You are on page 1of 2

Marso 26,1954

- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyom blg. 12 na nagpapahayag ng


pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, sa
tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa at bilang pagkilala na rin sa kaarawan ni Francisco
Balagtas.

Setyembre 23,1955 Proklamasyon Blg.186

- Iniutos ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Setyembre 23, 1955 sa kanyang Proklamasyon Blg.
186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano
ito sa kaarawan ni Manuel L. Quezon na tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".
- Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas
ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit
ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak
sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang
munisipalidad. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging
imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito; Dahil dito, mula ngayon at
hanggang sa pagdating ng panahong di na kailangan ang ganitong pagdiriwang sa pagkat
nakasapit na sa kanyang tugatog ang Wikang Pilipino, ang lahat ng mga pinuno ng mga
kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng pamahalaang nasyonal at lokal,
sampu ng mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan, ay inaatasang magdaos ng
palatuntunan sa Wikang Pilipino kahit isang oras man lamang, sa alinmang araw na napapaloob
sa linggo ng pagdiriwang.

1958 ( Binagong Palatuntunang Edukasyon ng Pilipino)

- Isang pangunahing reporma sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito ang pagpapabuti
ng kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pangunahing
aspekto ng edukasyon. Binigyan diin ito sa pagpapaunlad ng pag-aaral ng mga batang Pilipino sa
pambansang wika, pagsusuri at pagbabago ng kurikulum, at pagsasanay sa mga guro. Isa itong
mahalagang yugto sa pagpapalakas ng pagkakakilanlan at kultura ng Pilipinas sa larangan ng
edukasyon.

1967 ( Kautusang Pangkagawaran Blg. 96)

- Ito ay isa sa mga batas na mayroong magandang dulot saatin bilang mga Pilipino. Ito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa aging wika at ang pagkawala natin sa mga impluwensiya
ng mga dayuhan. Nagpapakita din ito na tayo ay may sarilung pagkakakilanlan bilang isang
bayan.
Agosto 5, 1968 Blg. Circular Memorandum. 199

- Isinasaad sa Memorandum Sirkular Bilang 199 ang pakikilahok ng mga kawani ng pamahalaan sa
mga seminar sa Filipino na magaganap sa mga purok lingwistika ay importante at dapat nilang
daluhan. Ito isinasagawa ng Surian ng Wikang Pambansa upang ang mga kawani ng pamahalaan
ay mas magkaron pa ng kaalaman sa ating wikang pambansa.as magkaron pa ng kaalaman sa ating
wikang pambansa.

Agosto 1, 1969 Blg. Circular Memorandum. 277

- Hinikayat nito ang pagdalo ng mga kawanian sa mga seminar tungkol sa wikang Filipino na
isinagawa ng institute of national langguage. Matatandaan na ang mga Pilipino ay nasa mahigit
na 100 na iba’t ibang wika. Noong itinatag ni Panglong Manuel L. Quezon ang Filipino bilang
pambansang wika, layunin nito na magkaroon tayo ng iisang wika na maaaring magamit sa buong
kapuluan , isang common language kung baga ngunit hanggang sa panahon ni Pangulong Marcos
mukang hindi pa rin naging Popular ang paggamit ng Filipino lalo na sa malalayong probinsya at
dahil dito nilagdaan ng memorandum order no. 277 kung saan ang bagong ahensya ng gobyerno
inuutuang magpadala ng hanggang apat na tao para dumalo sa seminar ang attendance dito ay
under official time at may allowance pa sa transportasyon, tirahan at pagkain.

Hulyo 29 1971 Circular Memorandum 988

Ito ay naglalaman ng mga patakaran at alituntunin hinggil sa paggamit ng Filipino bilang opisyal na wika sa
gobyerno at sa edukasyon. Ito ay bahagi ng pagsisikap na itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang isang
wikang pambansa.

You might also like