You are on page 1of 13

RETORIKA, MASINING

NA PAGPAPAHAYAG

RONALD E. UY
Guro

KEN L. SALAZAR
May Akda

2024

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 2


Paunang Salita
Ang aklat na ito ay sadyang inihanda bilang pagpapatunay ng aking mga natutunan sa
kalikasn at mga kasanayan sa mga sangkap ng retorika. Ipakita na lubos ko nang nauunawaan
ang antas ng malikhaing pagsulat at pagpapahayag batay sa mga uri ng diskuso: naratibo,
deskriptibo, ekspositori, at argumentatibo na bahagi ng mga aking nalaman mula sa aking
mahusay na guro at manunulat na si Ginoong Ronald E. Uy. Ang pagbuo ng aklat na ito ay
nagsilbing paglalakbay sa aking mga ideya, karanasan, at pag-unlad. Sa pamamagitan ng mga
pahina ng aklat na ito, nais kong magbigay inspirasyon, kaalaman, at pag-asa sa mga
mambabasa.

Sa mga mahal kong magbabasa ng aklat na ito nais kong ipabatid ang ganda ng ating
wika at umaasa akong mapaunlad ng aking gawa at makatulong sa pagpapayaman ng iyong
kaalaman tungkol sa sining pagpapapahayag.

Maraming salamat.

SALAZAR, KEN L.
May Akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 3


DEDIKASYON
Sa aking mga magulang na sina Evelyn at Mateo nais kong ipahayag ang aking taos-
pusong pasasalamat at pagpapahalaga sa suporta na ibinigay mo sa aking paglalakbay sa
akademiko. Ang iyong hindi natitinag na paghihikayat ay gumanap ng isang mahalagang
papel sa aking tagumpay, at ako ay tunay na nagpapasalamat sa mga sakripisyo na ginawa
ninyo upang matiyak ang aking pag-aaral. Ang librong ito ay alay ko sa inyo bilang
pasasalamat sa walang-humpay niyong suporta at pagmamahal. Sa bawat pahina, naglalaman
ito ng mga damdamin at pangarap na naging lihim kong hinihinga sa tuwing nahaharap ako
sa hamon ng pagsusulat.

Aking pasasalamat at pagkilala sa pambihirang epekto ng aking Guro na si Propesor


Uy sa aking karanasan sa asignaturang retorika, partikular sa larangan ng pag-aaral ng wika.
Ang dedikasyon ni Propesor Uy sa pagtuturo at pangako sa pagpapaunlad ng isang positibong
kapaligiran sa pag-aaral ay may malaking naiambag sa aking akademikong paglago. Ang
kanyang hilig sa paksa, mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo, at tunay na
pagmamalasakit sa tagumpay ng mga mag-aaral ay gumawa ng isang pangmatagalang
impresyon sa akin. Pakiramdam ko ay may pribilehiyo akong magkaroon ng pagkakataong
matuto sa ilalim ng patnubay ng aking propesor na si ginoong Uy.

Higit pa rito, gusto kong ipaabot ang aking pasasalamat sa St. Ignatius Academy sa
pagbibigay ng nakakapagpayaman at nakakasuportang kapaligiran sa pag-aaral. Ang pangako
ng paaralan sa akademikong kahusayan at holistic na pag-unlad ay naglatag ng pundasyon
para sa aking tagumpay at personal na paglago. Isa ito sa humubog sa akin bilang isang
mahusay na indibidwal na handang harapin ang mga hamon ng hinaharap.

- K.L.S.

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 4


TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita III


Dedikasyon IV
Talaan ng Nilalaman V
Pangalan ng may Akda VI
Bandila 7
Markahan 8
Guhit 9
Ama 10
Malaya 11
Orihinal na kwento 12
Wedding Speech 13

