You are on page 1of 3

Filipino Script

*after ng dance
Claire: Boker tob! Magandang araw! Bruchim habaim la muze’on israel! Ako si Claire, ang inyong tour
guide o kumabaga gabay niyo, gabay!? Hui! Halina kayo at simulan na naten ang ating paglalakbay!
Alam niyo ba na ang israel ay kinilala dahil sa mga relihoyosong lugar, archaeological gems o artifacts at
syempre ang kanilang mga kahanga-hangang kalikasan. Pero! Pero! Syempre dito din naten nakilala si
Hesus ang siyang namatay ngunit muling nabuhay para sa atin. Hep! Hep! Bago tayo magtungo sa unang
estasyon sundin niyo muna ang sasabihin ko. Tseo Hehutza! Tseo Marot! (3x)
*lumabas si dea
Dea: Hana ani!
Claire: Oh Dea! Andyan ka na pala bakit hindi mo ipakilala sa atin ang unang estasyon!
Dea: Boker tob! Hello sa inyo! Ang pag-uusapan naten ang pangunahing wika ng Israel ay Hebreo o
Hebrew. Ito ay kabilang sa pamilya ng mga wika na Afroasiatic Language na matatagpuan sa Northwest
Semitic, Hindi lang yan, kapatid din ng Hebreo ang iba pang wika na Semitic. Ito ang Aramaic,
Phoenician at Ugaritic. At…..
Claire: Sandale! Sandale! Papaano naman nagsimula ang Hebreo sa Israel? Hinde ba sabe mo parte ito ng
isang pamilya ng wika? Edi ibig sabihin may magulang ito tapos may nag-iri sa hebreo kaya siya lumabas
na parang wala lang?
Dea: Siyempre hinde, nagmula itong Modernong Hebreo sa utak ni Eliezer Ben-Yehuda. Naisipan niya na
bakit hinde kaya naten ibalik ang Hebreo at gawin naten itong mas madali at modernong sabihin. Dahil
dito, si Eliezer at kanyang mga sunod-sunuran ay gumawa ng mga makabagong salita at gawing mas
madaling maintindihan. Patuloy itong sumibol sa mga paaralan hanggang sa ginawa itong opisyal na wika
ng Israel.
Claire: Edi syempre dahil sa naging lingua franca ang hebreo sa Israel kumalat din ito sa iba’t-ibang
larangan ng media, panitikan, acadwmia at araw-araw na pakikipag-usap. Tama ba?
Dea: Oo! O diba may nalalaman ka din naman pala dito e.
Claire: O siya dea pano ba yan? Mauuna na ko ah kailangan ko pa igala tong mga bata na kasama ko,
naku baka mamaya wala akong makuhang sweldo kapag di ko sila iginala.
Dea: O sige paalam!!! Huy wag mo kalilimutan to!
*inabot mapa tas mawawala ng tuluyan
Claire: Hay, tara na nga! Pagod na ko talaga, tapos alam niyo ba kinailangan ko pa mag-hiking papunta
dito tapos dumaan ako sa mga sampung bundok yung isa dun ay yung Patubo tapos lumangoy pako sa
karagatan ng Indian papuntang Pacific. Naku talagang tagaktak pawis at dugo ko kung nakita niyo lang!
*tunog ng orasan
*transition then lumabas si eunice
Eunice: Boker tob! Shhh wag kayo maingay ha isa akong manlalakbay ng nakalipas, kasalukuyang at
hinaharap niyo. Kaya di na ako na ako magpapaligoy-ligoy pa, halina’t balikan ang lumipas, ang
pinagmulan ng lahat.
Claire: Pinagmulan ng lahat? Bakit may ganun? San ba yun nanggaling?
Eunice: Ay nagmamadali, ate di ko pa talaga naipapaliwanag.
Claire: Ay oo nga no sige simulan mo na.
Eunice: Ganito kase yon, nagsimula ito kina Abraham, Jacob at Isaac naniwala sila na meron tayong
iisang diyos. Na kinilala natin ngayon na si Hesus kaya naatasan noon si Moses na ipadala ang sampung
