You are on page 1of 2

1 REVIEWER FOR ESP – FIRST QUARTER EXAM

MGA IDEYA MULA SA ARALIN 1 – 4

LIKAS NA BATAS MORAL: ang tao lamang ang nakakapag-utos sa kanyang sarili na tuparin
ang kataas-taasan para sa maayos na maayos na pamumuhay sa kabutihang panlahat.

MAINGAT NA PAGPAPASIYA: wastong paggamit ng Likas na Batas Moral na nangangailangan


ng pagsasaalang-alang sa bawat gawain at sa pagpili sa tama.

DETERMINASYON: virtue ng likas na batas moral kung saan ang tao ay kumikilos ayon sa
itinakdang layunin, na may matibay na hangad na gawin ang nararapat.

KATATAGAN: virtue na likas na batas moral na nakatuon sa kalooban ng tao na kayang harapin
ang kahihinatnan ng gagawing pagpapasya.

FREE WILL: ang malayang kalooban ng tao sa pagpili ng mabuti.

VIRTUES: aspeto ng moral na pagkatao na bunga ng wastong paggamit ng pagpili at gabay sa


pinakaangkop na pagpili ng kalayaang moral.

PANININDIGAN: Ang pagpapahalaga sa konsensiya na nagpapahayag ng paninindigan ng lakas


ng loob o katapangan sa pagpili kung ano ang tama o mali.

KATAPATAN: Napagtitibay nito ang integridad sa pagpapakita ng makatotohang kilos sa kapwa,


mga institusyon, lipunan, at higit sa lahat sa sarili.

HUMAN NATURE: aspeto ng moral na pagkato na gumagabay sa angkop na bunga ng wastong


pangangatwiran.

ISIP: nagbibigay ng kapasidad sa isang tao na matuto, umunawa, magpasya, at kumilos.

KILOS-LOOB: tumutukoy sa panloob at likas sa malayang pagpapasya at pagkilos, upang


isabuhay ang natutunan, piliin ang mabuti, at iwasan ang masama.

PILOSOPIKAL NA PANANAW: inilalarawan bilang paglalapat ng mga natutuhang prinsipyo ng


tama o maling gawain mula sa mga magulang, mga kaibigan, simbahan, o institusyon na maaring
tanggap o hindi tanggap ng isang tao.

SEKULAR NA PANANAW: ipinapaliwanag na ang konsiyensiya ay gawain ng utak upang


gawing maging magaan o madali ang palitang pagbibigay paglilingkod sa lipunan.

PANRELIHIYONG PANANAW: ang konsiyensiya ang gumugulo sa tao kapag nakakagawa siya
ng masama sa kaniyang kapwa, ay nagtuturo sa tao ng pagiging tama o mali ng isang gawain.

KALAYAAN: Kaloob ng Diyos na nagmumula sa tunay na kaligayahan at pinakahahangad ng


bawat puso ng tao.

MGA ARAL MULA SA ARALIN 1 - 4

 Ang kilos-loob ang nagpapahiwatig na ang kalayaan ng isang tao ay nasa kaniyang
kakayahang pumili ng mabuti at umiwas sa masama.
2 REVIEWER FOR ESP – FIRST QUARTER EXAM

 Ang konsensiya ang humuhubog sa tao upang makagawa ng tamang pagpapasiya.

 Ang konsiyensiya ay galing sa super ego na mula sa pagpapalaki ng ating mga magulang.

 Ang paninindigan ang nagpapahayag ng lakas ng loob o katapangan sa pagpili kung ano
ang tama o mali.

 Maari mong labagin ang batas, kung sa palagay mo ay Maganda naman ang iyong
intensyon.

 May mga kaugalian at batas na nahubog ang mga tao mula pa noong araw bilang
pagkilala sa likas na batas moral.

 Nakikilala ng isip ang katotohanan ng may pansariling katibayan.

 Nakikita ang mga situwasyon ng kamalasan o magandang kapalaran ng isang tao sa


pamamagitan ng antas ng kalayaang politikal.

 Sa antas ng pangunahing kalayaan, niyayakap ng tao ang kaniyang paniniwala, hilig, o


ang pagmamahal sa sarili.

 Sa konsepto ng Budismo ang konsiyensiya ay iniuugnay sa isang malinis na puso,


mapayapa at isipang wasto ang tinutungo.

TYPES OF TEST

 Identification: 15 points (Mga ideya mula sa aralin 1 – 4)


 Situational Multiple Choice: 10 points
 Modified True or False: 20 points (Mga aral mula sa aralin 1 – 4)
 Essay: 5 points/question (Isip at Kilos-loob, Konsensiya, Kalayaan)

You might also like