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 5


PANGALANG NG MAY
AKDA
Si Ken L. Salazar ay isang pintor, actor at mahilig sa bolontaryong
pagtulong. Siya ay pinanganak ng Hulyo 13 taong dalawang libo’t
dalawa sa Calamba, Laguna. Siya ay mas kilala sa lugar nil ana
“palito”. Kung kaya samo’t saring panunukso dahil sa payat niyang
pangangatawan. Hindi niya ito dinaing bagkus ito pa ang naging
motibasyon upang mas pagbutihin ang takbo ng buhay. Siya ay
nagpapakadalubhasa sa kursong Bachelor of Technical Vocational
Teacher Education Major in Computer Programming (BTVTED) sa
isang pribadong paaralan. Bago man siya ay tumuntong sa kolehiyo,
siya ay naging isa sa mga kalahok sa nasyonal pagdating sa larangan ng pagpinta at pagarte.
Sa kanyang mga karanasan ay ibinabahagi niya ang mga kasanayan sa mga bagong sibol na
artist. Sa kanyang bitbit na aral ay hangarin niya na maliwanag ng husto ang bagong mukha
sa ating sariling sining. Sa pagbubukas ng bagong pagkakataon, si Ken ay namulat na ang
pagsususlat ay mas mahuhubog at makikilala ng lubos ang sarili. Sa pagaral ng retorika ay
nagawa si Ken na may akda ukol sa kanyang sariling buhay. Hangad niya sa kanyang
susunod na mga akda ay ang pagtuklas at pagkilala sa sarili.

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 6


BANDILA

Ang bandila ay sumasagisag ng ating lahi, kultura, paniniwala at kasaysayan. Bughaw na


siyang simbolo ng magandang kinabukasan ng bawat mamayan. Iba’ibang relihiyon at
kasanayan ngunit pinagkaisa ng tatlong bituin sa bandila nati’y nakikita. Madilim ang naging
kahapon at kasing tingkad ng kulay pula ang mga dumagak na dugo. Ngunit madilim man
ang kahapon ay mayroon paring liwanag na matatanaw na siyang kulay puti sa ating bandila

“Bandila”
SALAZAR, KEN L.
May akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 7


MARKAHAN

Dali dali ang kanyang pagtakbo na tila hinahabol ng isang aso, kami ay
malapit na iabot ang maliit na papel sa nakasalamin na wari ay nakakunot ang noo. Nang
aming iabot ang papel ay biglang bumukas ang pintuan ng malakas at para itong magigiba,
pawisan ang kanyang damit at and kanyang kurbata ay wala pa sa ayos. Marahan na pumasok
at inabot niya ang papel. Ako ay napatingin sa kanya sa layong limang metro, unti unting
bumilis ang tibok ng aking puso simula ng ito ay dumating. Ang apat na sulok ng kwarto ay
naging malamig at nakakabingi ang katahimikan. Ako’y napatingala sa kisame at nagiisip ng
malalim, napahinto at muling napasulyap sa kanya, nahuli kong nakatingin din siya sa akin at
sumenyas. Kinalampog ko ng apat na beses ang lamesa para maipaabot ang aking tugon.
Lumipas ang ilang minute, sumigaw ang nakasalamin ng malakas at muli ng ipasa ang mga
papel. Sa muling pagsulyap ay nahuli ng nakasalamin na tila ay may konekta sa aming
dalawa. Kinuha ang aming papel at kinausap kami ng nakasalamin.

“Markahan”
SALAZAR, KEN L.
May akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 8


