You are on page 1of 2

Dumating si Bandong sa Sampilong upang humalili kay Mestro Putin bilang isang

pansamantalang punungguro. Naganap na ang paggapas ng mga bukirin at nang ito'y


matapos ay naging mahigpit kaysa dati si Donya Leona sa paniningil ng utang. Ito'y ang
dahilan kung bakit karamihan sa mga kasamá ay dumaraing. Isa rito si Hulyan na
nakiusap na kalahati muna ang ibawas sa kanyang ani 'pagkat may sakit ang kanyang
asawa, ngunit ito'y hindi pinahintulutan ng donya. Dumating sina Ninet at Jun isang
araw, at nagkaroon ng isang malaking kasiyahan, Sa parehas na gabi'y nasangkot si
Andres sa isang kaguluhan at siya'y nakulong, ngunit siya'y pinalaya kalaunan.
Dumalaw sina Andres at Sedes, kasama si Ato, upang ipasok sa unang baiting ang
sampung gulang na anak. Siya'y tinanggap ni Bandong at ipinangakong siya ang
bahala sa gastos. Iminungkahi rin ni Bandong na kanilang linisi't ayusin ang lugar na
tinitirhan upang pagtayuan ng industriyang pambahay na makapagtitighaw sa
kalagayan ng mga iskuwater. Ito naman ay sinang-ayunan ni Andres.
Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng anihan ay pumanaw si Sepa. Ang lahat
ng tagabaryo ay dumalo upang makiramay. Nagkuwento si Ba Inte sa kanila tungkol sa
mga buwayang nasa bayan nila. Ito ang dahilan upang mamulat ang kanilang mga
isipan at ang kaisahan ang naisip nilang solusyon. Lumuwas ng Maynila sina Bandong
at Andres, kasama sila Pina, Sedes, at Dinong. Ang lakad nila'y may kinalaman sa
kooperatiba ng mga industriyang pambahay. Sila'y nagtungo ng Social Welfare
Administration upang makapangalap ng ulat ukol sa industriyang susunguin. Nang
maitatag ang kooperatiba ay lumabas ang isang lumang dokumento, na nakasaad dito
na kasama sa lupang pagmamay-ari ng mga Grande ang dating talahibang
kinatatayuan ng Bagong Nayon. Nagsampa ang mga Grande laban sa mga iskuwater.
Nagsanib ang unyon ng mga magsasaka at ang kooperatiba sapagkat iisa lamang ang
kanilang ipinaglalaban. Sa tulong din ni Bandong ay nakahanap ng abugadong
makatutulong sa kanila upang ipaglaban ang hustisyang ipinagkait. Kumalat sa buong
nayon na namatay si Mestro Putin at naganap sa libing ni Mestro Putin ang pagkikita
nina Ba Inte at Andres. Dahil sa pagtatagpo ay naisiwalat ang nakaraan na
nagpapatunay na si Andres ang eredero ng mga lupain ng nasirang Kabisang Resong.
Magbubukas na ang mga klase nang dumating ang papalit kay Bandong upang
humalili sa pagiging permanenteng prinsipal, dahil sa mga isyung nasasangkot siya.
Nagkaroon ng isang pagtatalo tungkol sa pagpapagawa ng bakod sa paligid ng
paaralan, na nagresulta upang mamilipit ang dibdib ni Mang Pablo't isugod siya ng
ospital. Nang umagang biglang pumanhik si Dislaw nang si Pina'y nag-iisa ay
pinagtangkaan siyang gahasain. Ngunit, dumating si Bandong at siya'y iniligtas. Dahil
sa nangyari ay pinaluwas ni Donya Leona si Dislaw sa Maynila. Ilang mga gabi ang
nagdaan, may malaking trak na pumapasok ng kamalig upang palihim na inilalabas ang
mga palay at bigas, at ito'y tutungo ng kabisera upang ibenta sa Intsik. Isang araw na
lang nang mabalitaan na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ito ang ginamit na
dahilan ng mi ari upang ibunton ang sisi sa mga magsasaka at iskuwater. Ang
mayordomang si Iska ay isiniwalat ang katotohanan kay Sedes dahil sa siya'y nagalit
kay Kosme, ang mismong inutusan ng mi ari na sunugin ang kamalig, nang isinama
niya si Cely kaysa sa kanya sa Maynila. Ito naman ay ipinagbigay-alam nila kay
Bandong. Natamo nila ang pagpapalaya ng mga kasamahan, sa kawalan ng sakdal ni
katibayan, pagkatapos silang ikulong. Kasabay rin ang paghabol ni Andres sa hukuman
sa lupang dapat sa kanya na kinamkam ng mga Grande. Sila ang nagwagi sa kaso
dahilan sa pagkakabilad ng katotohanan.

You might also like