You are on page 1of 30

Prepared by:

Ghail Bas

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Jose
Rizal

Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay isang Pambansang bayani at
itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal. Sa buong buhay niyá, sinikap niyáng maging
huwaran ng mga kababayan. Ginawa niyá ang pinakamagalíng na maaari niyáng gawin sa iba’t ibang
larangan ng Filipinolohiya, sining, agham, at teknolohiya. Kakikitahan ng pinakamataas na antas ng
kasiningan ang kaniyang mga tula, nobela, dula, sanaysay, pintura at eskultura. Isang doktor, dinayo ng
mga pasyente mula sa iba’t ibang bansa ang kaniyang mga klinika sa Hong Kong at sa Dapitan,
Zamboanga del Norte. Ipinamalas niyá sa Dapitan ang pagiging arkitekto, inhenyero, magsasaka, at
imbentor. Mahusay siyáng atleta lalo na sa eskrima. Nag-aral siyáng magsalitâ at magsulat sa iba’t ibang
wika.

Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna. Pampitó siyá sa 11 anak nina
Francisco Mercado at Teodora Alonso. Dahil pinaghihinalaang filibustero ang Mercado, ginamit niyá ang
apelyidong Rizal nang mag-aral siyá sa Maynila. Batà pa’y kinakitahan na siyá ng katalinuhan. Sa Ateneo
Municipal sa Maynila, tumanggap siyá ng mga medalya ng karangalan sa pag-aaral at pagsusulat.
Pinakamataas na marka ang natanggap niyá nang magtapos noong 1876 ng batsilyer sa sining (katumbas
ng mataas na paaralan). Kumuha siyá ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hábang nag-aaral ng
pagiging agrimensor sa Ateneo. Huminto siyá sa mga kursong ito nang sa gulang na 21 ay lihim siyáng
magpunta sa Europa.Tinapos niyá ang medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa
España noong 1885.

Itinuring siyáng gabay ng Kilusang Propaganda at aktibong nagsulat sa diyaryong La


Solidaridad. Noong 1889, ipinalathala niyáng muli nang may anotasyon sa London, England ang bihira
nang matagpuang librong Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de Morga na unang nalathala sa
Mexico noong 1609. Bago iyon, nalathala na ang kaniyang nobelang Noli me tangere (1887) sa Berlin,
Germany. Sinundan ito ng nobelang El filibusterismo(1891) na ipinalimbag sa Gent, Belgium. Isiniwalat
ng kaniyang mga nobela ang kabulukan ng pamamahalang Español sa Filipinas at ang mga kahinaan ng
simbahang Katoliko hábang naglalatag ng mga kaisipang pampolitika ukol sa pagpapalakas ng diwang
makabayan. Pagbalik sa Filipinas noong 1892, dinakip siyá at ipinatapon sa Dapitan. Upang matapos ang
destiyero, nagboluntaryo siyáng maglingkod bilang manggagamot sa Cuba noong 1896, taón ng pagsiklab
ng Himagsikang Filipino. Muli siyáng dinakip sa kalagitnaan ng paglalakbay, kinasuhan ng
panghihikayat ng rebelyon, at binitay noong umaga ng 30 Disyembre 1896. Ang kamatayan ni Jose Rizal
ay lalong nagsilbing liwanag sa mga kababayan na ipagpatuloy ang rebolusyon tungo sa pambansang
kasarinlan at pagbubuo ng nasyon.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Andres

Bonifacio

Si Andres Bonifacio ang tagapagtatag ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang


Filipino.‖ Tinatawag siyáng “Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng
kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tondo, Maynila at panganay sa anim na anak nina
Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio,
at Troadio at mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos noong 14 taon si
Andres kayâ binúhay niya ang mga kapa- tid sa pagtitinda ng bastong kawayan at papel na abaniko at
pagtatrabaho bilang mensahero at bodegero. Una niyang malaking trabaho ang klerk-
mensahero sa kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa Alemang
Fresell and Company.
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din siyáng mag-artista at
naging kasapi ng sama- hang pandulaan sa Palomar, Tondo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay
itinayô nilá ang El Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya sa tula ang
sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin sa tagalog tulang Ultimo Adios ni Rizal.
Ang sanaysay niyang ―Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog‖ ay isang napakaikli ngunit matalim na
kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan. Ang hilig niyang mag-aral ng
wika ay natumbasan ng hilig niyang magbasá.
Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista sa Kalookan ay
nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng
Katipunan. Itinatag niya ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga
Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng kabiguan ng mapayapang kampanya para sa
reporma ng La Solidaridad at ng naganap na pag- dakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim
na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago natuklasan at sumiklab ang
Himagsikang Filipino noong Agosto 1896.
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at ang Magdalo, sa
Cavite ay inanyaya- han siyá doon upang mamagitan. Nauwi ang lahat sa pag-tatayô ng isang bagong
pamahalaan ng manghihimagsik noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio
Aguinaldo at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit sa kaniyang
kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya ang halalan sa isang dokumento noong 24
Marso. Kasáma ang dala- wang kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila.
Sinundan ng mga Magdalo ang pan- gkat niya at dinakip. Sa labanan ay namatay si Ciriaco at nasugatan
si Andres. Dinala silá sa Maragondon, Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at
pinarusahan ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio sa Bundok Buntis at
pinatay.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Antonio

Luna

Si Antonio Luna ang Filipinong heneral na namunò sa hukbong sandatahan ng Himagsikang


Filipino at pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay
na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siyá rin ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa.
Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna.

Isinilang siyá noong 29 Oktubre 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong anak
nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio-Ancheta.Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa
Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-
aral siyá sa España ng parmasyutika. Hinangaan siyá ng mga Europeo sa kada- lubhasaan sa mga sakit sa
tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong na- glunsad ng Kilusang Propaganda,
sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na ―Taga-ilog.‖

Nagbalik siyá sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip siyá noong 19
Agosto 1896 at ipinatapon sa España dahil napaghinalaang tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nása
ibang bayan, pinag-aralan niya ang sining ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyáng nagbalik sa Filipinas
nang Digmaang Filipino-Americano at hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang heneral Itinatag din
niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro niya sa hukbong Filipino.
Itinatag niya sa Malolos ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military Academy.
Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang kapusukan, kahigpitan, at
tagumpay sa mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya.

Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag
siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá ng mga sundalo sa pamu-munò ni Kapitan Pedro Janolino na minsang
sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at
dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral
Hughes ang nagsabing ―Isa lámang ang heneral ng mga Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.‖

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Apolinario

Mabini

Madalas bansagan si Apolinario Mabini bilang “Utak ng Himagsikang Filipino” at “Dakilang


Lumpo” dahil sa kaniyang mga akda at naging mahalagang tungkulin noong panahon ng Himagsikang
Filipino.

Isinilang siyá noong 23 Hulyo 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Ikalawa siyá sa walong anak
nina Inocencio Mabini, isang maralita, at Dionisia Maranan, isang tindera sa palengke. Namasukan siyá
bago natanggap na iskolar sa Colegio de San Juan de Letran noong 1881 at nakapagtapos ng abogasya
sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1894. Sumapi siyá sa La Liga Filipina at naging aktibo sa
Kilusang Propaganda. Nang itatag ang Katipunan, hindi siya sumali dito. Nagkasakit siyá at naging
lumpo makaraan ang dalawang taon. Sa pagsiklab ng Himagsikang 1896, pinaghinalaan siyáng
Katipunero ng mga Español at dinakip. Dahil maysakit, hindi siyá ibinilanggo kundi ipinadala sa ospital
ng San Juan de Dios at nanatili roon hanggang mabigyan ng amnestiya. Nakita niya pagkaraan ang
kabuluhan ng layunin ng Katipunan na ibagsak ang pamahalaang Español.

Nabalitaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang galíng niya sa batas kayâ’t hinirang siyáng punòng
ministro ng rebolusyonaryong Kongresong Malolos. Siyá ang sumulat ng mga dekreto, manipesto, at iba
pang kasulatan para kay Aguinaldo kayâ naituring na ―Utak ng Himagsikang Filipino.‖ Noong
Digmaang Español-Americano, agad niyang naisip ang epekto nito sa Filipinas at hinulaan niyang
sasakupin tayo ng mga Americano.

Sa panahon ng Digmaang Filipino-Americano, kahit isang lumpo ay hindi siyá sumuko. Nahúli
man noong 1899, hindi siyá napilit manumpa sa bandila ng Estados Unidos at sa halip ay ipinagpatuloy
ang pagsulat laban sa pananatili ng mga Americano sa Filipinas. Muli siyáng hinuli at ipinatapon sa
Guam. Doon niya natapos ang La Revolucion Filipina, isang pagsusuri sa simula at kasaysayan ng
Himagsikang Filipino. Pinayagan siyáng makabalik sa bansa makaraan ang halos dalawang taon.
Pagdating niya sa Maynila noong 1903, tinanggihan niya ang alok na trabaho sa itinatayông gobyernong
sibil ng Americano. Namatay siya sa sakít na kolera noong 13 Mayo 1903 sa Maynila.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Emilio

Aguinaldo

Si Emilio Famy ang una’t hulíng pangulo ng Unang Republika ng Filipinas. Ipinanganak si
Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. May
kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa Aguinaldo noong nása ikatlong taon
ng segunda enseñanza at tumulong sa negosyo ng mga magulang. Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit
na capitan municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng bayan sa ilalim ng Batas Maura.
Ikinasal din siyá kay Hilaria del Rosario. Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at
nanumpang kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá sa mga matagumpay na labanan sa
Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22 Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng
binagong pamahalaang mapanghimagsik.

Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapang-himagsik sa Biyak-na-bato, San Miguel de


Mayumo, Bulacan. Doon din siyá lumagda sa kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato noong 14–15
Disyembre 1897, na pansamantalang nagtigil sa himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero sa Hong
Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa
Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa
Kawit, at sinimulan ang ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero 1899, pormal na
ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos, Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din
ng Digmaang Filipino-Americano noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag- urong ng hukbong Filipino pa-
Hilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at tuluyang bumagsak
ang Republikang Malolos.

Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930. Kumandidato siyáng
pangulo ng pamahalaang Komonwelt ngunit tinálo ni Manuel L. Quezon. Namatay siyá noong 6 Pebrero
1964 ngunit naabutan pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang Hunyo 12 bílang
Araw ng Kalayaan ng Filipinas.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Emilio

Jacinto

Tinagurian si Emilio Jacinto na “Utak ng Katipunan” dahil sa mga sinulat niya para sa
Katipunan, kabílang na ang ―Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.‖ at higit na kilalang Kartilya ng
Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang ―Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B., ‖
ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa
dokumento ng panunumpa ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan. Gayunman, higit na popular at
hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag at Dilim, isang koleksiyon
ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra-kolonyalista at nag tatanghal sa
pilosopiko’t moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan.

Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lámang ng


unang labas ay umakit ng libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusanang ―Pingkian.‖
Sa Kalayaan, ginamit din niyang sagisag-panulat ang ―Dimasilaw.‖ Sa mga sagisag lámang ay
mahihiwatigan ang pambihirang hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá, sa pagdudulot ng totoong liwanag
sa kapuwa, at sa pagsalungat sa huwad at mag-darayang ―liwanag.‖

Napakataas ng paggálang ni Bonifacio at ng ibang punda- dor ng Katipunan kay Jacinto, kayâ
kahit napakabatà, 20 anyos lámang siya nang sumapi, ay nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang
sanggunian. Hinirang din siyang tagapayo ni Bonifacio at itinuring na bunsong kapatid.

Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tondo, Maynila at anak nina Mariano Jacinto at
Josefa Dizon. Namatay ang kaniyang ama noong sanggol pa siya kayâ ipinampon siya ng ina sa
nakaririwasang kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat
sa Unibersidad de Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya natapos ang kurso dahil sa tawag
ng pag-ibig sa bayan. Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite, ipinag-patuloy ni Jacinto ang
pakikibáka laban sa mga Español ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Nasugatan siya sa isang labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang talino upang makaligtas. Nag-
kataóng hawak niya ang sedula ng isang espiya ng mga Español at nagpanggap na siya ang espiya. Nang
makalaya, bumalik siya sa Maynila at doon nagpagalíng. Ngunit hindi niya matanggihan ang anyaya ng
mga Katipunero sa Laguna, kayâ muli siyang lumabas sa larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay
sa Majayjay, Laguna noong 16 Abril 1899 sa gulang na 24—isang huwaran ng mandirigmang
intelektuwal para sa pambansang kalayaan.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Francisco

“Balagtas” Baltazar

Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa


kaniyang obra maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga pagbabago sa
panitikan sa loob ng pananakop ng mga Español.

Hinangaan nina Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y Balagtas),
Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina
sa isang malayong kamag-anak sa Tondo, Maynila, na siyáng nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan
sa bahay. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan de Letran. Ayon sa ulat, na-
kalista siyáng estudyante sa Colegio de San Jose ngunit sa pangalang ―Francisco Baltazar‖. Ito rin ang
pangalan niya sa dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang tiyak na
paliwanag sa pagbabago ng kaniyang apelyido.

Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang angkan sa Pandacan.
Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang ―Kay Celia,‖ ang pambungad na tula ng Florante at
Laura. Gayunman, hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-malinaw na
dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si
Baltazar sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang
mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng nakulong noong 1856 kaugnay
ng reklamo ng isang katulong na diumano’y ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap
ang pamilya ni Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya sa Balanga,
Bataan, at nang sumunod, sa Tondo, Maynila. Hábang nása Tondo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat
siyá ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito
niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá noong 20 Pebrero 1862.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Gabriela

Silang

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang ang unang Filipinang namunò ng isang paghihimagsik
noong panahon ng pananakop ng mga Español. Siyá ang asawa ni Diego Silang at nagpatuloy ng pag-
aalsa ng mga Ilokano nang mamatay ang asawa.

Ipinanganak siyá noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Sinasabing inampon siyá ni Padre
Tomas Millan, vicar general ng lalawigan, na pinakasalan siyá noong siyá ay 20 taóng gulang. Maaga
siyáng nabiyuda sa unang asawa at napangasawa niyá si Diego noong 1757. Walang ulat kung nagkaroon
sila ng anak.

Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga Español mula1762 hanggang
1764. Nang sakupin ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niyá ang pagkakataón upang
makapag-alsa ang mga Ilokano laban sa mga Español. Nahati ang puwersa ng mga Español sa
pakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni Silang sa Ilocos. Naagaw nina Diego ang mga
bayan sa hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siyá ng paglaya ng mga mamamayan sa
pagsasamantala ng pamahalaang Español. Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si Miguel Vicos, ang
nahimok ng mga Español na magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong 1763.

Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa.
Nagpakita siyá ng gilas bilang pinunò at marami siyáng nakamit na tagumpay sa mga labanan sa Santa at
Vigan sa Ilocos Sur. Ngunit sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat sa kalaunan. Nadakip siyá
sa Abra at binitay sa Vigan noong 29 Setyembre 1763.

Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan,


ang GABRIELA(General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and
Action). Matatagpuan din sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati ang isang monumento
ni Gabriela Silang.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Gombúrza

Ang Gombúrza ay daglat para sa pangalan ng talong paring Filipino—sina Mariano Gómez,
José Burgos, at Jacinto Zamora—na binitay pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal at mga fraile
sa nabigong Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang kanilang pagkamartir ay na kapagpaalab sa
nasyonalismo ng mga Filipino at magdudulot, sa huli, ng Himagsikang 1896.

