You are on page 1of 13

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA

ARALING PANLIPUNAN 9
Ma. Janice C. Tarala Ms. Crisvina F. Balmes
Gurong Nagsasanay; Gurong Nagsasanay;
I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang

a. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng Current/Nominal GNI sa Real/Constant Prices


GNI

b. Naipapahayag ang kahalagahan ng pagsukat Real/Constant Prices at Growth Rate ng isang


bansa.

c. Nakasusukat ang Real/Constant Prices at Growth Rate sa pamamagitan ng pormulang


panukat.

II. NILALAMAN

a. Paksa: Pambansang Kita

b. Balangkas ng Paksa: Current/Nominal at Real/Constant Prices

c. Sanggunian: Araling Panlipunan: Ekonomiks 9, pahina, 250-253

d. Mga Kagamitan: Kagamitang Biswal, manila paper, pentelpen, scotch tape, chalk, pentelpen

e. Metodolohiya/ Estratihiya: 4A's na pamamaraan

Content standard: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
Pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
sa Pambansang kaunlaran

Learning competencies: Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita sa ekonomiya

Code: AP9MAK-IIIc-6

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati sa Klase
3. Paalala at alintunin
4. Pagtala ng liban sa klase
5. Pagkolekta ng Takdang Aralin
6. Balik-Aral/ Balik-Tanaw

Bago tayo magsimula sa


pagpapatuloy ng ating aralin ay
magbalik tanaw muna tayo sa ating
mga tinalakay at isinagawa noong
nakaraang araw sa pamamagitan ng
pagsagot ng ilang katanungan.

Tungkol saan nga ulit ang tinalakay natin


noong nakaraang araw?

Ma’am, tungkol po sa mga paraan sa pagsukat


ng Gross National Income (GNI)
Magaling!
Mayroon tayong tatlong paraan sa pagsukat
ng GNI, ano nga ulit ang mga paraan sa
pagsukat ng GNI?
Ma’am, ang unang paraan sa pagsukat ng
GNI ay ang Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach). Ang ikalawang
paraan naman po ay Paraan batay sa
Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/
Value Added Approach). At ang ikatlong
paraan naman po ay ang Paraan batay sa
Kita (Income Approach)
Magaling!
Ano naman ang pormulang ginagamit sa
pagsukat ng GNI sa paraan batay sa paggasta
(Expenditure Approach)? Ma’am ang pormulang ginagamit sa pagsukat
ng GNI sa paraan batay sa paggasta ay
GDP=C+I+G+(X-M)+SD at
GNI=GDP+NFIFA
Tama!
Ano naman ang gamit na pormula sa
pagsukat ng GNI sa paraan batay sa
Pinagmulang Industriya (Industrial Origin)?
Ma’am, ang pormulang gamit naman sa
pagsukat ng GNI sa paraan batay
Pinagmulang Industriya ay
GNI=A+I+S+NFIFA
Magaling!
Ano naman ang gamit na pormula sa pagsukat Ma’am ang gamit pong pormula sa pagsukat ng
ng GNI sa paraan batay sa kita (Income GNI sa paraan batay sa Kita ay
Approach)? GNI=KEM+KEA+KK+KP

Mahusay! Tunay ngang kayo ay nakinig ng


mabuti sa ating nakaraang talakayan.

7. PAGGANYAK
Bago tayo bumako sa bagong aralin ay
magkakaroon muna tayo ng isang
pangkalahatang gawain na tatawagin nating
WORD HUNT. Mayroon ako ditong crossword WORD HUNT
puzzle. P Y U C U R R E N T
R B R O N E P N O P
I I J N R A T E M X
C N L S Y L J F I A
E D V T S B C O N Z
S E W A A B N L A V
X X G N I K O T L H
I S S T G R O W T H
Sa inyong palagay, tungkol saan kaya ang ating Mga salitang sagot:
tatalakayin ngayong araw na ito? Prices Real Rate
Current Constant GNI Nominal Growth

Tungkol po, sa Nominal/Current Prices GNI


at Real/Constant Prices GNI.

