You are on page 1of 3

Ikatlong Markahan

Lagumang Pagsusulit Blg. 2


ARALING PANLIPUNAN 3

Talaan Ng Ispesipikasyon

Layunin Bilang Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan


ng Araw Aytem
Nailalarawan ang
pagkakakilanlang
1 50% 10 1-2
kultural ng
6-10
kinabibilangang rehiyon.
(AP3PKR- IIIb-c-3)
Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng mga
makasaysayan lugar at
1 50% 10 3-5
ang mga saksi nito sa
11-20
pagkakakilanlang
kultura ng sariling
lalawigan at rehiyon.
(AP3PKR- IIId-4)
100% 20
Total
Ikatlong Markahan
Lagumang Pagsusulit Bilang 2
ARALING PANLIPUNAN 3

Pangalan:___________________________III- ____________ Iskor:

____________________________________
Signature over printed name of parent/guardian

I.Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Bakit kilala sa industriya ng patis at bagoong ang Malabon? Dahil ______.


A. Malapit ito sa dagat.
B. Karamihan sa hanapbuhay ng mga tao dito ay pangingisda.
C. Pangunahing produkto nila ang patis at bagoong at sagana sa isda ang lugar na ito.
2. Paano ipinagdiriwang ang “Pamaypay Festival” ng mga taga Caloocan?
A. Sumasayaw sila gamit ang pamaypay.
B. Ipinapakita nila ang iba’t ibang hugis at kulay ng pamaypay na sumisimbolo sa kanilang
makulay na kasaysayan.
C. Nagkakaroon sila ng parada ng iba’t ibang uri ng pamaypay upang ipakilala ang kanilang
produkto.
3. Bakit naging makasaysayan ang EDSA?
A.Dahil ito ang pinakamahabang kalsada.
B. Dahil ito ang mahabang lansangan na bumabagtas sa limang lungsod sa Metro
Manila.
C. Mahabang kalsada at dito naganap ang EDSA People Power 1.
4. Dapat ba nating pahalagahan ang mga makasaysayang pook ng ating bansa?
A. Opo, dahil ito ay may kinalaman sa kasalukuyan.
B. Hindi po, dahil nakaraan na ito hindi na puwedeng balikan.
C. Opo, dahil bahagi ng nakaraan ang ating kasalukuyan.Marapat lamang na sila ay
mabuhay sa ating mga alaala.
5. Bakit naging makasaysayan ang Rizal Park?
A. Dahil dito ikinulong si Rizal.
B. Dahil dito ipinatayo ang dambana ni Rizal.
C. Dahil naging pasyalan ito ng isang pamilya.

II. Piliin ang letra ng tamang sagot.


6. Ito ay pagdiriwang na ginaganap sa Pandacan, Maynila.
A.Buling-buling B. Bamboo organ C. Serenata Festival
7. Ang pinakamatandang Unibersidad sa Pilipinas
A. Unibersidad ng Maynila B . Unibersidad ng Sto. Tomas C. Emilio Jacinto
8. Tinaguriang "financial center" at dito matatagpuan ang Ayala Museum
A. Lungsod ng Taguig B. Lungsod ng Makati C. Lungsod ng Caloocan
9. Ano ang tawag sa pgpapakita ng pagiging Romatiko ng mga Paraquenos sa kanilang mga
iniibig?
A. Sunduan B. Harana C. Pamamanhikan
10. Isang pagdiriwang na ginaganap sa Lungsod ng Taguig bilang pasasalamat sa patron na
si Sta. Ana.
A. Sta. Rita Festival B. Sta. Ana Banak Festival C. Sto Nino Festival
11. Nagpapaalala ito sa atin ng kabayanihan at pagkakabaril noong Disyembre 30, 1896 ng
ating pambansang bayan
A. Rizal park B. Edsa C. Fort Santiago
12. Dito pinunit ng mga Katipunero ang kanilang sedula sa pamumuno ni Andres Bonifacio.
A. Pugad Lawin B. Rizal Park C. EDSA
13. Milyon-milyong mga Pilipino ang nagtipon-tipon dito . Nagprotesta sila laban sa
pagmamalabis sa kapangyarihan ng pamahalaang pinamumunuan ni Ferdinand Marcos.
A. Rizal Park B. Ocean Park C. EDSA People Power 1
14. Naging piitan ng ating pambansang bayaning si Jose Rizal. Dito rin niya isinulat ang
“Mi Ultimo Adios” o “Huling Paalam.
A. Fort Santiago B. Pugad Lawin C. Rizal Park

III-Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang T kung Tama kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa makasaysayang pook at M naman kung mali.

________15. Ipagmalaki ang mga maksaysayang pook sa lahat ng tao, dayuhan man o hindi.

________16. Sirain ang bantayog ni Jose Rizal sa Luneta.

________17. Mag – alay ng mga bulaklak tuwing araw ng paggunita ng kamatayan ng mga bayani.

________18. Hamakin ang sinumang namumuna sa mga makasaysayang pook ng bansa natin.

_______ 19. Pahalagahan at isapuso ang kahulugan ng mga bantayog.

________20. Panatilihin ang kalinisan ng mga makasaysayang pook sa ating bansa.

You might also like