Noong 20 Enero 1872, umaabot sa 200 sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite ang nag-alsa.
Madaliang nasugpo ng mga Español ang pag-aalsa ngunit ginamit itong dahilan upang supilin ang mga
Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Ginamit itong dahilan ng pamahalaang
kolonyal at mga fraile na Español upang idawit ang tatlong pari ng tinagurian ngayon bilang Gomburza.
Tunay nilang pakay si Burgos,isang prominente at mestisong pari. Matagal na siyáng pinagiinitan ng mga
Español dahil sa liberal na pananaw, pagsusulong ng sekularisasyon ng kaparian, at pagtatanggol ng
karapatan ng mga Filipinong pari. Malapít kay Burgos sina Gomez at Zamora, at magkakasáma ang tatlo
sa hangaring mapalaganap ang sekularisasyon para sa mga kababayang pari. Kahit mahinà ang
ebidensiyang mag-uugnay sa tatlo sa Pag-aalsa sa Cavite, hinatulan silá ng kamatayan pagkatapos ng
maikli at kahina-hinalang paglilitis. Noong 17 Pebrero 1872, binitay sa pamamagitan ng garote ang
tatlong pari sa harap ng publiko sa Bagum-bayan (ngayon ay LiwasangRizal).

Pagkatapos bitayin, inilagak ang mga labí ng tatlong pari saisang walang-ngalang libingan,bílang
mga ―kalabanng estado,‖ sa Sementeryong Paco.Tumanggi ang Arsobispo ng Maynila na tanggalin ang
pagkapari ng tatlo sapagkat hindi daw silá lumabag ng kahit anong batas ng Simbahan. Isa sa apektado ng
martiryo ng Gomburza si Jose Rizal, na inalay ang kaniyang ikalawang nobelang ElFilibusterismo sa
tatlong pari. Malapit na kaibigan ni Burgos ang nakatatandang kapatid at guro ni Rizal na si Paciano. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ang isang palatandaan kung saan binitay ang Gomburza sa Liwasang Rizal
(Luneta), at isang palatandaan kung saan sila inilibing sa Sement- eryong Paco, pawang sa Lungsod
Maynila. Ipinangalan sa kanila ang ilang bayan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur,Isabela, La Union, Pangasinan,
Quezon, Surigao del Norte, at Timog Leyte.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Padre

Jose Burgos

Si Jose Burgos ay lider ng ki- lusang sekulari- sasyon, iskolar, manunulat, at isa sa tatlong paring
martir (tinaguri- ang ―Gomburza‖) na binitay ng mga Español kaug- nay ng Pag-aalsa sa Cavite noong
1872.

Ipinanganak siyá noong 9 Pebrero 1837 sa Vigan, Ilo- cos Sur kina Jose Tiburcio Burgos, isang
Español na opisyal, at Florencia Garcia, isang Filipina. Nag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran at
Unibersidad ng Santo Tomas, at nagpakadalubhasa sa pilosopiya at batas ng simbahan. Ang kaniyang
dunong at galing ang naging dahilan ng mabilis niyang pag-akyat sa or- ganisasyon ng Simbahang
Katoliko. Nasaksihan niya ang pagwawalang-bahala ng mga pari at pagtangkilik ng mga ito sa pang-aapi
ng mga Español kayâ sa isang bukás na liham na isinulat niya noong 1871 ay bina- tikos niya ang labis na
kapangyarihan ng simbahan at humingi ng reporma para sa mga Filipino.

Isa sa mga sinasabing akda niyang hindi nalimbag ay ang Mi Obrita Novela Historica La Loba
Negra (1871) na ini- handog niya sa lahat ng inang Filipino. Dahil sa kaniyang mga pagtatanggol sa
karapatan ng mga paring ―sekulár‖ (ang mga Filipino) ay marami siyáng naging tagahanga bagaman
kinainisan sa kabilâng dako ng mga paring ―reg- ular‖ (ang mga fraile). Naging kampeon siyá ng kilusan
para sa ―sekulárisasyón.‖

Dumating ang pagkakataon ng mga fraile nang maganap ang Pag-aalsa sa Cavite noong 20 Enero
1872. Isinangkot at ipinahúli ang maraming mayaman at edukado. Marami sa kanila ang ipinatapon sa
Guam, Marianas, at ibang pook. Isa si Burgos sa isinangkot, at kasáma ang mga paring Mariano Gomes at
Jacinto Zamora ay mabilisang nilitis at hinatulan ng bitay sa pamamagitan ng garote. Binitay silá sa
Luneta noong 17 Pebrero 1872.

Si Burgos ay malapit na kaibigan ni Paciano Rizal, kuya ni José Rizal. Lubhang nakaapekto kay
Rizal ang pagbitay kina Burgos at nagsilbing isa sa mga inspirasyon ng pag- kakasulat ng El
Filibusterismo. Ilang bayan ang ipinan- galan kay Burgos, at ilan dito ay matatagpuan sa Ilocos Norte,
Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Que- zon, Southern Leyte, at Surigao del Norte.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Padre

Mariano Gomez

Si Mariano Gómez y Guard isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila, ay
isang Pilipinong pari, bahagi ng Gomburza na maling pinaratangan ng pag-aalsa laban sa pamahalaang
Kastila sa Pilipinas noong ika-19 dantaon. Siya ay nilitis at hinatulan ng bitay sa Maynila kasama ang
dalawang iba pang mga pari.

Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at


naging pari sa Parokya ng Bacoor, Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad
ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot
at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao.
Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa
mga prayleng Kastila.

Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa
mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Padre

Jacinto Zamora

Si Jacinto Zamora ay isang Filipinong paring sekular (paring hindi kabilang sa isang orden) na
kilalá sa kasaysayan bilang isa sa Gomburza, na daglat para sa pangalan ng tatlong paring Filipino—sina
Mariano Gómez, José Burgos, at Jacinto Zamora—na binitay pagkatapos idawit ng pamahalaang kolonyal
ng mga Español at mga fraile sa nabigong Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang pagkamartir nina Zamora
ang higit na nagpaalab sa nasyonalismo ng mga Filipino at humangga sa Himagsikan noong 1896.

Isinilang si Zamora noong 14 Agosto 1835 kina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.
Nagsimula siyáng nag-aral sa Pandacan, Maynila bago pumasok sa Colegio de San Juan de Letran.
Nakamit niya ang Batsilyer sa Batas Canon at Sibil noong 1858 sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Pinangasiwaan niya ang ilang parokya sa Marikina, Pasig, at Batangas.

Noong 20 Enero 1872, humigitkumulang200 sundalo at obrero sa imbakan ng sandata sa Cavite


ang nag-alsa. Madaliang nasugpo ng mga Español ang pag-aalsa at ginamit itong dahilan upang supilin
ang mga Filipinong makabayan at humihingi ng reporma sa pamahalaan. Idinawit ang tatlong paring
tinagurian ngayon bilang Gomburza. Tunay nilang pakay si Burgos, na matagal nang pinag-iinitan ng
mga Español dahil sa liberal na pananaw, pagsusulong ng sekularisasyon ng kaparian, at pagtatanggol ng
karapatan ng mga Filipinong pari. Malapit kay Burgos sina Gomez at Zamora, at magkakasáma ang tatlo
sa hangaring mapalaganap ang sekularisasyon. Kahit mahinà ang ebidensiyang mag-uugnay sa tatlo sa
Pag-aalsa sa Cavite, hinatulan silá ng kamatayan pagkatapos ng maikli at kahina-hinalang paglilitis.
Noong 17 Pebrero 1872, binitay sa pamamagitan ng garote ang tatlong pari sa harap ng publiko sa
Bagumbayan (ngayon ay Liwasang Rizal). Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang palatandaan kung saan
binitay sina Zamora sa Liwasang Rizal (Luneta), at isang palatandaan kung saan silá inilibing sa
Liwasang Paco, pawang sa Lungsod ng Maynila.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Gregorio

del Pilar

Si Gregorio del Pilar ang binansagang “Bayani ng Pasong Tirad” at pinaka-batàng heneral sa
Himagsikang Filipino. Ipinanganak siyá noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan, Bulacan. Ang
ama niyang si Fernando H. del Pilar ay kapatid ni Marcelo H. del Pilar, at bagama’t angkan ng mayamang
Gatmaitan ay nása sangang mahirap ang kaniyang pamilya.

