You are on page 1of 13

1

SENAKULO

Voice over: Mahigit dalawang libong taon na ang nakararaan, may isang lalaki na nagngangalang Hesus
ang naglakbay kasama ang kanyang mga alagad. Sa baryo ng Capernaum sa Galilee sa
bayan ng Israel unang nagpakilala ang tagapagligtas na si Hesus, at doon niya rin sinimulan
ang kanyang misyon sa pagtuturo tungkol sa kaharian ng Diyos. Siya ay nagbahagi sa mga
tao ng kabutihan at pangaral, at naglahad din ng mga himala at milagro na talagang
hinangaan ng karamihan. Maraming natuwa sa kanyang pagdating dahil sa balitang siya
ang mesiyas na tinutukoy sa propesiya ni Propeta Isaias pitong daang taon bago siya
pumarito; subalit dahil sa patuloy na kasakiman at pagiging makasalanan ng tao, nangyari
ang kalunus-lunos na pagpapasakit at pagtubos ni hesus sa sangkatauhan.

Matutunghayan ninyo ang isang dula mula sa mga pangyayari


labindalawang oras bago ipako sa krus si Hesukristo sa bayan ng Jerusalem.

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “THE TIME OF FULFILLMENT”

I. SA HARDIN NG GETSEMANI

SCENE 1

SETTING: MIDNIGHT // MASUKAL NA HARDIN // MARAMING PUNO AT HALAMAN

MOOD: SOLEMN

HESUS: Mananalangin muna ako paroon. Ang puso ko’y nakararamdam ng hapis. Maghintay
lamang kayo rito at manalangin din upang makaiwas sa tukso.

[LALAYO SI HESUS AT MANANALANGIN]


2

HESUS: Iligtas mo ako, ama! Kupkupin mo ako. Alisin mo sa akin ang paghihirap! Diyos ko, hindi
kalooban ko ang masusunod, kung hindi ang kalooban mo ang maganap sa akin.

[LALAPIT SI HESUS KAY PEDRO AT SA IBA PANG MGA ALAGAD]

HESUS: Pedro, natutulog ka ba? Hindi niyo ba kayang magpuyat kahit ilang oras man lamang?

HESUS: Kayo, bumangon na! Oras na para ang anak ng tao ay ipagkanulo sa kamay ng mga makasalanan.

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “LORD, HERE I AM”

II. ANG PAGDAKIP

SCENE 2

SETTING: MIDNIGHT // MASUKAL NA HARDIN // MARAMING PUNO AT HALAMAN

MOOD: MILD FRANTIC

[KASAMA NI HUDAS ANG MGA KAWAL SA PAGHAHANAP KAY HESUS]

KAWAL: Paano namin makikilala ang kristong sinasabi mo? Kay dilim ng gabi!

HUDAS: Narito lamang siya.

[MAKAKASALUBONG NINA HUDAS AT MGA KAWAL SI HESUS]

HESUS: Sino’ng hinahanap ninyo?

MGA KAWAL: Si Hesus Nazareno!

HESUS: Ako nga.

HUDAS: Magandang gabi po, guro.

[HAHALIKAN NI HUDAS SI HESUS]

HESUS: Hudas, ipagkakanulo mo ba ang anak ng tao sa isang halik?

[PALILIBUTAN NG MGA KAWAL SI HESUS AT TULUYANG NAGISING NANG LUBOS ANG MGA ALAGAD]

PEDRO: Layuan niyo siya!


3

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “HUWAG KANG MANGAMBA”

III. SA HARAP NI ANAS

SCENE 3

SETTING: DAWN // ROMAN DISTRICT TEMPLE

MOOD: MODERATE FRANTIC // DESPAIRING

ANAS: Ikaw ba ang hari na makapangyarihan sa mga hedeo? Nasaan ang ‘yong mga alagad? Ano ang
itinuturo mong doktrina? Sa tema ng iyong mga pangaral at pananalita, nais mo kaming palitan.
Magsalita ka, hesus!

HESUS: Mahayag akong nangangaral sa sinagoga, at wala akong ikinubli na kahit na sino. Alam nila ang
aking sinasabi sapagkat sila’y nakikinig.

KAWAL: Ganyan ba dapat sumagot sa pari?

ANAS: Walang saysay kausap ito. Dalhin siya kay kaypas! Tignan na lamang natin ang galing niya.

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “PAG-IBIG MO, AMA”

IV. SA HARAP NI KAYPAS

SCENE 4

SETTING: SUNRISE // ROMAN DISTRICT TEMPLE

MOOD: MODERATE FRANTIC // DESPAIRING // GLOOMY

KAWAL 1: Magbigay pugay sa pinakamataas na pari!