Tama!
Ang tatalakayin natin ngayong araw ay tungkol Layunin:
sa “Current/Nominal at a. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng
Real/Constant Prices GNI” Current/Nominal GNI sa
Narito ang ating mga layunin na dapat Real/Constant Prices GNI
makamit sa pagtatapos ng ating talakayan. b. Naipapahayag ang kahalagahan ng
Pakibasa ng sabay-sabay pagsukat ng Real/Constant Prices at
Growth Rate ng isang bansa
c. Naiisa-isa ang mga limitasyon sa
pagsukat ng Pambansang Kita
d. Nakasusukat ang Real/Constant
B. PAGLINANG NG GAWAIN 1. Prices at Growth Rate sa pamamagitan ng
GAWAIN pormulang panukat.
Bago tayo pumunta sa pormal na talakayan
ay magkakaroon muna tayo ng pangkatang
gawain. Hahatiin ko muna ang klase sa
tatlong pangkat na gamit parin ang inyong
permanenting pangkat. Kung saan susukatin
niyo ang Price Index, Real/Constant Prices at
Growth Rate sa pamamagitan ng pormulang
panukat ng mga ito.

Sa unang pangkat -Kompyutin ang price


Index gamit ang pormulang nito. Gamitin
ang 2006 bilang batayang taon.

Price Index= presyosakasulukayangtaon x 100


presyongbatayangtaon
TAON Nominal GNI PRICE INDEX

2006 7,883,088 100


2007 8,634,132

2008 9,776,185

Sa ikalawang pangkat- kompyutin ang REAL GNI= priceindexbaseyear x currentGNI


rea/constant GNI gamit ang 2006 bilang priceindexcurrentyear
batayang taon. TAON NOMINAL PRICE REAL
GNI INDEX GNI
PRICES
2006 7,883,088 100

2007 8,634,132 109.5

2008 9,776,185 124.0

Growth rate= CURRENTONOMINALGNI X 100


GNIsanakaraangtaon

Sa ikatlong pangkat- ay susukatin niyo ang


Growth Rate ng ekonomiya batay sa mga
datos sa table. TAON CURRENT/ REAL/ GROWTH
NOMINAL CONSTANT RATE
GNI PRICES GNI
2006 7,883,088 7,883,088 -
2007 8,634,132 7,885,052 0.0249/0.025
2008 9,776,185 7,884,020 -0.013
PANUTO:
Ang bawat pangkat din ay papapiliin ko ng
tatlong represante na siyang papayagan kong
gumamit ng cellphonena siyang tutulong
upang mas mapadali ang pagkompyut.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng


kanyakanyang meta cards at materyales sa
pagsagot ng gawain.

Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng limang


minuto para tapusin ang gawain at dalawang
minuto para sa pagpresenta. Naiintindihan?

Maari na kayong magsimula.


Opo, Ma’am.

(Pagkatapos ng limang minuto ang bawat


2. PAGSUSURI pangkat ay ipapaliwanag ang kanilang
Ngayon naman ay ating suriin ang inyong mga sagot)
sagot.

Tama ba ang sagot ng unang pangkat?

Sa ikalawang pangkat, tama ba ang kanilang Opo, Ma’am./ Hindi po Ma’am.


mga sagot?

Sa ikatlong pangkat naman, tama ba ang Opo, Ma’am./ Hindi po Ma’am.


kanilang mga sagot?

3. PAGHAHALAW Opo, Ma’am./ Hindi po Ma’am.


Matagumpay niyong nasugatan ang ating
gawain, ngayon naman ay ating tuklasin at
talakayin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng
CURRENT/NOMINAL GNI at REAL//CONSTANT
PRICES GNI.

Ano ang ibig sabihin ng Current o Nominal


GNI?
Ma’am, ito po ay kumakatawan sa kabuuang
halaga ng mga natapos na produkto at
serbisyong nagawa sa loob ng
Ano naman ang ibig sabihin ng Real o Constant takdang panahon bataysakasulukayang
Prices GNI? presyo.

Ma’am ang Real o Constant Prices GNI ay


kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga
tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob
ng takdang oras bataysa
nakaraanpangpresyoo sapamamagitan
ngpaggamitngbatayangtaonobase year.
Sa pagsukat ng nominal at real GNI, Kailangan
muna nating malaman ang price Index.

Ano naman ang Price Index?


Sinusukat ng price index ang average na
pagbabago sa presyo ng mga produkto at
sebisyo.

