Chap. 1-4 Complete

You might also like

You are on page 1of 19

Ang Lebel ng Pagtanggap ng Tangkay ng Puno ng Saging na Saba

(Musa acuminata x balbisiana) at mga Diyaryo Bilang Pangunahing

Materyal sa Paggawa ng Papel

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang papel ay isang manipis na materyal na ginawa mula sa natural (o

napakabihirang artipisyal) na mga hibla, na pinagdikit-dikit sa solidong

istraktura pagkatapos nilang maluwag sa mainit na tubig. Ang recipe na ito ay

itinatag higit sa 2000 taon na ang nakalilipas sa Sinaunang Tsina, at mula

noon ito ay nagbago nang kaunti, na pinahusay lamang ng mga paminsan-

minsang pagsulong ng kimika na naging sanhi ng paglikha ng hindi mabilang

na mga pagkakaiba-iba ng mga uri ng papel. (History of paper.net, 2022)

Naging pangmalawakang suliranin sa mundo ang iligal na pagpuputol

ng puno, na karaniwang nagdududulot sa mga mas malalalang problema. Isa

ang produksyon ng papel sa libo-libong dahilan kung bakit patuloy itong

pinoproblema.

Nagsimula ang paggawa ng papel sa bansang Ehipto kung saan ang

papel ay gawa sa tangkay ng halaman na tinatawag na papyrus plant. Nang

kalaunan, ito ay nagamit din ng mga Griyego at mga Romano sa paggawa ng

mga tela, tali at iba pang bagay na nagagamit nila sa pang araw-araw na

pamumuhay. Mabilis ito lumago na nagdulot sa agarang nakilala sa iba pang


mga kontinente sa mundo

(http://www.historyofpaper.net/paper-history/timeline-of-paper/) .

Nasa panahong ng Dinastiyang Han sa bansang Tsina, nang

magsimula ang produksiyon ng paggawa ng papel sa Asya. Ang unang papel

sa Tsina ay gawa sa kahoy at kawayan. Matapos ang ilang mga taon, mabilis

itong natutunan ng ibang mga bansa ang paggamit ng papel sa iba’t-ibang

bagay tulad ng Korea at Japan (https://quart.us/china/invented-paper-ancient-

china)

(https://quart.us/china/invented-paper-ancient-china.htm) .
Sa Pilipinas, naipakilala ang papel sa pamamagitan ng salapi na

nagmula sa ibang bansa na dala ng mga mananakop o mga dayuhan noong

unang panahon. Ang perang papel sa Pilipinas na nagsimula sa limang

pisong papel at sampong piso na may mukha nina Emilio Aguinaldo sa limang

piso at, Apolinario Mabini at Andres Bonifacio sa sampong piso

(https://www.bsp.gov.ph/SitePages/CoinsAndNotes/NewDesignSeries.aspx).

Ang papel ay kilala bilang isa sa mga mahahalagang gusali ng lipunan,

ngunit kinuha na

para sa ipinagkaloob sa modernong mundo. Papel at mga kaugnay na

produkto⎯tulad ng paperboard, packaging, tissue at newsprint⎯ipakilala ang

panlipunang tela ng kasalukuyang henerasyon. Ang papel ay karaniwan sa

ating pang-araw-araw na buhay; ito ay sa halos bawat produkto na ginagamit

namin tulad ng mga libro, tissue at sanitary na produkto, pahayagan at

magasin, lalagyan, katalogo, wallpaper, food packaging, gift-wrap, at marami

pang staple ng ating pang-araw-araw na gawain. Ang mga hibla ay

matatagpuan sa aming mga computer at pagkakabukod ng papel sa aming


attics, mga pintuan ng kotse, at mga palapag. Ang papel ay itinuturing pa ring

pinakaligtas na pangmatagalang paraan upang mag-imbak ng data. Kahit sa

surgical mga gown, gas mask filter, ice cream, aming mga damit, toothpaste,

film base stock, at mga plastik, kami makakahanap ng mga produktong

derivative na nakabatay sa selulusa ng papel. Sa katunayan, ang

pagkonsumo ng papel sa mundo ay higit sa 600 bilyong pounds bawat taon.

