You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST 2

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

Naipagmamalaki ang anumang


natapos na gawain na (EsP6PPP-
50% 10 1-10
nakasusunod sa pamantayan IIIg–38)
at kalidad

Naipapakita ang pagiging


malikhain sa paggawa ng
anumang proyekto na
(EsP6PPP-
makatutulong at magsisilbing 50% 10 11-20
IIIh–39).
inspirasyon tungo sa pagsulong at
pag-unlad ng
bansa

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE VI – ESP
SUMMATIVE TEST NO.2
GRADE VI – ESP

Pangalan:__________________________________________Grade and
Section:_________

I. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa
pamantayan at kalidad ng paggawa at Mali kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____1. Naiinip ako kapag gumagawa kami ng mga proyekto sa asignaturang TLE.
_____2. Hindi ako nanghihinayang sa oras at pera na ginugugol ko sa isang gawain na gusto
kong palitan kapag hindi pumasa sa aking pamantayan.
_____3. Masaya akong naglilinis ng bahay at pinagbubuti ko ito upang matuwa ang aking
mga kasambahay.
_____4. Nakahanda akong makipagtulungan sa aking mga kamag-aral upang madaling
masolusyunan ang tanong at problemang di-inaasahan.
_____5. Buong kahusayan kong ginagawa ang isang gawaing iniatas ng guro sa akin.
_____6. Hindi ko pagbubutihan ang pag-uulat sa harap ng klase dahil laging ako ang
kanilang inuutusan.
_____7. Ibibigay ko ang tamang paggalang sa aking mga kamag-aral dahil iyon ang
nararapat.
_____8. Iiwasan kong manggaya sa gawain ng iba upang mapadali ang aking paggawa.
_____9. Ang salitang “puwede na ‘to” ay iwawaksi ko sa paggawa bagkus ay pag-iibayuhin
pa upang maging “puwedeng-puwede na”.
_____10. Ipapasa ko agad sa aking guro ang aking proyekto kahit alam kong may kulang
pa rito.

II. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Paano mo magagamit ang iyong
pagkamalikhain upang mabigyan ito ng solusyon? Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____11. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik ang
suot mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit ako nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.

_____12. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang
suwelas nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.

_____13. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro.


Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.

_____14. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat
kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.

_____15. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo.


Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at nabasag.
A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid.
B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay.
C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng paumanhin.
_____16. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam mong
marami pang bata ang gagamit dito.
A. Susuntukin ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.

_____17. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo.
Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito.
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso.
C. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso.

_____18. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian ng
mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng baon.
A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain.
B. Itatago ko na lamang ang aking baon.
C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara.

_____19. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga
paraan para sa gagawin mong proyekto.
A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam.
B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno.
C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral.

_____20. Ikaw ang nakatokang magluto sa araw na iyon. Inayos mo na ang lulutuin mong
paksiw. Narinig mong tinatawag ka ng iyong Tatay kaya’t nagmamadali mong
isinalang ang kaserola. Hindi mo pala nabuksan ang kalan.
A. Babalik ako sa kusina at bubuksan ang kalan.
B. Hahayaan mo na lamang na si Nanay ang magbukas ng kalan.
C. Sasabihing inakalang bukas ang kalan.
ANSWER KEY:

1. M 11. B 16. B
2. M 12. B 17. C
3. T 13. A 18. A
4. T 14. B 19. B
5. T
15. C 20.A
6. M
7. T
8. T
9. T
10. M

You might also like