GUHIT
May hawak na maliit na sanga si Rote at
siya ay gumuguhit ng masaya sa buhangin, naglaan ng ilang
minute ay dumating ang kanyang ama na may dalang patpat at
nagngangalit na tinatawag ang kanyan pangalan. Nang
maaninang ni Rote ang kanyang ama ay dali dali niyang binura
ang ginuhit sa buhangin at kumaripas ang takbo pabalik ng
kanilang bahay. Sila ay nakatira sa isang liblib na lugar. Tilaok ng
mga manok ang bungad sa kanyang paggising, huni ng mga ibon
at hampas ng malalakas na alon ang maririnig sa buong
maghapon, sa pagkagat naman ng gabi, kulisap lamang ang maririnig. Sa barong barong
nilang tahanan ay tanging maliit na apoy ang kanilang nagiging liwanag.
Sa pagbukang liwayway ay mayroong di inaasahang bisita sila Rote.
Bitbit ang mga malalaking bagahe at mayroong magagandang teknolohiya. Isang magarbong
pagsalubong ang ibinigay ng mga naninirahan, samo’t saring mga putahe ang inihanda. Sa
kalagitnaan ng pagsasalo ay mayroong napansin ang bagong mukha sa lugar na may batang
nagiisa at ayaw makihabilo. Nilapitan niya ang bata subalit tumakbo dala-dala ang kaunting
pagkain patungo sa kanilang bahay, dalian naman itong sinundan. Pagdating sa bahat ng bata
ay napansin ng dayo ang mga guhit na nakatala sa dingding ng bahay. Ang bata na hinabol ay
si Rote na may angking galing sa pagguhit. Natulala at namangha ang dayo dahil sa
kahusayan nito sa pagguhit. Daliang kinuhaan ng larawan ang mga ginuhit ni Rote. Sa
pagkamangha naenganyo ang dayo na turuan si Rote na gumuhit. Habang kinakausap ng
dayo si Rote ay narinig ng am ang kanilang paguusap at dalian tumaas ang kilay ng ama.
Kinausap ng dayo nan ais niyang tulungan si Rote dahil nakikitaan niya ito ng talent sa
pagguhit, subalit mas tumaas ang tono ng ama at iniiwika na tanging gawaing bahay at
trabaho lamang ang pagtutuunan ng pansin ni Rote. Umalis at bumalik ang dayo sa pagsasalo
na may dalang panghihinayang dahil hindi niya nakumbinsi ang ama.
Lumipas ang isang araw, nakita ni Rote ang dayo na pinipinta ang
paglubog ng araw. Nagliyab sa loob ni Rote ang pagnanais na gumuhit at puminta. Habang
minamasdan niya ang dayo ay hindi niya alam ay kanina pa alam ng dayo na pinagmamasdan
siya. Tinawag at pinalapit si Rote at tila’y nabigla ang bata dahil mahusay naman ang
kanyang pagtago. Ngunit dahil sa kanyang pagnanais ay lumapit at pinasubok na paguhitin si
Rote. Naenganyo niya ito magensayo gumuhit. Bawat araw ay tinatapos agad niya ang mga
gawain sa bahay at trabaho upang magensayo ng palihim.
Nagdaan pa ang ilang araw ay tuluyan ng humusay sa pagguhit si Rote
at napansin na din ng ama na wala ito tuwing pagsapit ng hapon, kanya itong sinundan, at
nahuli niya si Rote na nagsasanay. Dali dali niyang piningot ang tenga ni Rote. Pagdating sa
bahay pinunit ng ama ang lahat na ginuhit ni Rote, ay siya namang walang humpay na
pagiyak ni Rote. Dahil sa pagkuha ng larawan ng dayo ay kumalat at ito sa social media at
umani ito ng samo’t saring komento. Anak dalita ang pamilya ni Rote, Kung kaya’t malaking
tulong kay Rote ang pagkakalantad niya sa social media dahil maraming mahuhusay na
pintor ang nais tulungan si Rote upang maabot ang mga bituin sa langit. Ipanabatid agad ito
ng dayo na isang dalubhasa sa larangan ng pagguhit at pagpinta, ngunit sa kulay bughaw na

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 9


dala ng dayo ay siya namang itim sa ama. Naguusok ang ilong ng ama nang kinausap niya
ang dayo. Hanggang sa pinakita at sinabi ng dayo na maaring umusbong ang kanilang buhay
dahil sa kahusayan ni Rote sa pagguhit. Tila’y nabunutan ng tinik ang ama ng nakitang ang
mga komento, at napagtanto nito na siya ang pader sa mga pangarap ng anak niya at sa huli
patuloy na pininta ni Rote ang buhay niya bilang isang mahusay na pintor.

“Guhit”
SALAZAR, KEN L.
May akda

Ama

Sa paglubog ng araw, unti-unting dumidilim ang kapaligiran at


paghampas ng malalakas na alon ay siyang sampal sa malalaking kong hamon. Kailan
dadaong ang haligi na nagpatibay ng loob ng aking buhay. Nilamon na ng ulap ang araw
subalit umaasa ako na sa pagbukang liwayway ay sana muli kitang maaninag.
“AMA”
SALAZAR, KEN L.
May Akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 10


MALAYA

Sa aking bayan ay matatamasa ang buhay na gusto nino man.


