You are on page 1of 6

Department of Education Division of Quezon

Panuto: Basahin nang tahimik ang teksto. Sagutan ang mga tanong at isulat ang
titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Iskong Bantay

ni: Vince Molina Marasigan

Atimonan National Comprehensive High School

Maraming mga kabataan ang nahihilig sa online games. Ang paksa ay digmaan
o tower defense. Ang halimbawa nito ay Clash of the Clan na patok na laruin ng mga
kabataang milenyo. Ang mekanismo ng larong ito ay dapat mong depensahan, alagaan,
paunlarin, palakasin at protektahan ang iyong village para sa kalabang nagtatangkang
wasakin ang iyong pamayanan. Ang ganitong uri ng pangyayari ay hindi iba sa
karanasan at kasaysayan ng mga taga-Atimonan.

Noong taong 1725 ay ipinatayo ang tore. Magpoprotekta sa bayan laban sa mga
mananakop na pirata na nagnanasang agawin at sakupin ang lugar. Ang pangalan ng
tore ay hinango mula sa pinuno ng tagapagbantay na si Francisco Tandas. Tinaguriang
Iskong Bantay ng mga mamamayan noon. Bayani si Isko para sa kanyang kababayan.
Hindi lang ito nagsisilbing depensa sa mga piratang darating. Ito rin ay nagsisilbing
lugar-masidan ng mga nagbabantay sa mangingisdang hindi ginagampanan ang
kanilang trabaho. Pangingisda ang pangunahing trabaho.

Ayon sa mga ninuno, kapag sinasalakay na ang lugar, si Iskong Bantay ay


nagbibigay hudyat sa kampanero sa simbahan upang batingtingin ang kampana. Ito ay
nagsisilbing paalala na ang bayan ay kasalukuyang sinasakop. Makikita sa kanilang
ugali ang pagkakaisa at mabuting pamumuno.

1
Department of Education Division of Quezon
Dahil sa lakas ng daluyong na dumating noon sa bayan, nasira ang Iskong
Bantay. Subalit ito ay binigyang renobasyon noong taong 1948 – 1951. Inayos ito
upang patuloy na magamit at mapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan ito ay tinuturing na lamang na pook-pasyalan. Isinasama na


lamang sa mga magagandang tanawin sa Atimonan.

Baitang 8

Bilang ng Salita: 267

Sanggunian:

https://nicerioadventures.blogspot.com

2
Department of Education Division of Quezon
Mga Tanong

1. Anong taon ginawa ang toreng Iskong Bantay? (Literal)

A. 1725 B. 1734 C. 1723 D. 1788

2. Maliban sa pamagat ng teksto, alin pa ang maaring ipamalit na pamagat sa mga


sumusunod? (Kritikal)

A. COC: Natatanging Laro

B. Kaligirang Kasaysayan ng Iskong Bantay

C. Francisco Tandas: Bayaning Atimonanin

D. Wala sa nabanggit

3. Tawag sa henerasyong naglalaro ng Clash of Clans? (Literal)

A. Malleno B. Milenyo C. Malenya D. Malenka

4. Bakit kailangang paalalahanan ang mga mamamayan tuwing sila’y sinasalakay ng


mga pirata? (Paghinuha)

A. upang maging alisto sa mga nangyayari

B. para karakarakang makalikas at ihanda sa pakikipaglaban

C. upang ihanda ang sarili sa napipintong kamatayan

D. para sumuko

5. Nagsisilbing hudyat kapag kasalukuyang sinasalakay ang Atimonan? (Literal)

A. tubo B. kampana C. bakal D. wala sa nabanggit

3
Department of Education Division of Quezon
6. Kanino hinango ang pangalan ng toreng Iskong Bantay? (Literal)

A. Francisco Lagpas

B. Francisco Baltazar

C. Francisco Tandas

D. Francisco Salazar

7. Bakit pirata ang kalimitang nanakop noon sa bayan ng Atimonan? (Paghinuha)

A. sapagkat madali ang paglalayag sa karagatan

B. hindi pa uso noon ang sasakyang pampatag

C. dahil sa malapit ito sa dagat na siyang karaniwang nadadaanan ng mga pirata

D. dahil mahina ang depensa kapag sasalakay mula sa dagat.

8. Ano ang layunin ng seleksyong binasa? (Kritikal)

A. Layunin nitong manlibang

B. Layunin nitong maglahad ng mga pangyayari

C. Layunin nitong isalaysay ang kasaysayan ng Iskong Bantay

D. Layunin nitong ilarawan ang Iskong Bantay

9. Bakit kaya pangingisda ang karaniwang trabaho ng mga mamamayan? (Paghinuha)

A. Dahil di sila marunong magtanim

B. Dahil ayaw nilang mamundok

C. Dahil malapit ang kanilang tirahan sa dagat

D. Dahil sawa na silang magsaka

4
Department of Education Division of Quezon
10. Ano ang dahilan ng may-akda kung bakit isinama n’ya ang mga modernong laro
tulad ng COC? (Kritikal)

A. Upang bigyang puna ang maling gawain ng makabagong kabataan

B. Upang bigyang ugnayan ang pangyayari noon sa kasalukuyang panahon

C. Upang bigyang patotoo ang mga kaganapan sa teksto

D. Upang bigyang pananaw ang mga mambabasa

5
Department of Education Division of Quezon
Susi sa Pagwawasto: Iskong Bantay

1. A

2. B

3. B

4. B

5. B

6. C

7. C

8. C

9. C

10. B

You might also like