You are on page 1of 49

FILIPINO

4
Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Nakapagbibigay ng halimbawa ng
mga salita, parirala o pangungusap
01 na ginagamitan ng pang-angkop
na, ng, at g;
Natutukoy ang wastong pang-
02 angkop sa pagitan ng dalawang
salita; at

Nagagamit ang mga pang-angkop


03 na, ng, at –g sa paggawa ng
sanaysay patungkol sa pag-aalaga
ng kalikasan.
“PIC-TO-WORD”
Panuto: Alamin kung anong mga salita ang
mabubuo kapag pinagsama ang mga larawan.
Halimbawa

Lalaking sumasayaw
pulang kotse
tulog na pusa
dahong tuyo
maasim na suka
sabong mabango
PANG-ANGKOP
Ano ang pang-angkop?
Ito ay isa sa walong mga
bahagi ng pananalita na
mga katagang nag-uugnay
sa isang salita sa kapwa
salita.
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
Ito ay nag-uugnay ng dalawang
salita na kung saan nagtatapos

na sa katinig ang nauunang salita


maliban sa letrang n.
(b,c,d,f,g,h,j,k,l,m,p,q,r,s,t,v,w,x,y,z)
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
HALIMBAWA:

Butas na malaki
na
Katinig
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
ito naman ay ginagamit
kapag ang unang salitang
ng inuugnay sa isa pang salita ay
nagtatapos sa patinig
(a,e,i,o,u).
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
HALIMBAWA:

Magandang babae
ng
Patinig
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
ito naman ay ginagamit
kapag ang unang salitang
g inuugnay sa isa pang salita ay
nagtatapos sa “n”.
Tatlong pang-angkop na ginagamit sa
Filipino
HALIMBAWA:

Hanging malamig
g
letrang n
HALIMBAWA MO! LISTA MO!
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga salita o
parirala na ginagamitan ng na, ng at g. Ang may
pinakamaraming maisusulat ay siyang tatanghaling
panalo.
PANG-ANGKOP

na ng g

1. maliit na aso malaking bola luntiang damo


2. ------ ------ -------
PLAKARDS MO! ITAAS MO!
Panuto: Tukuyin ang dalawang salita sa screen. Piliin at
itaas ang plakards kung anong wastong pang-angkop
ang gagamitin upang mabuo at maging madulas ang
salita.
1. luma tsinelas
SAGOT
lumang tsinelas
2. maingay kapitbahay
SAGOT
maingay na kapitbahay
3. upuan bakal
SAGOT
upuang bakal
4. maluwang daan
SAGOT
maluwang na daan
5. tuwid linya
SAGOT
tuwid na linya
6. bayan natatangi
SAGOT
bayang natatangi
7. suki masiyahin
SAGOT
suking masiyahinn
8. mataba pusa
SAGOT
matabang pusa
9. mayaman pamilya
SAGOT
mayamang pamilya
10. payat paniki
SAGOT
payat na paniki
1. Ano ang pang-angkop?
2. Kailan ginagamit ang pang-angkop na na?
3. Kailan ginagamit ang pang-angkop na ng?
4. Kailan ginagamit ang pang-angkop na g?
5. Ano ang kahalagahan ng wastong
paggamit ng pang-angkop?
PAGSUSULIT
Panuto: Punan ng
wastong pang-angkop
ang sumusunod na mga
parirala. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. mabait _____ guro 2. ulira ____ ama
3. bago ____ pag-asa 4. sagana ____ ani
5. mabilis ____ lumipas 6. matalino ____ bata
7. sariwa ____ gulay 8. tahanan ____ masaya
9. sundalo ____ matapang 10. masarap ____ pagkain
TAKDANG-ARALIN
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa
pag-aalaga ng kalikasan. Gamitin ang pang-angkop
na na, ng, at g at bilugan ito.
Salamat sa
Pakikinig at
Partisipasyon

You might also like