Panuto: Sumulat ng isang paglalahad tungkol sa napanood na dokyumentaryo.
A. AMPON 1. Magbigay ng mga dahilan kung bakit may ipinaampon na mga bata. - Sinasabi ng marami na ang isang malaking dahilan kung bakit pinapa-ampon ang mga bata ay dahil pinagkaitan sila ng pagaalaga at pagmamahal ng kanilang sariling magulang. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ito ang dahilan. Pagtitignan natin ng mabuti ang kondisyon ng mga naninirahan sa ating bansa. Ang ibang nagkakaroon ng pamilya ay madalas walang family planning at nagreresulta ito sa estado ng kahirapan. Kadalasan, itoy bunga ng pangmomolestiya o pagsasama na pinagbabawal. Ang mga biktima nito ay menor de edad. Dahil sa hindi matiis ng biktima na makita lumaki ang bunga mula sa kasamaan. Itoy pinapalaglag, pinapakawalan at kadalasan binibigay sa mga taong parte ng sindikato. 2. Sa inyong palagay, sino ang dapat sisihin sa pagpapaampon? Ipaliwanag ang kasagutan. - Maraming posibilidad kung sino dapat sisihin sa mga pagpapampon. Depende na ito sa pangyayari kung bakit niya pinaampon ang kanyang sinapupunan. Kadalasan dahil ito sa magulang na pinagkait ang pagmamahal na kinailangan ng kanyang anak. Napasa ang ugali ng magulang sa anak o mahigpit ang magulang sa mga ginagawa ng kanyang anak. Pwede rin sisihin ang anak, Kung ito naman ay pasaway at hindi sinusunod ang mga sinasabi ng kanyang magulang. Nagdulot ito ng maagang paggawa ng bawal na bumunga ng isang sanggol. Pero kadalasan ang dapat sisihin ang nangmolestiya o nanggahasa. Marami na rin ang nababalita na mga menor de edad ang biktima nito. Pero karamihan ay musmos ang biktima nito. Kung ito ang kaso, kahit sino hindi matiis na bumunga ang sanggol na nagmula sa masamang tao. 3. Kung kayo ang nasa katayuan ni Sandra Aguinaldo, ano ang inyong magiging damdamin nang malaman ninyong ampon siya? - Kung ako ang nasa katayuan ni Sandra Aguinaldo. Unang una, magiiba tingin ko sa aking magulang na nag-ampon sa akin. Depende sa nagawa nila kung positibo ba ito o negatibo. Maiinis din ako sa magulang na nagpaampon sa akin kahit na kaunti lang ang nalalaman ko tungkol sa kanila. Pero dahil nalaman ko ang pangyayari na iyon. Gusto ko malaman ang buong storya sa pananaw na aking totoong magulang. Lalo na ang kanilang rason kung bakit nila ako pinaampon. Pero hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa magulang na nagampon at nagpalaki sa akin na pinagkait ng aking totoong magulang. B. ISKUWATER 1. Sumulat ng isang talata ng paglalahad tungkol sa napanood na dokyumentaryo. 2. Ilahad ang kahirapan na inyong nasaksihan. 3. Magbigay ng mga dahilan kung bakit maraming nahihirapan sa ating bansa. Sino ang dapat sisihin? Bakit? 4. Patunayan na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay tulad ni Mang Max sa tamang paraan.