Matagal na niyang nais sumapi sa Katipunan ngunit hindi tinanggapdahil masyadong batà.
Gayunman, nagsilbi siyáng tagapagdalá ng mensahe at tagapagkalat ng mga akdang ma- panghimagsik.
Nang sumiklab ang Himagsikang Filipino, tumakas palabas ng Maynila si Goyo (palayaw niya) at
tinanggap na ring kasapi ng Katipunan.
Unang nakilála ang kagitingan ni Goyo sa Labanang Kakarong, isang lugar sa Pandi, Bulacan, noong 1
Enero 1897. Dahil dito’y nabigyan siyá ng ranggong tinyente. Kinagulatan siyá sa pag-asinta ng rebolber.
Sa kaniyang kahusayan sa pakikidigma ay itinaas ang ranggo niya sa tenyente-koronel. Kabilang siyá sa
lumagda sa Konsti-tusyong Biyak-na-Bato at sa maliit na pangkat na isináma ni Aguinaldo sa Hong Kong
kaugnay ng pansamantalang kapayapaan. Kasáma rin siya ni Aguinaldo nang bumalik sa Filipinas. Sa
Cavite, hinirang siyá ni Aguinaldo bilang ―diktador ng Bulacan at Nueva Ecija.‖ Sa loob naman ng
madalîng panahon, nakabuo siyá ng batalyon at napasuko niya ang mga Español sa Bulacan at Nueva
Ecija. Itinaas siyá ni Aguinaldo sa ganap na heneral at noong inagurasyon ng Kongresong Malolos ay
pinanguna siyá sa paradang militar.

Kasáma ni Aguinaldo si Goyo sa pag-urong mula sa Bayambang, Pangasinan hanggang


makarating sila sa Ilocos Sur. Noong 1 Disyembre 1899, ipinasiya niya, kasáma ang maliit na pangkat ng
kawal na Filipino, na harapin ang mga tumutugis na Americano sa Pasong Tirad. Ipinagtanggol nila ang
paso upang magkaroon ng panahon ang pangkat ni Aguinaldo na makalayô. Kasama si Goyo sa mga
nagbuwis ng buhay sa labanang iyon bago nakuha ang Pasong Tirad. Ipinangalan sa kaniya ang isang
bayan sa Ilocos Sur at ang Fort Del Pilar, tahanan ng Philippine Military Academy sa Lungsod ng
Baguio.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Josefa

Llanes Escoda

Si Josefa Llanes Escoda ay isang tagapagtaguyod ng mga karapatang pangkababaihan sa


Filipinas, tulad ng karapatang panghalalan, at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines.
Ipinanganak si Escoda noong 20 Setyembre 1898 sa Dingras, Ilocos Norte. Siyá ang pinaka- matanda sa
pitóng anak nina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Nag-aral siyá sa Paaralang Normal ng Filipinas
sa Maynila upang makamtan ang kaniyang digri sa pagtuturo, at nagtapos nang may mga karangalan
noong 1919. Habang naghahanapbuhay bilang isang guro, nagkamit siyá ng katibayan sa pagkaguro sa
mataas na paaralan mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1922. Pagkaraan, naglingkod siyá sa
American Red Cross. Binigyan siyá nitó ng iskolarsip sa Estados Unidos at nagtapos doon ng masterado
sa sosyolohiya. Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nása Women’s International
League for Peace noong 1925, nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reporter mula sa Philippine Press
Bureau na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon silá ng dalawang mga anak,sina Maria Theresa at
Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siyá ng masterado mula sa University of Columbia.

Nagbalik si Escoda sa Estados Unidos noong 1933 upang sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng
Girl Scouts ng Estados Unidos. Pagkaraan nitó, bumalik siyá sa Filipinas upang sanayin ang mga
kabataang babae at upang maging isa sa mga pinunò sa pagtatatag ng Girl Scouts of the Philippines na
nilagdaan noong 26 Mayo 1940 ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga puwersang Japanese ang Filipinas.
Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, at inaresto rin siyá pagkaraan ng dalawang buwan,noong
Agosto 27. Ibinilanggo siyá sa Karsel 16 ng Fort Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng
kanyang asawa na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944. Hulíng nakita si Josefa Escoda noong
6 Enero 1945 Pagdaka, kinuha siyá at ikinulong sa isa sa mga gusali ng Far Eastern University.
Pinaniniwalaang pinarusahan siyá ng kamatayan ng mga Hapones at inilibing sa Libingan ng La Loma,
na ginamit ng mga puwersang Japanese bilang isang bitayan at libingan para sa libo-libong Filipino na
lumaban sa pananatili ng mga Japanese sa Filipinas.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Juan

Luna

Dakilang pintor sa huling bahagi ng siglo 19 si Juan Luna at isang sagisag ng pambihirang
talinong Filipino sa panahon ng Kilusang Propaganda. Nagwagi ng medalyang ginto ang kaniyang obra
maestrang Spoliarium sa Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Sa pagpupugay nit
Rizal, sinabi niyang patunay ang pintura ni Rizal na ang ―henyo ay walang lupain‖ at nangangahulugang
may kakayahan ang mga Filipino na kapantay o hihigit pa sa mga Europeo.

Isinilang si Juan noong 24 Oktubre 1857 sa Badoc,


Ilocos Norte, anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio. Nakababatà niyang kapatid
si Antonio Luna. Lumipat sa Maynila ang pamilya Luna noong 1861 kayâ nakapagtapos siyá sa Ateneo
de Manila. Nag-aaral siyá sa Escuela Nautica at natamo ang sertipikong piloto de altos mares tercer
clase (magdaragat, ikatlong antas). Hábang naghihintay ng pagsakay sa barko, nag-aral muna si Luna sa
Academia de Dibujo y Pintura sa ilalim ni Lorenzo Guerrero. Napansin ang kaniyang husay at hinikayat
ng guro ang mga magulang na pag-aralin pa ng sining ang binata. Ipinadala siyá sa España. Nagtungo din
siyá sa Italya at sa Pransiya. Napangasawa niya si Paz Pardo de Tavera at nagkaroon silá ng dalawang
anak, sina Andres Luna at Maria de la Paz.

Sa Madrid Art Exposition noong 1881, nagwagi ng medalyang pilak ang kaniyang
obrang Cleopatra. Noong 1883, sinimulan niyang gawin ang Spoliarium. Nang sumunod na taon, nilikha
niya ang El pacto de sangre (Sandugo) at Miguel Lopez de Legazpi, na dinalá sa Maynila bilang proyekto
para sa natamo niyang scholarship.

Nagpahayag siyá ng pagkasawà sa estilong pang-akademya (na mahilig sa mga historiko at


klasikong paksa) sa sining noong 1889. Sa yugtong ito ay nalikha niya ang Le Chifonier (Tagapulot ng
basahan) na nagpapakita ng matandang lalaking gulanit ang suot at may daláng basket ng basahan. Noong
1892, natapos niya ang Peuple et Rois (Taumbayan at Mga Hari) na balak niyang ilahok sa Chicago
Universal Exposition sa taóng iyon. Ngunit hindi ito nangyari dahil sa personal na trahedya. Binaril niya
ang sariling asawa at biyenan. Napawalang sala siyá at nagbalik sa Maynila noong 1894. Noong Agosto
1896, dinakip siyá at ang kaniyang mga kapatid sa hinalang kasapi ng Katipunan. Napawalang sala siyá at
nagtungo sa España para ayusin ang pagpapatawad sa kaniyang kapatid na si Antonio. Pumanaw siyá sa
Hong Kong noong 7 Disyembre 1899 hábang pabalik na sana sa Filipinas.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Lapu-

Lapu

Kinikilála si Lapulápu bilang unang Filipinong nagtanggol sa kalayaan laban sa mga Español, at
unang bayani ng bansa.

