You are on page 1of 2

Ano ang Panonood?

Ito ay ang proseso ng pagmamasid ng manonood sa


palabas, video recording at iba pang visual mediaupang mag-karoon
ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

Iba't-Ibang Uri ng Panonood


1.Deskriminatibo- ang paggamit ng opinyon o prejudice sa
panunuri
2.Kaswal o Panlibang- impormal na pamamaraan at hindi
nagbibigay pokus sa detalye
3.Komprehensibo- nagpapahalaga lamang sa mensahe at sa
ibang detalye.
4.Kritikal- gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga
detalye upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa
paksang napapanood.

5. Impormal na panonood- nanonood lamang dahil sa kailangang


manood; hindi naman gaanong naiintindihan ang pinanonood.

Mga Uri Ng Manonood


1.Eager Beaver-siya ay tagapanood na ngiti nang ngiti o tangu
ng tango habang nanonood ngunit hindiniya matitiyak ang pag-
unawa.
2.Sleeper-siya ang tipong tagapanood na nauupo sa isang tahimik
na sulok ng silid. Wala siyang tunay naintens-yong manood
3.Tiger- Siya ang tagapanood na laging handang magbigay
ng reaksyon sa anumang mangyayari sapalabas upang sa bawat
pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
4.Bewildered-siya ang tagapanood na kahit anong pilit ay
walang maintindihan sa nakikita. Kapansin-pansin ang pagkunot ng
kanyang noo, pasimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang
kawalan niyang malay sa kanyang mga pinapanood.
5.Frowner-siya ang tipo ng tagapanood na waring bang lagi na
lang may tanong at pagdududa, makikitasa kanyang mukha ang
pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang
panonood kundiisang kunwari lamang.
6.Forward Watcher-Siya ay ang pinaka-epektibong
tagapanood, nanonood lamang siya gamit ang kanyang mata
maging ang kanyang utak at lubos ang partisipasyon.

Mabuting Epekto ng Panonood


1. Nae-expose sa maraming bagay kung saan
maraming matututuhan at malalaman.
2. Nakakapaghatid ng mga bagong kaalaman.

3. Nagiging updated kung ano ang nangyayari sa loob at labas ng


bansa
.4. Mas magandang libangan ang panonood ng TV kaysa lumabas.
5. Nagiging paraan ng komunikasyon.
6. Nakakarelax at nakakatanggal ng stress at pagod
pagkatapos ng isang mahabang araw na puro trabahoat pag-aaral.
7. Magandang bonding time din ng buong pamilya upang mas
maging matatag ang pagsasama.

Masamang Epekto ng Panonood:


1. Maaring lumabo ang paningin.
2. Hindi magagawa ang mga gawain dahil mas abala sa panonood
kaysa mag-aral o magtrabaho.
3. Maaring maging masamang impluwensya sa mga manonood
dala nga mga paksa at mga nakikita rito.
4. Maaring gayahin ng kabataan ang mga napapanood nilang di
angkop sa kanilang edad.
5. Nagiging sanhi ng katamaran.
6. Nawawalan na ng halaga ang mga libro dahil mas pinipili
na ang manood kaysa sa magbasa.
7. Maaring maging sanhi ngg mga sakit dahil sa kawalan ng
ehersisyo (nakaupo lamang maghapon)

Makrong Kasanayan sa Panonood at mga


Uri nito.
https://www.youtube.com/watch?v=NNeULP6z4Co

You might also like