You are on page 1of 2

Bello, Dholey

BSED-Math
Kundiman ni: Jose Rizal
Ibubuhos namin ang dugo’y ibabaha
Nang matubos lamang ang sa Amang lupa
Hanggang ’di sumapit ang panahong tadhana
Sinta ay tatahimik, tutuloy ang nasa
O, bayan kong mahal
Sintang Pilipinas
Tunay ngayong umid yaring dila at puso
Ang bayan palibhasa’y api, lupig, at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno
Paglaya’y nawala, ligaya’y naglaho
Tunay ngayong ligaya’y naglaho
Datapwat muling sisikat ang maligayang araw
Pilit na maliligtas ang inaping bayan
Magbabalik man din at laging sisilang
Ang ngalang Pilipino sa sandaigdigan
At laging sisilang ang ngalang Pilipino sa sandaigdigan

Kundiman ay isang salita na ang ibig sabihin ay “pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang
sinta”. Ito ay isang tradisyunal na kanta upang haranahan ng isang lalaki ang kanyang nililigawan
na babae. Ang pamagat ng tula ay “Kundiman” ni Dr. Jose Rizal ay inihalintulad ni Rizal ang
kanyang lubos na pagmamahal sa Inang Bayan. Isinaad niya sa tula kung gaano niya kamahal at
hindi siya nawawalan ng pag-asa na makakalaya rin tayo sa mga kamay ng Kastilang dayuhan.
Ang rhyme scheme ng tulang “Kundiman” ay AABB rhyme scheme o SUNURAN.
Ang nagsasalita sa tula ay si Dr. Jose Rizal. Siya ang paunang tao sa tula.
Ito ay para sa bansang Pilipinas at sa mga Pilipino, dahil ipinapakita ni Rizal sa kanyang
tula na ang pagmamahal sa Inang Bayan ay isang katapangan at upang mamulat ang mga
Pilipino sa hubad na katotohanan na tayo ay hindi malaya.
Ang mensahe ng tula ay dapat nating mahalin ang ating sariling bansa. Ipaglaban ang
ating karapatan sapagkat ito ay sa atin. Mahalin ang sariling bansa katulad ni Rizal ipinaglaban
niya ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusulat ng tula, nobela at artikulo sa isang
dyaryo. Katulad ng pagmamahal natin sa mga magulang natin ganoon din dapat natin mahalin
ang ating bansa sapagkat dito tayo lumaki at ito ay sa atin lamang.

You might also like