Si Lapulapu ang datu ng Mactan, isang maliit na isla malapit sa Cebu. Nang dumating sa
Filipinas si Fernando de Magallanes ay iniatas nito sa ilang pinunò ng barangay sa
Cebu na magbayad ng buwis sa mga Español. Nabalitaan ito ni Lapulapu at mahigpit niyang tinutulan
ang mapailalim sa dayuhan. Noong 27 Abril 1521, nilusob ng pangkat ni Magallanes ang Mactan. Sa
Labanang Mactan ay napatay siyá ng mga tauhan ni Lapulapu.

Noong 1961, naging lungsod ang bayan ng Opon sa isla ng Mactan at pinangalanang Lungsod
Lapulapu. Dalawang prominenteng bantayog ang itinayô para sa bayani: isa sa Dambanang Mactan at isa
sa Rizal Park sa Maynila. Makikita ang kaniyang imahen sa sagisag ng Philippine National Police at sa
lumang isang sentimong barya ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Manuel

Luis Quezon

Si Manuel Luis Quezon ang unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt at itinuturing na


―Ama ng Wikang Pambansa‖ dahil sa pagpapahayag niya sa Tagalog bílang batayan ng Wikang
Pambansa. Siyá ang unang pangulong Filipino na nagtira sa Malacañang at nanungkulan hábang nása
Estados Unidos dahil sa Pananakop ng mga Japanese noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Isinilang si Quezon noong 19 Agosto 1878 kina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina sa Baler,
Tayabas (Aurora ngayon). Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Americano, sumapi siyá at naging medyor sa
hukbo ni Heneral Tomas Mascardo. Bumalik siyá sa pag-aaral pagkatapos ng digmaan at nagtapos ng
abogasya. Naglingkod muna siyáng piskal bago kumandidato’t nagwaging gobernador ng lalawigan ng
Tayabas. Ikinasal siyá sa kaniyang pinsang si Aurora Aragon Quezon. Nagbitiw siyáng gobernador nang
magkaroon ng eleksiyon para sa Asamblea ng Filipinas. Nagwagi siyá at naging majority floor leader. Si
Sergio Osmeña ang naging ispiker ng kapulungan, at ito ang simula ng pagsasáma’t pagtutunggali sa
politika nina Quezon at Osmeña.

Naging resident commissioner siyá sa Kongreso ng Estados Unidos at itinuturing na tagumpay


niya ang pagpapatibay sa Batas Jones. Ipinanga-ngako ng batas ang dagliang pagbibigay ng kasarinlan ng
Filipinas. Nagpatuloy siyá sa paglalakad ng kasarinlan hanggang mapagtibay ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhana ng pansamantalang pamahalaang Komonwelt. Nahalal siyáng pangulo ng
Komonwelt noong 1935. Inilíkas ang pamahalaan sa Estados Unidos sa buong panahon ng Pananakop ng
mga Japanese at doon namatay si Quezon noong 1 Agosto 1944.

Dahil sa mga ginawa niya para sa mga mahirap sa lipunan, tinawag si Quezon na ―Ama ng
Katarungang Panlipunan.‖ Itinaguyod naman niya sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal ang isang
Wikang Pambansa batay sa isang katutubong wika at pinagtibay ang batas na nagtatatag sa National
Language Institute na nagsuri at nagpasiya sa Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa, kayâ
tinawag siyáng ―Ama ng Pambansang Wika.‖ Kaugnay nitó, ang pagdiriwang ng Araw ng Wikang
Pambansa ay itinapat sa kaniyang kaarawan tuwing Agosto 19.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Marcelo

H. del Pilar

Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del


Pilar ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang editor ng La Solidaridad.
Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan,
nása unang hanay si Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio.

Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya
nina Don Julian Hilario at Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan ang apelyidong ―del Pilar‖ ng
kaniyang lola bilang pagsunod sa Batas Claveria noong 1849. Kapatid niya si Padre Toribio na
pinarusahan at ipinatapon sa Marianas dahil sa hinalang kasabwat sa motin sa arsenal ng Cavite noong
1872. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas
(UST) noong 1880. Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del Pilar at
nagkaanak silá ng pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki.

Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping pampolitika. Naging puspusan ang
kaniyang pagkilos bilang repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma ang isang Español ang
bilingguwal na Diariong Tagalog. Ginamit niya ang husay sa pagtula at pagtatalumpati para batikusin
ang gobyernong kolonyal sa pamamagitan ng duplo at pagsasalitâ sa sabungan at pista. Naglathala siyá ng
satirikong polyetong Dasalan at Toksohan na ipinamumudmod sa simbahan kung Linggo. Noong 1888,
nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose Ramos, at Juan Zulueta ng mga demostrasyong
kontra-fraile at nagrurok sa petisyon noong 1 Marso para sa pagpapatalsik ng mga fraile sa Filipinas.
Bago siyá ipahúli, lihim siyáng umalis patungong España noong 28 Setyembre 1888.

Pagdating sa Barcelona, agad siyáng nagtrabaho para sa pagtatatag ng samahang repormista, ang
La Solidaridad, na naglathala noong 15 Pebrero 1889 ng diyary- ong La Solidaridad. Sa isyung 15
Nobyembre, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng peryodiko at inilipat niya ang
lathalaan sa Madrid. Dumanas ng lubhang hirap ang kaniyang pamilya dahil sa kaniyang gawain.
Dumanas din siyá ng hirap sa paghawak ng La Solidaridad. Sinasabing may panahong namumulot
lámang siyá ng upos sa bangketa bilang pampalipas ng gútom. Naipalabas niya ang hulíng isyu ng
diyaryo noong 15 Nobyembre 1895 at namatay ng tuberkulosis noong 4 Hulyo 1896. Inilibing siyá sa
sementeryo ng mga pulubi sa Barcelona.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Melchora

Aquino

Binansagang ―Tandang Sora‖ si Melchora Aquino bílang pagkilála sa kaniyang paglilingkod at


pagkakanlong sa mga kababayan noong Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nása katandaang gulang na.
Itinuturing siyáng “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.”

Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan (at ngayon ay
matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina Aquino, pawang mga maralita. Sa kaniyang
pagtigulang, ikinasal siyá kay Fulgencio Ramos, isang cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim na anak.
Pumanaw si Ramos noong pitóng taón pa lámang ang kanilang bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging
abalá si Aquino sa mga pista, binyag, at kasal bílang hermana mayor.

Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Español noong 1896 ay 84 taóng gulang na si
Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad upang makapaglingkod sa mga Katipunero.
Naging kanlungan ng mga hapo at sugatang mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting
tindahan, na ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito. Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot
para sa kanila. Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang pagpunit ng mga sedula sa
Unang Sigaw.

Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá at ipinatápon ng mga Español sa Guam sa


Islas Marianas. Nang masakop ng mga Americano ang Filipinas noong 1898, kasáma si Aquino sa mga
pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng
bakuran, na ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan sa kaniya ang isang
distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan ng Lungsod Quezon. Siyá ang kauna-unahang
Filipina na mailagay sa salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula 1951
hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 hanggang 1992.

Ipinahayag ang taóng 2012 na ―Taon ni Tandang Sora‖ bílang paggunita sa ikalawang
sentenaryo ng kaniyang kapanganakan. Inilipat ang mga labí ni Aquino mula sa Himlayang Pilipino
patungo sa Pambansang Dambana ni Tandang Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod
Quezon.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Miguel

Malvar

Si Miguel Carpio Malvar ang karaniwang ipinalalagay na hulíng heneral na sumuko noong
Digmaang Filipino-Americano. Siyá ang umakò sa responsabilidad ng pamumunò ng hukbong Filipino
pagkatapos madakip si Emilio Aguinaldo.

