You are on page 1of 1

02.

25 10:53 PM
Makroekonomiks
– tumutukoy sa pag aaral ng kabuuang dimensiyon ng ekonomiya. Sinusuri nito ang
kaasalan at kabuuang gawain ng buong ekonomiya.

Sambahayan
– ay bumubuo ng salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital, at
entreprenyur na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo.

Bahay - kalakal
– ay binubuo ng mga kompanya, prodyuser, at negosyante na gumagamit ng mga salik ng
produksiyon upang makalikha ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng ekonomiya.

Factor Market
– Dito nanggagaling ang mga salik ng produksiyon na ginagamit ng bahay-kalakal sa
paglikha ng mga produkto at serbisyo.

Commodity Market
– Dito ipinagbibili ng bahay-kalakal ang mga yaring produkto na ikokonsumo naman ng
sambahayan.

Financial Market ( Pamilihang Pinansyal )


– ay ang sektor ng ekonomiya na taga impok ng mga perang galing sa sambahayan, na
siya namang ginagamit na pamumuhunan bg mga negosyante upang mas palawakin pa ang
takbo ng pamilihan.

Pamahalaan
– Sila ang naniningil ng buwis sa sambahayan at bahay-kalakal upang magkaroon ng
pondo na gagamitin sa pagbibigay ng serbisyong panlipunan.

Panlabas na Sektor ( World Market )


– ay ang sektor ng ekonomiya na tumutukoy sa palitan ng produkto o transaksyon sa
iba't ibang panig ng mundo.

You might also like