You are on page 1of 9

1.

Lantay- Ginagamit sa paglalarawan ng


katangian ng iisang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari. Ginagamit din ito sa
paglalarawan ng panghalip.
Mga halimbawa:

a. Maganda ang bahay nila.

b. Siya ay mabait.
2. Pahambing- Ginagamit sa paghahambing
ng katangian ng dalawang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari.

Sa paghahambing, maaaring magkatulad o


di- magkatulad ang mga inihahambing.
Mga halimbawa ng magkatulad:
a. Kasinlinis ng silid ko ang silid ng kapatid ko.
b. Pareho silang matalino.
Iba pang pantig o kataga na maaaring gamitin:
kasing, kasim, ka, magkasing, magkasim,
magkasin, magsin, magsing, magsum, kapuwa
Mga halimbawa ng di-magkatulad:
a. Mas malaki ang bag mo kaysa sa kaniya.
b. Higit na maliit ang pamilya ni Lorie kaysa
pamilya ni Annie.
Iba pang pantig o kataga na maaaring
gamitin: di- gaano, di- gasino,higit, di-tulad
3. Pasukdol- Ginagamit sa paghahambing
ng higit sa dalawang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari.
Mga palatandaan upang makilala ang
kaantasang pasukdol:
a. pag- uulit ng pang- uri (magandang- maganda)
b. paggamit ng mga salitang lubha, hari, nuno, ulo,
at ubod (lubhang maganda)
c. Paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka-, at
pinaka- (pinakamaganda)
Lantay Pahambing Pasukdol

Magkatulad Di-magkatulad

1. maganda -kasingganda -mas maganda -pinakamaganda


-parehong maganda -lalong maganda -ubod ng ganda
-nuno ng ganda

2. Mabait -kasimbait -mas mabait kaysa -napakabait


-lubhang mabait

3. Malaki -magkasinlaki -higit na Malaki -pinakamalaki

4. Malinis -kapuwa malinis -di-gaanong malinis -napakalinis


-magkasinlinis -higit na malinis -pinakamalinis
-ulo ng linis

You might also like