utos ng diyos sa mga tao. Sa paghantong ng ika-12 na siglo dumating ang mga israelita sa Israel. Sa
pagpasok ng 636 BCE sinakop ng mga arabo. Tsk, tsk sinundan naman ito ng Ottoman sa taong 1517 at
ng mga ingles naman sa taong 1918.
Claire: Grabe ang rami naman talagang sumakop sa Israel. Pero alam niyo ba na pagkatapos ng pagsakop
ng mga ingles, sumunod naman ang pag-aaway ng Palestine at Israel na patungkol sa kalupaan ng Gaza.
Itong labanan na ito ay kinilala naten ngayon bilang “the Israeli-Palestinian Conflict”.
Eunice: Oops, tapos na oras naten. Tara na uli sa kasalukuyan. Magpapaalam na ang inyong manlalakbay.
Claire: O may natutunan ba kayo? Naku, naku hinde pa tayo tapos. Di ba kayo nakakaramdam ng pagod?
Huh, ako kase pagod parang ayaw na mag-function ng utak ko sa rami ng iprinoseso na impormasyon.
Tara pahinga muna tayo dito sa coffee shop. Mukhang mabubusog talaga kayo pagkatapos nito, Busog na
busog sa karunungan.
*naglakad patungong coffee shop
Claire: Uy si boss pala to e. Musta?
Miles: Uy ayos lang, teka sino yang mga kasama mo?
Claire: Ahhhh eto mga alaga ko, alam mo na kelangan kumita. Dinala ko sila dito sa coffee shop para
magpalipas muna ang rami ng naglabas-pasok na chika sa utak nila. Syempre kelangan nila magpahinga
muna. Hoy! Hinde ba yan yung Ingrown Transition Camp? Yung noong nadiklara bilang estado ang
Israel mga 500,000 na mga imigrante ng lumipat sa Israel?
*binatukan si Claire
Miles: Ano ka ba, wag mo naman idamay ang likhang-sining na yan sa kalokohan mo? Ang tamang
tawag diyan ay Immigrant Transit Camp. Pero tama ka yan nga yung likhang-sining patungkol sa mga
imigrante. Isa pa ang gumawa nyan ay si
Claire: Si Rust Cloth! Pramis tama na yan, yun pangalan diba nung gumawa niyan?
Miles: Ruth Schloss! Ruth Schloss! Yun ang pa-nga-lan!
Claire: Yun nga sabe ko! Hay nako, miles ayos lang magkamali. Mistakes happen.
*tapik tapik sa likod
Miles: Bahala ka na nga dyan! Wag niyo na nga pansinin si claire. Ako na lang bigyan niyo ng pansin. Oh
balik tayo kay Ruth Closs, siya ay isang social realist na pintor. Ang mga pintor na iyon ay ang pipintor
ng mga likhang-sining na nangyare talaga sa totoong buhay ng pamumuhay ng mga estado ng mga
mangagawa at mga mahihirap. Habang eto naman ang pangalan ng iba pang likhang-sining na kung
tawagin Seated Boy at Women in Ma’abara.
Claire: Talaga nga naming nakaka-busog itong mga impormasyon. Syempre di pa tayo nagtatapos dyan
dahil……... ipapatikim namin ang National Dish ng Israel, na isa sa mga street foods sa Israel at kung
tawagin ay cultural appreciation.
Janna at Miles: FALAFEL!?
Claire: Omsim ang tawag dito ay falafel. Tsk, tsk, tsk wag kayo nagsaliksik ako tungkol dito. Alam niyo
ba na ang falafel ay nagmula sa Egypt pero nung nilagyan na ng chickpeas eto mas napasarap at napsikat
ng Israel kaya siya tinawag bilang cultural appreciation at National Dish. Ang galing ko noh, wala kayo
laban.
Janna: Masyado naman lumalaki ang ulo mo sa parting yun, hinde talaga bagay bhie.
Claire: Teka sabe ng lola ko ‘tiyan ay pakainin, utak ay gaganahin’ kaya kain pa kayo. Kase di pa tayo
nagtatapos dahil may pasabog pa ang estasyong pampanitikan. Halina’t ating tunghayan ang Istorya ni
Tehila.

You might also like