Isinilang siyá noong 27 Setyembre1865 sa Santo Tomas, Batangas kina Tiburcia Carpio at
Máximo Malvar, isang mariwasang magsasaka. Naging mahilig din si Malvar sa pagsasaka at unang
nakilala bilang mahusay na komersiyante. Nang makaipon, bumili siyá ng lupain sa Bundok Makiling at
sa Santo Tomas na pinatamnan ng dalandan. Sinasabing naging matagumpay ang kaniyang pagsasaka at
ipinangalan pa sa kaniya ang uri ng dalandan na ikinalat niya.
Naging gobernadorsilyo siyá sa Santo Tomas at agad nakilaban nang sumiklab ang Rebolusyong
Filipino. Noong31 Marso 1897 ay hinirang siyáng tinyente-heneral ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Pagkatapos, naging komandante heneral siyá para sa lalawigan ng Batangas. Siyá ang hulíng nagsuko ng
armas pagkatapos ng Kasunduang Biyak- na-Bato. Sumunod siyá kay Aguinaldo sa Hong Kong
pagkaraan ng isang taon. Nang bumalik siyá sa Filipinas noong 15 Hunyo 1898 ay may dala siyáng
dalawang libong riple. Nagtayô muli siyá ng hukbo sa Batangas, Mindoro, at Tayabas (Quezon ngayon)
at naging komandante heneral para sa Katimugang Luzon.
Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Americano ay nahirang siyáng brigadyer heneral at nangasiwa
sa mga pagtatanggol sa Katimugang Luzon. Magiting na ipinagtanggol ng kaniyang pangkat ang mga
bayan ng Pagsanjan, Pila, at Santa Cruz sa Laguna. Nang manghinà ang buong hukbong Filipino,
naglunsad ng kilusang gerilya si Malvar sa paligid ng Bundok Makiling. Nang madakip si Aguinaldo,
ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa mga Americano hanggang noong 16 Abril 1902. Pagkaraang
sumuko, namuhay siya nang tahimik at nagbalik sa pagsasaka at pagnenegosyo. Namatay siyá sa Maynila
noong13 Oktbure 1911. May ilang historyador at kongresista ding nagpapanukalang hirangin si Malvar
bilang ikalawa sa talaan ng mga Pangulo ng Filipinas, ngunit hindi ito kinikilala ng pamahalaan sa
kasalukuyan. Ipinangalan sa kaniya ang isang bayan sa Batangas.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Pio

Valenzuela

Si Pio Valenzuela (Pí·yo Va·len·zwé·la) ay isang manggagamot at naging mataas na pinunô ng


Katipunan. Bilang pagkilala sa kaniyang kabayanihan, ipinangalan sa kanya ang isang siyudad sa Metro
Manila, ang Lungsod Valenzuela(dating Polo, Bulacan).

Sumapi siyá sa Katipunan noong Hulyo 1892, at halos sanlinggo pa lámang naitatayô noon ang
lihim na kapatirang mapanghimagsik. Mabilis siyáng naging kaibigan ni Andres Bonifacio. Naging
ninong siyá ng anak nina Andres at Gregoria at sa kaniyang bahay tumuloy ang mag-asawa nang
masunog ang kanilang tahanan. Noong1896, isinugo din siyá sa Dapitan upang kausapin si Jose Rizal at
talakayin ang suporta nitó para sa armadong himagsikan.
Nang natuklasan ng mga Español ang Katipunan, tumakas si Valenzuela sa Balintawak ngunit
sumuko rin upang makamtan ang inaalok na amnestiya ng pamahalaang kolonyal. Ipinatapón siyá sa
España at ipiniit sa Madrid, Malaga, Barcelona, at sa Africa. Nakulong siyá nang mahigit-kumulang
dalawang taón.
Noong 1899, sa panahon ng pananakop ng Americano, itinalaga siyáng presidente municipal ng
Polo. Naging pangulo siyá ng dibisyong militar ng Polo mula 1902 hanggang1919, kasabay ng kaniyang
pagiging ehekutibong panlalawigan ng Bulacan. Noong 1921, naging gobernador siyá ng Bulacan.
Isinilang siyá noong 11 Hulyo 1869 sa Polo, Bulacan sa maykayang pamilya nina Francisco Valenzuela
at Lorenza Alejandrino. Nag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran, at nakamit ang lisensiya sa
medisina mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1895. Nagkaroon siyá ng pitóng anak sa asawang si
Marciana Castro. Pumanaw siyá noong 6 Abril 1956 sa kaniyang bayang sinilangan.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Ramón

F. Magsaysáy

Dahil anak-mahirap at may imaheng makamahirap, si Ramon F. Magsaysay ay tinaguriang


“Idolo ng Masa” bago pa magwaging pangulo ng Republika ng Filipinas noong 1953. Naging malaking
bentahe niya kay Quirino ang mga matagumpay na kampanya laban sa Pagaalsang Huk. Ipinagpatuloy
niya ang simpleng búhay at katapatan sa bayan. Kayâ isang pambansang pagluluksa ang bigla niyang
pagpanaw nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan sa Bundok Manunggal, Cebu noong 17
Marso1957.

Isinilang si Magsaysay sa Zambales noong 31 Agosto 1907 at anak ng panday na si Exequel


Magsaysay at Perfecta del Fierra. Hindi rin katangi-tangi ang kaniyang rekord bilang mag-aaral. Pumasok
siyá sa inhinyeriyang mekanikal sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit lumipat sa Jose Rizal Colleges at
doon nagtapos noong 1932 ng komersiyo. Ngunit nagbago ang takbo ng búhay niya nang maging
mekaniko sa Try Tran Co (Teodoro R. Tanco Transportation Company). Umasenso siyá agad na
manedyer at napalakas ang kompanya bago magkadigma.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig siyá sumikat bilang lider ng kilusang gerilya.
Tinawag tuloy na Magsaysay Gerilya ang kaniyang yunit at nahirang siyáng gobernador militar ng
Zambales. Naging landas ito sa politika. Kumandidato siyá at nagwaging kinatawan ng Zambales noong
1946. Matatapos na kaniyang ikalawang termino nang hirangin siyang kalihim ng tanggulang bansa ni
Pangulong Quirino. Ang tagumpay niyá laban sa Pag-aalsang Huk ang umakit sa Partido Nacionalista
upang ikandidato siyáng pangulo noong 1953. Napakapopular na pangulo ni Magsaysay. Ngunit pinutol
ng aksidente ang kaniyang pamumunò.
Napangasawa niya si Luz Banzon ng Balanga, Bataan at nagkaroon ng apat na anak. Isa, si
Ramon Jr. ay naging senador. Ang totoo, namaná ng kaniyang kapatid na si Genaro ang paghanga ng
bayan at naging senador din, bukod sa patuloy na nagwawagi sa eleksiyong lokal sa Zambales ang
apelyidong Magsaysay. May Ramon Magsaysay Foundation din ngayong nangangasiwa sa isang pondo
na iginagawad sa mga dakilang Asyano sa iba’t ibang larang ng paglilingkod sa bayan.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Graciano

Lopez Jaena

Kinikilala si Graciano Lopez Jaena bilang isang lider ng kilusang repormista, manunulat,
peryodista, at orador. Maraming historyador ang kumikilala sa kaniya bilang isa sa ―tungkong kalan‖
o triumvirate ng Kilusang Propaganda, kasama sina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar.

Isinilang siyá sa Jaro, Iloilo noong 18 Disyembre 1856 kina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena.
(Kayâ dapat na ―Graciano Jaena Lopez‖ o ―Graciano Lopez y Jaena‖ ang pagsulat sa buong pangalan
niya.) Pumasok siyá sa seminaryo ng Iloilo at nag-ambisyong maging doktor. Sinubukan niyang pumasok
sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit hindi pinahintulan sapagkat walang handog
na Bachiller en Artes ang kaniyang seminaryo. Nabigyan siyá ng pagkakataóng matuto sa ospital ng San
Juan de Dios, ngunit kinailangang bumalik sa Iloilo dahil sa kagipitang pinansiyal.

