You are on page 1of 2

Ika-20 ng Marso, 1941

Mahal kong Cecilia,


Isinulat ko ang liham na ito upang mabatid mo ang aking nadarama.
Paumanhin man kung sa tingin mo ay padalos-dalos at nagmamadali ako sapagkat,
hindi ko nais na ikaw ay mabagabag, ngunit walang maipaglalagyan ang aking
pananabik habang hinahapuha ko ang bawat pangarap at panaginip na tayo ay
makasama. Kaya’t dali-dali kong kinuha ang aking panitik at papel, upang matalos
mo ang tapat kong pagsinta.
Araw-gabi, ginugunita ko ang alaala yaong tayo’y unang nagkita,
nagkasalubong ang ating mga tingin habang pareho nating binabaybay ang loob ng
Iglesia de Las Piñas at nakikinig sa sermon ng kura. Nasaksihan ko ang kislap ng
iyong mga mata na parang isang butuin na nagniningning sa gabing madilim
habang ibinabayo ako ng iyong mga tingin tungo sa kailaliman ng hiwaga ng iyong
kaluluwa. Bigla kong naramdaman ang maginhawang-kirot ng palaso ni Eros na
tumama sa aking matamlay at mapag-isang puso. Tunay talagang na ang kasabihan
na ang ating mga mata ay durungawan ng ating pagkatao.
Ngunit, alam mo ba? Ako ay mas lalong nabighani noong ikaw ay ngumiti.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit sa sandaling iyon biglang bumagal ang buong
paligid at bumilis ang pintig ng dibdib. Hindi maipinta ang lubos na kagalakan
mula sa kaibuturan ng aking damdamin. Ang iyong ngiti ay kasimputi ng nyebe ng
Europa ngunit kasing-init din ng kaparangan ng disyerto ng Sahara, na kahit anong
lamig ng natutulog na puso ay matutunaw ito at magigising sa kanyang
pagkakahimbing.
Cecilia, kung kasalanan man ang umibig ako yata’y hindi na mapapatawad
ng Maykapal. Hindi na magagawang dalisayin ng alinmang dasal, kumpisal, ritwal,
nobena, at penitensya ang aking nadarama. Sa kadahilanan, ang aking kaluluwa ay
parang isang tela na naburdahan ng nakakahalinang hibla ng alaala ng iyong
nagniningning na mga mata at nakakatunaw na mga ngiti.
Hindi sapat ang isang papel kung gaano kita isinisinta, ngunit ikinatatakot ko
na baka ako ay maubusan ng mga salita kung ito’y magtutuloy-tuloy na. Kaya’t
hanggang dito na lamang, at ikinalulugod kong maghintay sa iyong sagot aking
mahal na Cecilia.
Nagmamahal,
Joselito Madrano y Abad
Ika-

You might also like