Nagtataasanag puno, matitingkad na kulay berdeng mga halaman, at mga ibong nagaawitan.
Habang naglalakad ay malalanghap ang sariwang hangin na siyang magbibigay ng ngiti sa
inyong mga labi.

“Malaya”
SALAZAR, KEN L.
May akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 11


Orihinal na Kwento
Orihinal na kwento – Markahan
Salazar, Ken
BTVTED – 3A
May akda
A. Paunang Tauhan
-Ako (masipag, matalino, palakaibigan)
-Estudyanteng lalaki (tamad, balasubas)
B. Panahon at Lokasyon
-Silid Aralan
C. Conflict o Problemang kakaharapin ng mga tauhan
-Nang kinuha ang aming papel
D. Banghay (Plot)
- Walang maisagot ang estudyanteng lalaki
- Nagbigay ako sa lalaki ng sagot
- Kinumpiska ang aming papel
- Kinausap ng guro
Mata ng kuwento:
Unang Tauhan:
Ako – Isang batang masipag, matalino, at palakaibigan na siyang naging sanhi ng
pagkadamay sa pagkuha ng papel.
Estudyanteng Lalaki – Isang binatilyo na palagiang nahuhuli sa markahan at balasubas kung
gumalaw.
Pangalawang Tauhan:
Ako – Isang batang palakaibigan na iniisip din ang kaibigan kung kaya’t parehas nakuha ang
kanilang papel.
Pangatlong Tauhan:
Guro – Isang strikto at masungit pero mayroong mahabang pasensya.

Tema (Aral na mapupulot sa Kuwento)


-Ang pagaaral ay siyang ginto na hindi makukuha ng iba, kung kaya dapat pagtuunan ng
pansin ng hindi na makadamay ng iba. Isipin kung ano ang tama at kung alam na mali ay
huwag ng ipagpatuloy.

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 12


Talumpati sa Kasal
Maraming salamat sa
magandang pambungad emsi. Magandang araw
po sa inyong lahat, ako ay nagagalak na
makasama kayo ngayong espesyal na araw.
Unang una sa lahat, nais ko magpasalamat sa
panginoon sa pagbibigay ng pagkakataon na
tayo’y makasama sa espesyal na araw na ito.
Kamusta na mga kapatid
mula dito, natatanaw ko ang mga dati kong
kabanda at hindi lang iyon dahil nasa harapan ko,
ang tinuturing kong kapatid s abanda, si Hanz! Hindi ko alam kung aling universe ang
nagdecide para ikaw ang maging broom ngayon, pero paniguradoo may dahilan. Pagmasdan
mo ang iyong bride, para kang binugbog ng swerte pre. Simula noon hanggang ngayon, alam
naming na kayo ng dalawa dahil pinagtibay kayo ng panahon. Noong batang pa tayo ang sabi
mo magpapari ka dahil takot ka sa commitment, sa bagay noong magpapatuli nga tayo
tinakbuhan mo. Ngunit hinarap mo ang kinakatakutan ninoman kahit hindi pinukpok
sumisigaw kana. Pero bilib din ako sa katapangan ni Hanz, para sa kanyang mahal gawin
niya ang lahat kahit isang dosenang aso ang nagaabang sa kanya at tanging tsinelas lamang
hawak para maiuwi ng matiwasay si Tracy.
Alam nating lahat kung gaano ka passionate si Hanz. Kaya naman,
alam kong handa kong harapin ang mga bagong kabanata na ito sa inyong buhay. At sa aking
lovely cousin na si Tracy, thank you for taking this challenge, hindi ko alam kung gaano mo
kinakaya si Hanz. Sa inyong dalawa, lagi niyang tandaan ang buhay ay parang gig, minsan
maganda, minsa sablay, pero tandaan niyo na may palaging makikinig, magmamahal, at
susuporta sa inyo. Sana’y laging may soundtrack na magdadala sa inyong pagsasama. Sabay
sabay nating itaas ang ating mga baso at magbigay pugay sa bagong kasal. Cheers!
“Talumpati sa Kasal”
SALAZAR, KEN L.
May akda

Retorika, Masining na Pagpapahayag | 13

You might also like