FILIPINO 2 Q3 WEEK 1 DAY 2 Panuto: Piliin ang wastong pamalit sa ngalan ng tao sa loob ng kahon. Isulat ito sa sagutang papel. Kitang Sila Kayo Ikaw Siya Tayo
FILIPINO 2 Q3 WEEK 1 DAY 3 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Hanapin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao na nasa teksto. TAYO NA SA DAGAT Maagang gumising ang pamilyang Albino. Sila ay pupunta sa dagat. “Ako ang maghahanda ng pagkain para sa ating almusal”, sabi ni nanay. Ikaw naman kuya ang maghahanda ng mga gamit panligo. Abala ang lahat sa kani- kanilang mga gawain. Sila naman ni ate at bunso ang tutulong kay nanay sa mga gawain sa kusina. Lahat kayo ay magtutulungan upang mapagaan ang inyong mga gawain para tayo ay makaalis na papuntang dagat, sabi naman ni tatay.