Mahalagang malaman at masukat ang


real/constant prices GNI dahil may pagkakataon
na tumataas ang presyo ng mga bilihin na
maaaring makaapekto sa pagsukat sa GNI. Dahil
pampamilihang halaga ang ginagamit sapag
sukat ng GNI, lalabas na mataas ito kung
nagkaroon ng pagtaas sa presyo kahit walang
pagbabago sa dami ng produksiyon.

Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin


ang real o constant prices GNI.

Ano naman ang ibig sabihin ng growth rate? Ang growth rate ang sumusukat kung ilang
bahagdan ang naging pag-angat o pagbaba ng
ekonomiya kompara sa nagdaang taon. Ang
mahalagang datos na ito naman ang gagamitin
ng mga nagplaplano ng ekonomiya ng bansa
upang gumawa at bumuo ng mga patakaran
upang matugunan ang mga suliraning may
kinalaman sa pagbaba ng economic
performance ng bansa.
Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita
ng bansa sa pamamagitan ng pormula sa
unang aralin. Hindi parin ito perpektong
batayan dahil
may mga gawaing pang-ekonomiya na hindi na
bibilang sa pagsukat ng pambansang kita. Ano-
ano kaya ang mga ito?

Ma’am, ito ay ang mga hindi pampamilihang


gawain, impormal na sektor, externalities o
May katanungan pa ba? hindi sinasadyang epekto at kalidad sa buhay.

Wala na po ma’am.
4. PAGLALAPAT
Sa inyong palagalay, bakit mahalagang
masukat ang Real/Constant Prices at Growth
Rate ng isang bansa?

Ma'am, para sakin mahalagang masukat natin


ang real/constant prices dahil sa pamamgitan
ng pagsasagawa nito. Malalaman natin kung
talaga bang may nangyaring pag-unlad ang
ating bansa dahil mayroong mga pagkakataon
na Malaki lamang ang GNI natin dahil mataas
lamang ang presto noong panahon na iyon pero
wala namang nag-bago sa dami ng produksyon
Sa iyong palagay gaano kahalaga na malaman at serbisyo.
kung may pagunlad ba o pagbaba ang ating
ekonomiya?

Ma’am, mahalagang malaman natin kung may


pagunlad ba o pagbabang nangyayari ang
ekonomiya ng ating bansa dahil dito din tayo
babatay kung ano ang mainam na gawing
aksiyon para mas mapaunlad natin ang ating
Mahusay! ekonomiya.
Bilang isang mamamayan, ano ang simpleng
paraan para matulungan mo ang ating bansa
upang umunlad o mas umunlad pa ito?

Matutulungan ko po ang ating bansa upang


umunlad o mas umunlad pa sa pamamagitan ng
pagiging mabuting
Magaling! mamamayan o sa simpleng pag hingi ng mga
5. PAGLALAHAT resibo sa tuwing ako ay bibili.
Batay sa ating tinalakay ano kaya ang kaibahan
ng current/nominal Prices GNI at real/constant
Prices GNI?

Ma’am, ang pagkakaiba ng


Current/nominal GNI at Real/Constant Prices
GNI, ay ang Current o Nominal GNI ay
tumutukoy sa kabuuang halaga ng mga
produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng
isang takdang panahon batay sa kasalukuyang
presyo. Samantala, ang Real/Constant prices
GNI naman ay ang kabuuang halaga ng mga
tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob
ng takdang panahon batay sa nakaraan pang
presyo

6. PAGTATAYA

Kompyutin ang price index at real GNI at ang growth rate ng bawat taon. Gamitin ang 2006 bilang
batayng taon.
TAON NOMINAL GNI PRICE INDEX REAL GNI GROWTH
RATE
2006 10,500,088

2007 11,208,132

2008 12,223,185

2009 13,505,466

2010 14,622,077
6. TAKDANG ARALIN

OPTION1: Panuto; Sa isang kalahating papel (crosswise) sagutan ang tanong at magbigay ng
halimbawang sitwasyon upang mas maipaliwanag ng mabuti.

 Bakit mahalagang masukat ang economicperformanceng isang bansa? (5pts)

OPTION2: Panuto; magsaliksik at pagaralan ang konsepto ng kita, pagkonsumo, at pagiimpok

You might also like