You are on page 1of 1

Si Pugak Tagak at Si Islaw Kalabaw

ni: Eva Rhodora A. Sales

Si Islaw Kalabaw ay isang masipag na kalabaw. Maaga


pa lamang ay nasa bukid na siya para magtrabaho.
Si Pugak Tagak naman ay ang kaibigang tagak ni Islaw
Kalabaw.
Isang umaga habang si Islaw Kalabaw ay namamahinga
sa putikan, biglang dumating si Pugak Tagak. “Kumusta ka na
Islaw ?’’ tanong ni Pugak Tagak. “Heto ako kaibigang Pugak
nagpapahinga dahil pagod na pagod sa kaaararo mula pa
kaninang madaling-araw. Ngayon lang ako natapos,” sagot
ni Islaw Kalabaw. Hindi naawa si Pugak Tagak sa kaibigang
kalabaw bagkus ay tinawanan pa ito nang malakas.
“Hahahaha! Kawawa ka naman kaibigang Islaw. Tingnan
mo ako, walang kapagod-pagod sa buhay. Malaya akong
nakalilipad, nakakakain at nagagawa ang anumang gusto
ko,” pagmamalaki ni Pugak Tagak.
Tahimik lamang na nakikinig si Islaw Kalabaw kay Pugak
Tagak na tumatawa habang lumilipad.
PAK! Dahil sa katatawa, nabangga si Pugak Tagak sa
puno! Hindi na makalipad si Pugak Tagak dahil nabali ang
kaniyang pakpak. “Tsk! Tsk! Tsk ! Kawawang Pugak,” sabi ni
Islaw Kalabaw. Naawa si Islaw Kalabaw kay Pugak Tagak kaya
mabilis siyang umahon sa putikan upang tulungan ito.
Salamat Islaw. Sa kabila ng ginawa ko sa iyo ay tinulungan
mo pa ako. Patawarin mo ako kaibigan,” sambit ni Pugak
Tagak. “Walang anuman Pugak, pinapatawad na kita,” sagot
ni Islaw Kalabaw.
“Islawwww! Islawww! Halika na may dala ako sa iyong
matataba at sariwang damo,” malambing na tawag ng amo
ni Islaw Kalabaw. Lumapit si Islaw bitbit si Pugak Tagak.
Nakita ng amo ni Islaw Kalabaw si Pugak Tagak. Kinuha
niya ito para gamutin. Magmula noon, naging mabuti na ang
pakikitungo ni Pugak Tagak kay Islaw Kalabaw.

You might also like