You are on page 1of 1

JADE EDRICH G.

SANCHEZ
GRADE 8 – BRAVERY

SIPAG O TALINO

SIPAG O TALINO Ako itong lakandiwang nasa inyong harapan.


Buong galang na sa inyo'y bumabati't nagpupugay.
Paksang aking ilalatag, pakiwari'y mahalaga.
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga.
Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos ditto, utos doon, sila'y di gumagawa,
kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha.
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko'y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi.
Ang talino'y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa'y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya't kapwa mahalaga.
PANALO SILANG DALAWA.

You might also like