Sumakabilang, ito sa isang average na pandaigdigang antas ng

pagkonsumo ng humigit-kumulang 100 pounds bawat tao, kung saan humigit-

kumulang isang-katlo ay ang pag-imprenta at pagsusulat papel, ang pangatlo

ay paperboard packaging, at ang natitira ay kumakatawan sa lahat ng iba

pang gamit pinagsama-sama.

Malaking bagay ang magagawa ng pananaliksik na ito lalo na sa

paghahanap ng epektibong solusyon para sa pagsugpo ng suliraning

patungkol sa iligal na pagpuputol ng puno. Malaki din ang maitutulong nito sa

konserbasyon ng mga gubat at mga hayop na naninirahan dito.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang lebel ng

pagtanggap ng tangkay ng puno ng saging na Saba (Musa acuminata x

balbisiana) at mga diyaryo bilang pangunahing materyal sa paggawa ng

papel.

Partikular dito, ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod:

1. Ano ang lebel ng pagtanggap ng Tritment 1, Tritment 2, at Tritment 3

batay sa:

a. kalidad,

b. tekstura, at

c. kulay;
2. Mayroon bang mga pagkakaiba ang Tritment 1, Tritment 2, at Tritment 3

batay sa:

a. kalidad,

b. tekstura, at

c. kulay?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga sumusunod:

Gobyerno. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong upang

makabuo ng plano kung paano sosolusyonan ang problema.

Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) . Ang

pananaliksik na ito ay maaaring makatulong upang makahanap ng epektibong

hakbang sa pagresolba ng suliranin.

Mga Guro. Ang pag-aaral na ito ay maaring makatulong upang

magkaroon ng alternatibong material na magagamit sa pagtuturo at pag-aaral

Mga Estudyante. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga

estudyante upang magkaroon ng ideya patungkol sa papel.

Mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing baseline data

para sa iba pang mga pananaliksik

Mga Susunod na Mananliksik. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong

bilang isang gabay ng mga susunod na pag-aaral.


Teoritokal na Gabay

Ang pag-aaral na ito ay nagabayan ng mga iba’t-ibang mga teoryang

nagmula sa ibang mga pag-aaral.

May mga pag-aaral ang nagpapakita ng mataas na posibilidad ng

deforestation bunsod ng iligal na pagpuputol ng puno. Mabilis din ang

pagkaubos ng kagubatan sa kabila ng mabagal na pagtubo o pagdami ng

mga puno taun-taon.

Naniniwala si Bisschop (2012) na ang konserbasyon ng mga

kagubatan ang pangunahing nagdudulot ng mga ito sa deforestation. Kahit

ang saklaw at laki ng mga ito ay nakabase lamang sa mga hula. Sa kabila

nito, nang dahil sa

‘di mapigilang suliraning ito mas bumibilis ang pagkasira ng mga kagubatan at

pagkamatay ng mga hayop.

Ayon kay Lawson (2014), malaki ang dalang epekto ng iligal na

pagpuputol ng puno sa proseso ng deforestation. Pinapahina nito ang

pagpapanatili ng buhay sa kagubatan at naka-aapekto ito sa kabuhayan ng

tao.
Konseptuwal na Balangkas

INPUT PROSESO
AWTPUT

Para sa Banana Fiber:


1.Hiwa-hiwain ang mga
Sangkap: tangkay ng saging.
2. Hugasan ito at
-Tangkay ng pakuluan ng 30 minuto
hanggang isang oras, o
Saging Ang Lebel ng
hanggang sa ito’y
lumambot at maging Pagtanggap ng Tangkay
-Diyaryo kulay kayumanggi.
3. Pinuhin gamit ng ng Puno ng Saging na
-Tubig
blender.
Saba (Musa acuminata x
Kagamitan: Para sa Paper Pulp:
balbisiana) at mga
1. Pagpirapirasuhin ang
-Blender diyaryo at ibabadd. Diyaryo Bilang
2. Pinuhin gamit ng Pangunahing
-Deckle Frame blender.
Materyal sa Paggawa ng
Para sa Paper Mixture:
-Measuring cup
1.Magsukat ng paper Papel
-Sponge o Tisyu pulp at ng banana fiber.
2. Ihalo sa tubig.
-Pansala 3. Salain ito gamit ng
deckle.
-Tela
4. Ilipat sa tela at
patuyuin.

tugon
Haypotesis

A.

1a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 1batay sa kalidad.

2a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritment 1 batay sa kalidad.

3a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 2 batay sa kalidad.

4a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritment 2 batay sa kalidad.

5a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 3 batay sa kalidad.

6a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritment 3 batay sa kalidad

7a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 1batay sa tekstura.

8a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 1batay sa tekstura

9a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 2 batay sa tekstura.

10a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 2 batay sa

tekstura.

11a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 3 batay sa

tekstura.

12a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 3 batay sa

tekstura.

13a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 1batay sa kulay.

14a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 1batay sa kulay.


15a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 2 batay sa

kulay.

16a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 2 batay sa kulay.

17a. Mababa ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 3 batay sa

kulay.

18a. Mataas ang lebel ng pagtanggap ng Tritmment 3 batay sa kulay.

B.
1b. Walang pagkakaiba ng Tritment 1, Tritment 2, at Tritment 3 batay sa

kalidad, tekstura, at kulay.

2b. Mayroong pagkakaiba ng Tritment 1, Tritment 2, at Tritment 3 batay

sa kalidad, tekstura, at kulay.


METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Ang Lebel ng Pagtanggap ng

Tangkay ng Puno ng Saging na Saba (Musa acuminata x balbisiana) at mga

Diyaryo Bilang Pangunahing Materyal sa Paggawa ng Papel” ay isang

eksperimental na pananaliksik. Ito ay sa kadahilanang aalamin at susuriin ng

mananaliksik kung gaano ka-epektibo ang tangkay ng saging na Saba at

diyaryo bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng papel sa tatlong tritment

na isinagawa sa iba’t-ibang dami ng pangunahing sangkap.


Respondente

Sa pag-aaral na ito, ang mga napiling respondent o tagatugon para sa

pananaliksik na ito ay pinaghalong dalawampung (20) guro ng Paaralang

Sentral ng Catbangen, at ng La Union National High School na nabigyan ng

talatanungan.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang, “Ang Lebel ng Pagtanggap ng

Tangkay ng Puno ng Saging na Saba (Musa acuminata x balbisiana) at mga

Diyaryo Bilang Pangunahing Materyal sa Paggawa ng Papel”, ay isinagawa

sa pamamagitan ng sarbey kung saan ang mga tagatugon ay nabigyan ng

talatanungan upang malaman ang lebel ng pagtanggap ng tangkay ng saging

na Saba at diyaryo bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng papel, at

alamin kung alin sa tatlong tritment (T1, T2, at T3) ang tatangkilikin ng mga

respondente batay sa kalidad, tekstura at kulay. Sa pamamagitan ng

pamamahagi ng talatanungan, ang mga mananaliksik ay nakakalap ng sapat

at mahalagang datos na kailangan para sa pananaliksik.

Gayundin, ang pananaliksik na ito ay nagtataglay ng tatlong tritment.

Sa unang tritment (T1), ang pangunahing sangkap na ginamit ay kalahating

(½) tasa banana fiber at isa’t kalahating (1½) cup ng paper pulp . Sa

ikalawang tritment (T2), ay parehong tig-isang (1) tasa ang banana fiber at

paper pulp . At sa ikatlong tritment (T3) naman, isa’t kalahating (1½) banana

fiber at kalahating (½) paper pulp.


