Professional Documents
Culture Documents
TEORYANG MODERNISMO at EKSISTENSYALISMO
TEORYANG MODERNISMO at EKSISTENSYALISMO
KAHULUGAN
Ito ay modernism o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na
hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi ng bisyon ng mundo.
Ito ay tumutukoy sa isang paghihimagsik satradisyon, relihiyon, kaugalian at paniniwala.
Nagsasaad o nagpapadama upang magkaroon ng puwang ang pagbabago.
HISTORYA NG MODERNISMO
1945 - 1965– Unang Bugso ng Modernismo
Modernismo- Ito ang panitikang nalikha ng mga kabataang manunulat.
Ang mga elemento ng modernismo sakatham-buhay ay unang lumabas noong panahon ng
Hapon sa mga kuwentong nalathala sa Liwayway.
1944 –pinangasiwaan ang Liwayway sa ilalimni Kin-ichi Ishikawa.
Hindi paksa ang itinuturing na moderno kundiang pamamaraan ng pagbibigay buhay
sanapiling material.
Ayon kay Buena ventura Medina, Jr., para sa kapakanan ng mambabasa ng popular na
magasin, nobelang inilalathala ay yaong sapat na makalibang.
Teoryang Eksistensyalismo
KAHULUGAN
Ang eksistensyalismo ay isang salita na mayroong malawak na kahulugan. Sa larangan ng
pilosopiya, ang eksistensyalismo ay tumutukoy sa kahalagahan ng buhay ng tao na nagbibigay
diin sa kanyang mga karanasan, at hindi lamang bilang isang nilalang na mayroong
kakayahang mag isip kung hindi pati na rin bilang nilalang na mayroong kakayahang kumilos,
makiramdam, at mabuhay.
Pinagmulan
Ang teoryang eksistensyalismo ay nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo at lubosna
lumaganap noong ika-19 hanggang ika-20 siglo kung saan maraming manunulat ang na
impluwensyahan.