You are on page 1of 3

1. Isang matanda na may kakaibang itsura ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang tindahan.

Sinabi ng tindera na walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon
naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang
nakaapekto sa sitwasyong ito?
takot

2. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?


Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon angkilos-loob.

3. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan
niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

4. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?


Lahat ng nabanggit

5. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga
natin sa mga bagay, gawi, at kilos?
Kilos-loob

6. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng
pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang
yugto ng kilos si Mary Rose?
Paghuhusga sa nais makamtan

7. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na


niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at
nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng
makataong kilos si Mary Rose?
Nais ng layunin

8. Ang mga sumunod na kilos ay dahil sa takot, MALIBAN sa:


pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera

9. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto.
Tomas de Aquino?
Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.

10. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila
ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang
mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya
ng kilos ang makikita rito?
Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.

11. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.

12. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya
tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:
Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na marka.

13. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang


halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi
kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
Tingnan ang kalooban

14. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang
computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag isipang mabuti kung
ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong
proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?
Isaisip ang mga posibilidad

15. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko

16. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman
ang papel ng kilos-loob?
Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.

17. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

18. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay
Max Scheler?
nagbabago sa pagdaan ng panahon

19. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni
Immanuel Kant?
ang makita ang kilos bilang isang tungkulin

20. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
Magkalap ng patunay

21. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng


pasiya?
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

22. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob

23. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
kilos

24. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng
asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa
magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita sa sitwasyon?
Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

25. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongopya ay


Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa.

26. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.

27. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na
iyong gagawin?
Umasa at magtiwala sa Diyos

28. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang
sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang
bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?
Tingnan ang kalooban

29. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?


pagpasok nang maaga
30. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at
kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera
ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil____.
ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang

31. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na
ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga
nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

32. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa
panahon ng halalan.

33. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.

34. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.

35. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon
kay Sto. Tomas de Aquino?
Isip at Kilos-loob

You might also like