KAWAL 2: Siya si Hesus Nazareno, ang mapanggawa ng gulo.


4

KAYPAS: Ikaw nga! Ikaw ang sinasabing hari. Nasaan ang ‘yong kaharian? Ano’ng trono ang meron ka?
Magsalita ka! Hindi ba’t ikaw ay anak ng isang hamak na karpintero lamang?

[MAGTATAWANAN ANG LAHAT]

KAYPAS: Sinabi rin ng iba na ikaw si elias? Ba’t hindi ka makapagsalita? Ipagtanggol mo ang ‘yong sarili.

HESUS: Palagi akong nagsasalita sa templo ng aking ama. Ipagtanong niyo sa mga taong nakikinig sa akin.

KAWAL 1: Sa ganyang pananalita mo ba kinikilala ang pinakamataas na pari? Isa kang arogante!

KAYPAS: Sabihin mo sa amin. Ikaw ba ang sinasabing tagapagligtas at anak ng diyos?

HESUS: Ako nga. Makikita mo ang anak ng tao na nakaupo sa kanang bahagi ng kataas- taasang ama at
bababa mula sa alapaap ng langit.

KAYPAS: Ano’ng sakdal niyo laban sa taong ito?

SAKSI 1: ‘Yang kristo na ‘yan ay nagpalayas ng masamang espiritu sa ngalan ng diablo!

SAKSI 2: Maaari ba ‘yon? Sariling kampon, pinalayas ng amo?

KAYPAS: Wala kayong kwenta! Sino’ng may matinong testigo?

SAKSI 3: Kami, ginoo! Sinasabi ng kristong ‘yan na gigibain niya ang templo at itatayo ‘tong muli matapos
ang tatlong araw.

SAKSI 4: Tama siya! Pinalalabas niya na siya’y isang makapangyarihan. Maitatayo ba sa tatlong araw ang
isang templo na ginagawa ng apatnapung taon?

KAYPAS: Mabigat nga ‘yan. Wala ka bang maisasagot sa mga paratang?

[MANANATILING TAHIMIK SI HESUS]

KAYPAS: Ikaw ba ang mesiyas na anak ng diyos? Inuutos ko, sa ngalan ng diyos na buhay, ikaw ba ang
kristo?

HESUS: Ikaw na ang nagsabi.

[HUHUBARAN NI KAYPAS SI HESUS]

KAYPAS: Nilait niya ang diyos! Narinig ko ang kanyang paglapastangan! Ano ang inyong pasya sa kanya?

MGA SAKSI: Kamatayan! Dapat siyang mamatay!


5

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “KAIBIGAN, KAPANALIG”

V. SA HARAP NI PILATO

SCENE 5

SETTING: MORNING // ROMAN DISTRICT TEMPLE

MOOD: MODERATE FRANTIC // DESPAIRING // GLOOMY

SUNDALO: Magbigay pugay sa gobernador ng imperyo! Ang kagalang-galang, ponsio pilato!

PILATO: Ano’ng sakdal niyo laban sa taong ito?

PARISEO: Gobernador, hindi namin siya dadalhin dito kung hindi siya kriminal.

PILATO: Kung gayon, ano ang inyong paratang?

MGA SAKSI: Siya raw ang kristong hari!

PILATO: Hari? Ikaw nga ba ang hari ng mga hudyo?

HESUS: Hindi galing sa mundong ito ang paghahari ko.

PILATO: Kung gayon, hari ka nga ba?

HESUS: Ikaw na ang nagsabi. Isinilang ako upang magpatunay sa katotohanan.

PILATO: Wala akong makitang kasalanan sa taong ito!

MGA TAO: Hindi ba kasalanan ang mangaral at manggulo? Galing pa ‘yan sa galilea!

PILATO: Sakop siya ni herodes! Alamin niyo kung ano ang kanyang sasabihin.

SUNDALO: Ngayon din, gobernador!

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “BUKSAN ANG AMING PUSO”
6

VI. SA HARAP NI HERODES

SCENE 6

SETTING: MORNING // ROMAN DISTRICT TEMPLE

MOOD: MODERATE FRANTIC // DESPAIRING // GLOOMY

SUNDALO: Haring herodes, bilin ng gobernador na kayo na ang humatol sa kanya.

HERODES: Sa wakas, hesus! Aking kababayan. Kay rami kong nababalitaan sa’yo! Magaling ka raw
maghimala? Sige nga, aliwin mo kami. Maghimala ka!

SUNDALO: ‘Wag mong paghintayin ang haring herodes! Simple lamang ang hinihingi ng hari!

HERODES: Kung ayaw, huwag! Bakit ko pag-aaksayahan ang isang nasisiraan ng ulo?
Damitan na siya ng kapa.