Paraan ng Paglikom ng Datos

Sa paglikom ng mga datos, ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng

talatanungang papel (Questionnaire o Survey Paper). Ang mga tanong sa

talatanungan ay ginawa ng mananaliksik upang alamin ang kaangkupan ng

pangunahing sangkap na tangkay ng saging na Saba at mga diyaryo sa

paggawa ng papel, at tukuyin ang pagkakaiba ng tatlong tritment (T1, T2, at

T3).
Tritment ng Datos

Sa pagsusuri ng pahayag ng problema, ang mga datos ay naitala sa

paraang palautatan kung saan ito ay isinulat sa mga talahanayan. Kinuha ang

average mean ng bawat tritment ayon sa kalidad, tekstura, at kulay. Ang

bawat talahanayan ay nabigyan ng mananaliksik ng sapat na interpretasyon

upang bigyang-daan ang pagkamit sa mga layunin at solusyonan ang

nailahad na suliranin, sa pamamagitan ng sarbey na isinagawa sa

dalawampung (20) gurong tagatugon mula sa Paaralang Setral ng Catbangen

at La Union National High School upang makalikom ng sapat na datos.


RESULTA, INTERPRETASYON, AT DISKUSYON NG DATOS

Inilalahad sa bahaging ito ang mga resulta mula sa mga datos na

nakalap mula sa pangkat na may dalawampung (20) tagatugon para sa

pananaliksik na ito. Ang mga resulta at datos ay nakapaloob sa mga

talahanayan at nasuri ayon sa palautatan.

Tritment Mean Deskriptibong Puntos

1 3.75 Katanggap-tanggap

2 4.15 Mas katanggap-tanggap

3 3.05 Katanggap-tanggap

Talahanayan 1. Lebel ng Pagtanggap Batay sa Kalidad

Ipinapakita ng Talahanayan 1 ang lebel ng pagtanggap ng produktong

papel ayon sa kalidad. Ayon sa nakalap na datos, ang ikalawang tritment ay

ang nakakuha ng pinakamataas na puntos batay sa kalidad na mayroong

4.15 na puntos, na nangangahulugang, ito ang pinakakatanggap-tanggap sa

tatlong tritment. Sa kabilang banda, ang ikatlong tritment naman ang

nakakuha ng pinakamababang puntos na mayroong 3.05 na puntos na

nangangahulugang, ito ang may pinakamababang lebel ng pagtanggap sa

tatlong tritment.

Sa datos na ito, nabatid na malaki ang kontribusyon ng kapal ng papel

upang masabing matibay at maganda ang kalidad ng produkto. Ang papel na

mas makapal ang may mas mataas na kalidad dahil sa tibay, na siyang

magiging pundasyon ng paggagamitan nito.


Tritment Mean Deskriptibong Puntos

1 4 Mas Katanggap-tanggap

2 4.25 Mas katanggap-tanggap

3 3.5 Katanggap-tanggap

Talahanayan 2. Lebel ng Pagtanggap Batay sa Kulay

Ipinapakita ng Talahanayan 2 ang lebel ng pagtanggap ng produktong

papel ayon sa kulay. Ayon sa nakalap na datos, ang ikalawang tritment ay

ang nakakuha ng pinakamataas na puntos batay sa kulay na mayroong 4.25

na puntos, na nangangahulugang, ito ang pinaka-angkop sa tatlong tritment.

Habang ang ikatlong tritment naman ang nakakuha ng pinakamababang

puntos na mayroong 3.5 na puntos na nangangahulugang, ito ang hindi

gaanong angkop sa tatlong tritment.