Sa mga akdang Fray Botod (na isinulat niya sa edad 18) at La Hija del Fraile ay isiniwalat niya
ang mga pagmamalabis ng fraileng Español. Nagalit ang mga fraile at ipinadakip siyá. Tumakas siyá
patungong España noong 1879 at naging masigasig sa Kilusang Propaganda. Dito siyá sumikat bilang isa
mga nangungunang orador,manunulat, at tagapagsalita ng mga repormistang Filipino. Sinubukan niyang
ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit hindi rin ito tinapos.

Isa siya sa nanguna sa pag-tatatag ng La Solidaridad noong 1889 at naging unang editor
nitó. Tinipon niya noong 1891 ang kaniyang mga akda at nilimbag bilang Discursos y
Articulos Varios (Mga Talumpati at iba pang Lathalain). Namatay siyá sa Barcelona, España noong 20
Enero 1896 sa sakit na tisis. Hindi na naibalik sa Filipinas ang kaniyang mga labí.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Mariano

Ponce

Si Mariano Ponce ay isa sa mga lider ng Kilusang Propaganda at kaibigang matalik si


Rizal.

Isinilang siyá noong 23 Marso 1863 sa Baliuag, Bulacan kina Mariano Ponce Sr at Maria
Collantes. Nakapagtapos siyá ng bachiller en artes sa Colegio de San Juan de Letran noong 1885 at
kumuha ng medisina sa Universidad de Santo Tomas. Naging kalihim siyá ng Asociacion Hispano-
Filipino, ang organisasyon ng mga liberal na Español at Filipino at ng kanilang kilusang repormista. Isa
siyá sa tagapagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona, España noong Pebrero 1889. Siyá ang humawak ng
seksiyong pampanitikan ng diyaryo nitó. Nakapaglathala siya ng halos 40 artikulo sa La
Solidaridad tungkol sa kasaysaysan, politika, sosyolohiya at paglalakbay. Gumamit siyá ng mga sagisag-
panulat na Naning, Kalipulako, at Tigbalang.

Nang sumiklab ang Himagsikang1896, ikinulong siyá sa Barcelona. Lumipat siyá sa Pransiya
nang makalaya, pagkaraan ay nagtungo sa Hong Kong, at doon ay naging kalihim ng junta
revolucionaria ni Emilio Aguinaldo. Noong 1898, hábang nása Japan bilang kinatawan ng pamahalaan ni
Aguinaldo, naging kaibigan niya si Dr. Sun Yat-Sen. Nagpakasal din siya kay Okiyo Udanwara, anak ng
isang samurai. Nagawa niyang humingi sa mga Japanese ng karagdagang armas para sa rebolusyon,
ngunit hindi ito nakarating sa Filipinas dahil nasira ang barkong pinagkargahan ng mga ito.

Bumalik siyá sa bansa noong 1908. Naging patnugot siya ng El Renacimiento at tumulong sa
pagtatatag ng El Ideal, ang pahayagan ng Partido Nacionalista. Nahalal siyá bilang kinatawan ng Bulacan
sa Philippine Assembly.

Tumulong siyáng mailabas ang Filipino celebres, isang serye ng mga talambuhay ng mga
kilalang Filipino Nakipagtulungan din siyá kay Jaime C. de Veyra noong1914 para sa Efemerides
Filipinas, isang kalipunan ng mga artikulo hinggil sa makasaysayang pangyayari at personalidad sa
Filipinas. Ang ilan sa mga akda niya ay: ―El Folklore Bulaqueño‖ (1887); ―Una excursion‖ (1889);
―Pandaypira‖; ―Villanueva y Gettru‖ (1890); ―Jose Maria Panganiban‖ (1890), talambuhay ng
propagandistang si Jomapa; ―Sandwit‖ (1893); ―Siam‖ (1893); ―America en el descubrimiento de
Filipinas‖ (1892); ―Cronologia de los ministros de Ultramar Cuestion Filipina‖ (1900); at ―Sun Yat-
Sen‖ (1912).

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Gregoria

de Jesus

Tinaguriang “Lakambini ng Katipunan,” si Gregoria de Jesus ang ikalawang asawa ni Andres


Boni- facio at naging kasalo sa mapanganib na pagpa-palaganap ng Katipunan at mga hirap sa panahon
ng Himagsikang 1896. Hinangaan siyáng uliran sa katapatan at tatag ng paninindigan.

Isinilang siyá noong 9 Mayo 1875 sa Kalookan, at isa sa apat na anak nina Nicolas de Jesus,
isang maestro karpintero at dating gobernadorsilyo ng Kaloo- kan, at Baltazara Alvarez Francisco, isang
tubong-Noveleta, Cavite at pamangkin ni Heneral Mariano Alvarez. Naghinto agad siyá ng pag-aaral at
tumulong sa pangan- gasiwa ng kanilang palayan. Si Oriang, palayaw niya, ay lumaking maganda’t
maraming manliligaw. Isa sa kanila at pinakamasugid si Andres Bonifacio. Nakasal silá noong Marso
1893 sa Binondo at ninong si Restituto Javier. Labingwalong taón siyá at 29 si Andres. Ikinasal muli silá
alinsunod sa ritwal ng Katipunan makaraan ang isang linggo at nagpatawag sa pangalang ―Lakambini.‖
Ang unang watawat ng Katipunan ay tinahi niya at ng ninang ni-yang si Benita Rodriguez Javier.
Makaraan ang isang taón, nagkaanak siyá ng lalaki ngunit namatay sa bulutong.

Malaki ang papel ni Oriang sa pag-iingat ng mga lihim na papeles at dokumento ng Katipunan.
Mabilis niya itong nalikom at naitakas nang minsang magsiyasat ang mga pulis Veterana sa kanilang
pook. Nag-aral siyáng bumaril at mangabayo upang maging isang mahusay na mandirigma. Nang
sumiklab ang Himagsikang 1896, kasáma siyá ng asawa sa Balintawak at kabundukan. Nagkahiwalay silá
sa Balara at muli lámang nagkita sa Naic, Cavite. Pagkatapos paslangin ang Supremo, nasadlak siyá kung
saan-saan hanggang nanirahan sa Pasig. Dito niya nakatagpo si Julio Nakpil, dáting kalihim ng Supremo
at pinunò ng mga manghihimagsik sa Montalban at San Mateo, Rizal. Iki- nasal silá sa Quiapo noong 10
Disyembre 1898. Nagka-roon silá ng walong anak ngunit anim lámang ang lumaki. Panahon ng
pananakop ng mga Japanese nang mamatay si Oriang noong 15 Marso 1943 sa atake sa puso sa bahay ni
Ariston Bautista sa Quiapo.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Julio

Nakpil

Si Julio Nakpil (Húl·yo Nak·píl) ay isang kompositor at rebolusyonaryo. Isinilang siyá noong 22
Mayo 1867 sa Quiapo, Maynila kina Juan Nakpil, isang musikero at alahero, at Juana Garcia. Nakapag-
aral siyá sa Escuela de Instruccion Primaria sa Quiapo nang dalawang taón. Nagaral naman siyá ng
pagtugtog ng biyolin sa ilalim ni Ramon Valdes at piyano sa ilalim ni Manuel Mata. Noong1888, nalikha
niya ang una niyang piyesa, isang polka. Naging guro siya ng pagtugtog ng piyano at nagpatuloy sa
paglikha ng mga tugtugin.