[IAABOT NG SUNDALO ANG PULANG KAPA KAY HERODES AT DADAMITAN NITO SI HESUS]

HERODES: Para sa akin, wala siyang kasalanan subalit siya’y nasisiraan ng ulo. Ibalik siya kay pilato!

**CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “PAGTITIPAN”

VII. ANG PAGHATOL NI PILATO

SCENE 7

SETTING: MORNING // ROMAN DISTRICT TEMPLE

MOOD: MUCH MORE FRANTIC // DESPAIRING // GLOOMY

PILATO: Walang kasalanan ang taong ito, ‘yan ang pasya ng haring herodes. Nais ko lamang na ipaalala
sa inyo na sa ganitong pagkakataon, maaari kong palayain ang kahit na sinong bilanggo.

ANAS: Kahit na sino, huwag lang si hesus!

PILATO: Kahit na si barabas? Isang mamamatay tao na sumira sa katiwasayan ng bayan?

MIRON: Si barabas! Piliin niyo si barabas!


7

PILATO: Sino’ng palalayain ko? Si hesus o si barabas?

MGA SAKSI: Si barabas! Palayain si barabas! Patayin si hesus!

PILATO: Walang kasalanan ang taong ito. Parurusahan ko na lamang bago palayain.

[LALAGYAN NG MGA SUNDALO NG TALI ANG MGA KAMAY NI HESUS AT SAKA IPUPUTONG SA KANYA
ANG KORONANG TINIK]

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “SUGAT NI KRISTO”

[PAGHAHAMPASIN NG MGA SUNDALO SI HESUS SA HARAP AT LIKOD NG KATAWAN HABANG


NAKAGAPOS ANG KANYANG MGA KAMAY]

[SI HESUS AY MULING IHAHARAP SA MGA TAO]

PILATO: Masdan niyo ang inyong hari!

MGA TAO: Wala kaming ibang hari maliban kay ceasar! Ipako ‘yan sa krus!

PILATO: Kung gayon, ako si pontio pilato, presidente at hukom dito na sakop ang imperyong romano.
Ang hatol kong sintensya ukol sa kanyang pagkakasala— papasanin niya ang krus ng kamatayan
hanggang sa makarating ng golgota. Ipako siya at iparipa sa gitna ng dalawang magnanakaw!
Wala akong pananagutan sa kamatayan ng taong ‘yan.

MGA TAO: Pananagutan namin ang kanyang kamatayan! Ipako sa krus! Ipako siya sa krus!

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “PANANAGUTAN”

VIII. VIA CRUSIS

SCENE 8

SETTING: DAYTIME // ROAD TO CALVARY

MOOD: SOLEMN // GLOOMY // LOW-SPIRITED // HUMILIATING // AGONIZING // EXHAUSTED

[BUBUHATIN NA NI HESUS ANG KRUS]


8

HESUS: Ako ay alagad mo, ama. Salamat sa krus na ito na gamit ko sa pagtubos sa tao.

[LALAPIT ANG ISANG BATA SA PARISEO NA NAKAPALIBOT KAY HESUS AT IAABOT NIYA ANG ISANG
KARATULA NA ILALAGAY SA KRUS]

PARISEO: Hesus ng Nazareth? Hari ng mga hudyo? Mali ang karatulang ‘yan!

BATA: Ang bilin po ng gobernador, ang nakasulat ay nakasulat na.

[MAKAKASABAY NI HESUS SA PAGPASAN NG KRUS SINA HESTAS AT DIMAS]

[MADARAPA SI HESUS SA UNANG PAGKAKATAON]

SUNDALO: Lampa! Kay ikli pa ng nilalakad, bumagsak ka na!

[MAKIKITA NINA MARIA, JUAN, AT MAGDALENA ANG PAGPAPAHIRAP KAY HESUS HABANG
SINUSUNDAN NILA ANG MGA YAPAK NITO PATUNGONG GOLGOTA]

MARIA: Mananatili ba ako rito o lilisan? May lakas ba ako ng loob na pagmasdan ang anak kong
naghihirap?

SUNDALO: Sino ang babaeng ‘yan?

TAO 1: Siya ang ina ni Hesus Nazareno!

SUNDALO: Kung siya ba’y pinalaki nang tama, hindi ‘yan aabot sa ganito!

[MAGKAKATINGINAN SINA HESUS AT MARIA]

[MADARAPA SI HESUS SA IKALAWANG PAGKAKATAON]

SUNDALO: Hindi na ‘to aabot sa kalbaryo! Tumayo ka!

[MAKIKITA NG SUNDALO SI SIMON]

SUNDALO: Ikaw? Isa kang pagano, hindi ba?

SIMON: O…Opo.