Batay sa nakalap na datos, ang pagiging kawili-wili o kalugod-lugod sa

mata ay may malaking kontribusyon upang malaman kung ano ang

pinakakatanggap-tanggap sa tatlo batay sa kulay nito. Nakakuha ang tritment

na may pinakamaliwanag at kalugod-lugod na kulay ng pinakamataas na

pagtanggap na naging daan sa upang malaman ang pinakakatanggap-

tanggap sa tatlo.
Tritment Mean Deskriptibong Puntos

1 3.8 Katanggap-tanggap

2 4.2 Mas katanggap-tanggap

3 3.3 Katanggap-tanggap

Talahanayan 3. Lebel ng Pagtanggap Batay sa Tekstura

Ipinapakita ng Talahanayan 3 ang lebel ng pagtanggap ng produktong

papel ayon sa tekstura. Ayon sa nakalap na datos, ang ikalawang tritment ay

ang nakakuha ng pinakamataas na puntos batay sa tekstura na mayroong 4.2

na puntos na nangangahulugang, ito ang may pinakamataas na lebel ng

pagtanggap sa tatlong tritment. Sa kabilang banda, ang ikatlong tritment

naman ang nakakuha ng pinakamababang puntos na mayroong 3.3 na

puntos na nangangahulugang, ito ang may pinakamababang lebel ng

pagtanggap sa tatlong tritment.

Ang tektura ng papel ay isang mahalagang katangian na lubos na

nakakaapekto sa iba pang mga katangian nito. Batay sa nakuhang datos, ang

kakinisan ng produkto ay may malaking kontribusyon upang madaling

mapuna ang pagkakaiba ng tatlong tritment. Hindi man nabago ang mga

resulta sa ibang mga katangian nito, mas napatunayan naman nito ang

kaepektibuhan ng sangkap sa produkto.


Talahanayan 4. Pinakaepektibong Tritment
INPUT PROSESO AWTPUT

Para sa Banana Fiber:

1.Hiwa-hiwain ang mga


Sangkap:
tangkay ng saging.

-Tangkay ng Saging Ang Lebel ng


2. Hugasan ito at
Pagtanggap ng Tangkay
-Diyaryo pakuluan ng 30 minuto
ng Puno ng Saging na
hanggang isang oras, o
-Tubig
Saba (Musa acuminata x
hanggang sa ito’y
Kagamitan: balbisiana) at mga
lumambot at maging
Diyaryo Bilang
-Blender kulay kayumanggi.
Pangunahing
-Deckle frame 3. I-blender ito.
Materyal sa Paggawa ng
-Meausring cup Para sa Paper Pulp: Papel

-Sponge/Tisyu 1. Pagpirapirasuhin ang (Tritment 2)

-Pansala diyaryo at ibabadd.

-Tela 2. I-blender ito

Para sa Paper Mixture:

1.Magsukat ng 1 cup ng

tugon
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay upang alamin ang

lebel ng pagtanggap ng tangkay ng puno ng saging na Saba at ng mga

diyaryo bilang pangunahing material sa paggawa ng papel.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang magkaroon ng alternatibong

material na magagamit at hindi upang palitan ang orihinal na produkto at

proseso nito.

Batay sa nakalap na datos, ang mga sumusunod na konklusyon ay

nabuo:

1. Mabisang matryal ang tangkay ng puno ng saging na Saba at ng

mga diyaryo sa paggawa ng papel.

2. Ikalawang tritment (Tritment 2) ang may pinakamataas na puntos

batay sa tatlong katangian ng papel (kalidad, kulay, at tekstura) na

nangangahulugang, Tritment 2 ang pinakakatanggap-tanggap sa tatlong

tritment.

Ayon sa mga nabuong konklusyon, ang mga mananaliksik ay

humantong sa mga sumusunod na rekomendasyon.

1. Hiwain ang mga tangkay ng saging sa mas maliliit na laki para sa

mas pinong tekstura.

2.Itaas o dagdagan ang mga sukat o dami ng komposisyon ng

produkto para sa mas makapal na awtput.

You might also like