Noong Himagsikang 1896, naging kumander siya ng mga rebolusyonaryo sa hilaga sa ilalim ni
Andres Bonifacio. Karamihan sa kaniyang mga komposisyon sa panahong iyon ay naimpluwensiyahan ng
rebolusyon. Isinulat niya ang sagradong awit ng Katipunan, ang Marangal na Dalit ng Katagalugan, sa
hiling ni Andres Bonifacio. Matapos ang sinasabing iniutos na pagpatay kay Bonifacio, nakatanggap din
siyá ng mga banta sa kaniyang buhay.

Matapos ang rebolusyon, pinakasalan niya si Gregoria de Jesus, ang biyuda ni Bonifacio.
Lumipat silá sa Maynila at nagkaroon ng anim na anak. Isa sa mga ito ay si Juan Nakpil, ang naging
Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura. Nagpatuloy siyá sa paglikha hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1960. Ang ilan pa sa mga naisulat niyang awitin ay ang Amor Patrio (1893),
Pahimakas (1897), Pasig Pantayanin (1898), Sueño Eterno (1893). Inilabas noong 1964 ang Julio Nakpil
and the Philippine Revolution, ang kalipunan ng kaniyang mga talâ sa rebolusyon. Nakatanggap siyá ng
mga parangal at pagkilala: isang diploma mula sa Exposicion Regional Filipina noong 1895 para sa
kaniyang Luz Poetica de la Aurora, Recuerdos de Capiz, at Exposicion Regional Filipina; diploma at
medalya mula sa Exposition of Hanoi noong 1902; diploma at medalya sa St. Louis International
Exposition sa Estados Unidos noong 1904; medalya mula sa Civic Assembly of Women noong 1954.
Yumao siyá noong 2 Nobyembre1960. Noong 1963, pinarangalan ng Bonifacio Centennial
Commission ang kaniyang patriyotismo.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Diego

Silang

Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga
magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos. Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga
pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang
nautusan siyang lumuwas ng Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang
sinakyan sa karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo. Nakaligtas silang lahat at nakarating ng
baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at napana ang lahat maliban kay Diego.
Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing
pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos. Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat
siya kaya pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na pagbibiyahe ay
madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga kastila. Taong 1762 ng dumating sa
maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan ang mga kastila kaya isinuko ng mga ito ang
Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego, bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan
na lumaban sa mga kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa.
Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa
kanilang lugar. Ginaya ng mga mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga
ito laban sa mga puti. Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni
Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego upang madali nila itong
maipapatay. Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan sa
pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28, 1763. Subalit hindi
doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela Silang ang
paghihimagsik laban sa mga kastila.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Macario

Sakay

Si Macario de Leon Sakay ay lider- Katipunero at pangulo ng Republikang Tagalog, isang


pamahalaang rebolusyonaryo na itinatag niyá upang ipagpatuloy ang pakikibáka laban sa mga
Americano.
Isinilang siyá sa Tondo, Maynila noong 3 Enero 1870 at anak-mahirap. Diumano, isa siyáng barbero at
sastre. Naging manggagawa rin siyá sa talyer ng kalesa at gumanap sa mga komedya. Noong 1894,
sumapi siyá sa Katipunan at naging matalik na kaibigan ni Andres Bonifacio. Naging pangulo siyá ng
Dapitan, isa sa pinakamalakas na konseho sa kilusang mapanghimagsik. Noong 1896, pagkaraan ng
labanan sa Pinaglabanan, isa siyá sa mga pinunò ng Katipunerong naglagi sa kabundukan ng Marikina at
Montalban.
Sa Digmaang Filipino-Americano, naglingkod siyáng lihim na muling tagapagbuo ng Katipunan
sa Maynila. Nadakip siyá at nakalaya lámang nang magpahayag ng amnestiya ang pamahalaang
Americano noong Hulyo1902. Nagtatag siyá ng mga pangkating gerilya sa Timog Katagalugan, lalo na sa
mga lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna, at Batangas. Lumakas ang kaniyang pangkat at noon niyá
ipinahayag ang Republikang Tagalog na siyá ang pangulo at si Francisco Carreon ang pangalawang
pangulo. Ang Republikang Tagalog ay may sariling saligang-batas, bandila, sistema ng pagkolekta ng
buwis, at regular na hukbo.
Noong 1905, sa tulong ni Dominador Gomez, isang pinagtitiwalaan niyáng lider manggagawa
noon, ay nakumbinsi siyáng sumuko. Nangako ang mga Americano, sa pamamagitan ni Gomez, na
bibigyan ng amnestiya ang lahat ng tauhan ni Sakay. May pangako rin noon ang mga Americano na
bubuuin ang Pambansang Asamblea kung magkakaroon ng ganap na katahimikan.
Kasáma ang kaniyang mga heneral ay bumabâ si Sakay mula sa himpilan sa Tanay, Rizal.
Gayunman, sa isang piging sa Cavite ay bigla at pataksil siyáng hinuli, ikinulong, at madaliang nilitis.
Noong Setyembre 13, 1907, binitay siyá at ang isang matapat niyáng heneral na si Lucio de Vega. May
ilang historyador na kumikilala kay Sakay bilang isa sa mga Pangulo ng Filipinas, ngunit hindi ito
kinikilala ng pamahalaan. Noong 2008, isang rebulto ni Sakay ang pinasinayaan sa Plaza Morga sa
Tondo, Maynila.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas


Teresa

Magbanua

Si Teresa Ferraris Magbanua ang nag-iisang babae sa kasaysayan ng Kabisayaan na namunò


ng mga mandirigma laban sa mga sundalong Español at Americano. Dahil sa kaniyang pakikisangkot sa
digmaan sa Panay noong Himagsikang Filipino, binansagan siyang ―Joan of Arc ng Kabisayaan,‖
paalinsunod sa bayaning Pranses na namunò sa pakikibaka laban sa mga Ingles sa Orleans, France noong
1492.
Isinilang si Magbanua noong1871 sa Pototan, Iloilo sa isang malaki at maykayang pamilya. Sina Juan
Magbanua at Alejandra Ferraris ang kaniyang mga magulang, at may apat ang kapatid na babae at apat
din ang kapatid na lalaki. Nag-aral muna siyá sa Colegio de San Jose sa Jaro, Iloilo bago nagtapos bilang
guro sa Colegio de Santa Catalina sa Maynila. Nagturo siyá sa iba’t ibang bayan sa Iloilo hanggang
madestino sa bayan ng Sara at mapangasawa si Alejandro Balderas, isang magsasaka.
Nang mag-alsa noong 1896 ang mga taga-Panay sa pamumunò ni Heneral Martin Delgado, agad
sumapi sa hukbong rebolusyonaryo si Magbanua. May pag-aalinlangan siyáng tinanggap ng kaniyang
amaing si Heneral Perfecto Poblador na pinunò noon ng hilagang sona sa Panay. Malakas kasi ang
paniwala noon na hindi bagay o nararapat ang babae sa digmaan. Ngunit naging masugid si Magbanua at
hindi naglaon ay ipinakita ang kakayahan sa labanan, lalo sa pagiging asintado sa baril at sa husay sa
pangangabayo. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng kalalakihan sa Labanang Baryo Yoting, Capiz
noong Disyembre 1898 at sumabak din sa Labanang mga Burol Sapong malapit sa Sara, Iloilo. Namatay
ang kaniyang mga kapatid na sina Heneral Pascual at Elias Magbanua sa Himagsikan.
Sa Digmaang Filipino-Americano, napasáma muli si Magbanua sa maraming labanan at gawaing
gerilya. Nang isuko ang Panay noong 1900, nilansag niya ang kaniyang pangkat at tahimik na namuhay
sa bukid kasáma ang asawa. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbigay siyá ng tulong pinansiyal
sa kilusang gerilya sa Iloilo. Nanirahan si Magbanua sa Pagadian, Zamboanga del Sur pagkatapos ng
digmaan. Dito pumanaw ang tinatawag ng kaniyang mga kababayan na ―Nay Isa‖ noong Agosto1947.

Mga Bayani ng Pilipinas Prepared by: Ghail Bas

You might also like