You are on page 1of 17

Aralin

Panlipunan 3
QUARTER 3
MOTIVATION

Bakit dapat pahalagahan ang


mga makasaysayang lugar/pook
sa sariling lalawigan at
rehiyon?
Aralin 4:
“Mga Makasaysayang
Lugar sa Ating
Rehiyon”
Ang Lungsod ng Dapitan ay makikita sa
Zamboanga del Norte na naging bahagi ng kasaysayan
ng bansa dahil dito tinapon ng mga Espanyol ang
ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa loob
ng mahigit na apat na taon. Marami siyang ginawa
rito tulad ng pagpapatayo ng kanyang bahay, klinika,
at paaralan na naging magandang atraksiyon sa mga
turista sa nasabing lungsod.
Ang Liwasan ni Rizal ay matatagpuan sa Lungsod ng
Dapitan, Zamboanga del Norte. Ito ay kilala bilang City
Square, isang pampublikong lugar kung saan ginaganap
ang iba’t ibang mga pagdiriwang ng nasabing lungsod.
Ginawa at pinaganda ito ni Dr. Jose Rizal noong siya’y
ipinatapon sa Dapitan noong 1892. Katulong niya ang
isang Gobernador na Espanyol ng nasabing lungsod na si
Gob. Ricardo Carnicero. Ang nasabing liwasan ay
maihalintulad sa mga nakita ni Rizal sa Europe.
Ang Pettit Barracks sa Lungsod ng Zamboanga ay isa sa
mga makasaysayang lugar ng rehiyon. Itinatag itong
istruktura noong panahon ng mga Espanyol upang gawing
kuwartel barracks ng mga sundalo na nakidigma laban sa
mga Moro. Noong dumating ang mga Amerikano
ipinangalan itong Pettit Barracks upang bigyang karangalan
si James S. Pettit, ang komandante Opisyal at nakatalaga sa
Civil Affairs ng Zamboanga noong mga panahon ng mga
Amerikano.
Isa rin sa mga makasaysayang lugar ng Lungsod
ng Zambaonga ay ang City hall. Nagsimula ang
pagpapatayo nito noong 1905 at natapaos noong
1907 sa panahon ng mga Amerikano. Ito ay
nagsilbi bilang opisyal na tahanan ng Governor
Militar para sa buong Mindanao. Sa kasalukuyan
ito ay opisyal na tanggapan ng Alkalde ng Lungsod
ng Zamboanga.
Ang Fort Pilar sa Lungsod ng Zamboanga ay may
malaking kontribusyon sa kultura at kasaysayan ng rehiyon.
Itinayo ito noong Junyo 23, 1635, isang testigo sa
madaming digmaan ng mga Espanyol at Moro. Dito
ipinakita ng mga katutubo ang kanilang katapangan laban
sa mga pirata at mga kalaban upang protektahan ang
kanilang lungsod laban sa masasamang elemento. Sa
kasalukuyan, isa itong Santuwaryo ng mga deboto ng
Nuestra Seṅora del Pilar.
Panuto: Ayusin ang mga scrambled letter upang mabuo ang tamang salita batay
sa larawan.

P E I T T T B A A C R S K
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
 
 
 
 

F O T R P I A R L L
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __
 
TANDAAN:
Laging isaisip na ang mga lugar na ito ay makasaysayan dahil sa
mga mahahalagang pangyayaring naganap dito.
➢ Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga makasaysayang lugar,
magkakaroon tayo ng dagdag na impormasyon upang makilala
ang kultura ng ating lalawigan at karatig lalawigan sa rehiyon.
➢ Kailangan nating itaguyod at mapanatili ang mga lugar na ito
upang makilala ng susunod na henerasyon ang ating kultura.
PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang makasaysayang lugar na nasa Hanay B. Isulat ang
titik sa linya bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
____1. Sa lungsod na ito nanirahan si Dr.Jose a. Pettit Barracks
Rizal Bago ito pinaslang.
____ 2. Itinayo ito noong Junyo 23, 1635. b. Dr. Jose Rizal

____ 3. Ito ang kasalukuyang opisyal na tanggapan c. Lungsod ng


Dapitan
tanggapan ng Akalde ng lungsod.
____ 4. Siya ang gumamot sa mga tao sa Dapitan d. Fort Pilar
Dapitan noong panahong nakapiit siya dito.
siya dito.
____ 5. Ito ang kuwartel barraks ng mga sundalong e. City Hall
sundalong Espanyol at Amerikano.
PANUTO: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Bakit pinapatayuan ng bantayog o landmark ang isang makasaysayang lugar?
a. Upang maalala ang kasaysayan
b. Upang maging lugar ng paglilibang
c. Upang maging atraksyong panturista
d. Lahat ng nabanggit

2. Paano mo maipapakita na pinahahagahan ang mga bantayog o makasaysayang


lugar sa iyong lalawigan?
a. Pagsulat/guhit ng mga di kaaya-ayang larawan.
b. Panatilihing malinis ang bantayog at ang kapaligiran nito.
c. Huwag pansinin ang bantayog.
d. Gawing katatawanan ang mga bantayog.
3. Ano ang ipinapakita ng isang makasaysayang lugar, istruktura o monumento?
a. atraksyon b. bahay pahingahan
c. kasaysayan d. kagandahan
4. Paano ipinapakita ng mga taga Zamboanga sa kanilang debosyon sa Nuestra
Seṅora del Pilar?
a. Nag aalay ng dasal, kandila at bulaklak
b. Hinde nagdadasal
c. Hinde naniniwala sa kanya
d. Ginagawang pook aliwan ang Fort Pilar
5. Anong katangian ni Jose Rizal ang ipinakita sa mga tao sa lungsod ng Dapitan?
a. Matapang b. Mapagmaha at maalaga
c. Matampuhin d. Mapagmataas

You might also like