You are on page 1of 3

FILIPINO REVIEWER BY. S.

MAINE

Goodluck!!! -Cinna

PAGHAHAMBING

 Isang pamaraan ng paglalahad ng pagkatulad at pagkakaiba

URI NG PAGHAHAMBING

1.) Magkatulad

- patas na katangian
- ginagamit ang mga panlaping ka-, magka-, ga-, sing-, sim-, sin-, kasing-, magsing-,
magsin-, magsim-, magkasing-

hal. Magkaparehas ang kanilang kwintas.

 Ka: kaisa/katulad
 Magka: kaisahan/pagkakatulad
 Sing: patinig, katinig k,g,m,n,w, at y
 Kasing - kasing + salitang-ugat + ng/ni + pangngalan
 Kasing at sing: orihinal na salita
 Kasim at sim - p,b
 Kasin at sin - d,l,r,s,t

2.) Di-Magkatulad

 Palamang
- May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan
- Lalo: kaysa/kaysa sa/kay
- Higit/Mas: nagsasaad ng kalamangan, kaysa, kaysa kay/ kay
- Labis: higit,mas
- Di-hamak: kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
 Pasahol
- May higit na katangian
- Lalo: kaysa/ kay (tao), kaya/ kaysa sa (gamit)
- Di-gasino: paghahambing katangian tao
- Di-gaano: pangyayari, gamit
- Di-totoo: pagbabawas, pamalit

3.) Modernisasyon/katamtaman

 Pag-uulit ng pang-uring may panlaping “ma-” sa paggamit ng salitang medyo

sinusundan ng pang-uri.
METAPORIKAL
- pagbibigay-kahulugan sa salita bukod pa sa literal na kahulugan nito.

PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

- pagpapahayag ng emosyon sa paraang papataas ng antas nito

Halimbawa;

1. Galit, poot, inis, asar: Inis - asar - galit - poot


2. Pagsinta, paghanga, pagliyag, pagmamahal: Paghanga - pagsinta - pagliyag - pagmamahal
3. Hayok na hayok, nagugutom, kumakalam: Nagugutom - Kumakalam - Hayok na Hayok
4. Iyak, hagulgol, hikbi, nguynguy: Hikbi - nguynguy - iyak - hagulgol
5. Kaba, takot, pangamba: Pangamba - kaba – takot

ARALIN 3.1

RAMA AT SITA (INDIA)

- Isinalin ni Rene O. Villanueva

Tauhan: Rama, Sita, Lakshamanan, Surpanaka, Ravana, Maritsa

ARALIN 3.2

TALINHAGA TUNGKOL SA UBASAN

- Hinango mula sa Mateo 20: 1-16 sa bagong tipan.


- Isang parabula

 Parabula – Isang akdang hinango sa bibliya na kapupulutan ng aral na maaring magsilbing gabay sa
marangal na pamumuhay ng tao.

PARABULA NG BANGA

- Aral: Makinig sa payo ng magulang.

Tauhan

1. Inang Banga - ang nanay ng bangang gawa sa lupa na laging nagpapaalala sa kaniyang anak.
2. Anak na banga - ang anak ng Inang Banga na may pagka-makulit at musmos pa lamang ang pag-iisip.
3. Porselanang Banga - ang nag-aya sa anak na Banga na maglangoy sa ilog sa kabila ng pagkakaiba ng
pinaggawaan nila parehas.
4. Bangang metal, bangal porselana, bangang babasagin - ang mga nakita ng anak na banga na nagtulak sa
kaniya sa simula na isiping magkakaiba ang mga banga at ang nagpasimula ng pag-iisip nito kung bakit
siya'y bawal makisalamuha sa ibang banga.
ARALIN 3.3

ELEHIYA PARA SA KAMATAYAN NI KUYA (BHUTAN)

- Isinalin ni Pat V. Villafuerte


- KALUNGTUNGAN ang damdaming nangingibabaw
 Elehiya- Isang tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin, paggunita at pagpapangaral sa namatay.

ARALIN 3.4

USOK AT SALAMIN: TAGAPAGLINGKOD AT ANG PINAGLILINGKURAN (ISRAEL)

- Isang sanaysay at tungkol sa diskriminasyon


- Isinulat ni Gordon Fillman
- Isinalin ni Pat V. Villafuerte

HINDI AKO MAGIGING ADIK

- ni Manny Ledesma

ARALIN 3.5

ISANG LIBO’T ISANG GABI (SAUDI ARABIA)

- Isang nobela: Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, tunggalian, at
masalimuot na mga pangyayari.
- Isinalin sa Ingles ni Richard Burton
- Nirebisa ni Paul Brians
- Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Tauhan
1. Babae
2. Asawa ng babae
3. Kasintahan
4. Hepe ng pulisya
5. Cadi
6. Vizier
7. Hari
8. Karpintero

 Saudi Arabia
- Bansang muslim/islam ang relihiyon
- Pinapayagang mag asawa ng 4 ang mga kalalakihan
- Noong setyembre 25, 2011, Inihayag ni Haring Abdullah na magkaroon ang kababaihan ng
karapatan para bumuto.

You might also like