may
Paalala sa Guro kumakatok. Maaari ring hindi sapat ang pagtatanong kung sino ang kumakatok bago buksan ang pinto. Ituro sa
mga mag aaral kung kailan dapat o hindi dapat buksan ang pinto. Hikayatin silang ibahagi ang mga batas
pangkaligtasan ng kanilang pamilya hinggil dito kung mayroon man.

• Kung nag iisa sa bahay, sundin ang mga batas pangkaligtasan ng pamilya sa pagtugon sa pinto.
Konsepto • Kung walang batas pangkaligtasan ang pamilya hinggil dito, huwag buksan ang pinto kung nag iisa sa
bahay.

• Kilalanin ang mga posibleng mapanganib na sitwasyon


Layunin • Magmungkahi ng mapagpipiliang paraan sa ibat-ibang sitwasyon
• Tukuyin ang mga ligtas na paraan sa mga mapanganib na sitawasyon

Aralin 3: Pagtugon sa Pinto


Yunit I: Pansariling Kaligtasan at Pagpapasiya
Nilalaman
Papasukang Aralin: EKAWP 1.1 Pagkakaisa sa Pangkat

Pag uusapan natin nang husto ang tungkol sa pagtugon sa pinto: ang mga posibleng mapanganib na sitwasyon
sa pagtugon sa pinto, mga paraan sa pagtugon sa ibat-ibang sitwasyon, at pagtukoy sa mga ligtas na paraan sa
Talakayan
mga mapanganib na sitwasyon.
Scenario:
NAG IISA SA BAHAY SI SARAH SA BAHAY. NASA OPISINA PA ANG KANYANG MGA
MAGULANG AT NASA PALENGKE NAMAN ANG KANYANG ATE. MAAARING GABIHIN SILA SA
PAG UWI. KASALUKUYANG NAG-AARAL SI SARAH NG KANYANG MGA GAWAING BAHAY
NANG NAKARINIG SIYA NG KATOK SA PINTO.

Ano ang maaaring gawin ni Sarah? Paano malalaman ni Sarah kung sino ang kumakatok?

Mga maaaring maging tugon:


Unang Araw -silipin sa bintana
-itanong sa pinto

Kung nasa kalagayan kayo ni Sarah, paano kayo magpapasiya kung sino ang maaari ninyong papasukin?

Maaaring tugon:
-papasukin lamang ang mga pinayagan ng kanilang mga magulang.
-kung ito ay aming kamag-anak, lolo o lola.
Tungkol sa talakayan natin kahapon tungkol sa mga paraan o mga maaaring gawin sa pagtugon sa pinto,
ngayon ang tanong ay, Papapasukin nyo ba ang inyong kapitbahay?

Mga maaaring maging tugon:


Ikalawang Araw
-Papapasukin lamang po ang kapitbahay kung ito ay pinaaalam sa akin ng aking mga magulang.
-Opo dahil kakilala ko po sila.
-Hindi, dahil hindi lahat ng kapitbahay ay mabuti ang hangarin.
-Depende kung ano ang kanyang hangarin ngunit hangga’t maaari ay hindi dapat sila papasukin.

Sa tingin mo, ano ano ang mga posibleng mapanganib na mangyari kung ikaw ay magpapapasok ng hindi mo
kakilala sa loob ng inyong bahay na walang pahintulot ng iyong mga magulang?

Mga maaaring maging tugon:


Ikatlong Araw
-Posibleng manakawan ang loob ng bahay.
-Posibleng saktan o halayin ang isang bata na nasa loob ng bahay.
-Pwedeng sunugin ng taong labas ang bahay.

Ikaapat na Araw

Upang maiwasan natin ang mga panganib na posibleng mangyari kapag may kumatok sa ating bahay, dapat
may batas pangkaligtasan na sinusunod ang bawat miyembro ng pamilya.

Sino sino dito ang may batas pangkaligatsan sa pagtugon sa pinto kung kayo ay nag iisa sa bahay? Magbigay
nga ng halimbawa na pagkaligtasan.
Mga maaaring tugon:
-Huwag na huwag bubuksan ang pinto kahit may kumatok. Tanungin nang maayos kung sino at anong pakay
nila.
-Kung hindi kilala, pabalikin na lamang sa oras na kasama na ang mga magulang.
-Kung nagpumilit ito pumasok, humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa mga magulang gamit ang
telepono o humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Humingi sa inyong mga magulang ng listahan ng mga taong maaari


Ikalimang Araw ninyong papasukin sa bahay kahit kayo ay nag-iisa at isulat ang listahan sa inyong PSL notebook.

You might also like