SUNDALO: Ano’ng pangalan mo?

SIMON: Simon po! Simon Sireneo. Ako po’y tutulong lamang sapagkat wala akong pagkakasala.

[TUTULUNGAN NI SIMON SI HESUS SA PAGBUHAT NG KRUS]

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “SA IYONG MGA YAPAK”

[SUSUBUKANG LUMAPIT NI VERONICA KAY HESUS AT DALA NIYA ANG ISANG PUTING TELA]
9

VERONICA: Panginoon, pahintulutan niyong ipahid ko ‘to sa inyong mukha kahapis-hapis.

[IPAPAHID NI VERONICA ANG TELA SA MUKHA NI HESUS]

VERONICA: lilisan ako nang may pusong masaya!

[MADARAPA SI HESUS SA IKATLONG PAGKAKATAON]

[PAGBABATUHIN NG BATO SI HESUS NG MGA TAO, SUNDALO, AT PARISEO]

SIMON: Haring makapangyarihan, malapit ka na sa’yong patutunguhan. Naririto na tayo sa kalbaryo!

**CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “KUNG ‘YONG NANAISIN”

IX. ANG PAGPAKO KAY HESUS SA KRUS

SCENE 9

SETTING: DAYTIME // CALVARY

MOOD: SOLEMN // GLOOMY // LOW-SPIRITED // HUMILIATING // AGONIZING // EXHAUSTED

[IHIHIGA SI HESUS SA KRUS AT IHAHANAY ANG KANYANG MGA KAMAY AT PAA SA DULONG BAHAGI]

[ITATALI NG MGA CENTURION ANG MGA KAMAY AT PAA NI HESUS AT SAKA ITO IPAPAKO]

[SISIGAW AT IIYAK SI HESUS DAHIL SA SAKIT]

[MARAHANG ITATAYO NG MGA CENTURION ANG KRUS KUNG SAAN NAKAPAKO SI HESUS]

[IPAPAGITNA SIYA SA DALAWANG MAGNANAKAW NA SINA HESTAS AT DIMAS]

CENTURION: Sino ang gigiba ng templo at itatayo sa loob ng tatlong araw? [TATAWA NANG

MALAKAS ANG CENTURION]

CENTURION: Bakit hindi mo gibain ang ‘yong krus at tunawin ang mga pako? Ipakita mong
makapangyarihan ka, hesus ng nazareth!

ANAS: Siya raw ang mesiyas! Ang hari ng israel?! At anak ni david na higit pa raw kay solomon!

KAYPAS: Nasaan ang ‘yong kahambugan? Iniligtas mo ang iba, ngunit hindi mo mailigtas ang ‘yong sarili!
10

HESUS: Ama ko, patawarin mo sila! Hindi nila alam ang kanilang ginagawa!

[LALAPIT SINA MARIA, MAGDALENA, AT JUAN SA PAANAN NG KRUS AT TITINGALA KAY HESUS]

MARIA: Hesus, aking anak! Naririto ang ‘yong inang umiibig sa’yo.

MAGDALENA: Naririto rin ako, banal na hesus. Narito ang makasalanang sumasamba sa’yo!

[LULUHOD SI MAGDALENA SA PAANAN NG KRUS]

MAGDALENA: Hahagkan ko ang ‘yong mga paa na minsang hinugasan ko ng aking mga luha!

JUAN: Hesus! Panginoon, narito ako. Patawarin mo kami, aming guro dahil iniwan ka namin sa gitna
ng panganib at kasawian!

[PAGBABATUHIN NG MGA TAO SINA DIMAS, HESTAS, AT HESUS NA NAKAPAKO SA KRUS]

HESTAS: Isa kang baliw, dimas!

[TITIGNAN NI HESUS SI HESTAS]

DIMAS: Ayan, Hestas. Tignan mo ang kanyang maamong mukha.

[MATATAWA SI HESTAS]

DIMAS: Ibig niyang masabi na siya’y anak ng diyos! Kaibigang hesus, ‘wag mo akong kalilimutan
pag-akyat mo sa’yong kaharian.

[TITIGNAN NI HESUS SI DIMAS]

HESUS: Tunay kong sinasabi sa’yo, ngayong araw na ito’y makakapiling kita sa paraiso.

[TITINGALA ANG MGA SUNDALO AT TAO SA MGA ULAP]

SUNDALO: Nagdidilim! Parang uulan! Hindi pa ba patay ang nazareno?

[MAGTITINGINAN SINA HESUS AT MARIA, MAGING SI JUAN]

***CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “ABANG MARIA”

HESUS: Babae, masdan mo ang ‘yong anak. Anak, masdan mo ang ‘yong ina.

MARIA: Anak ko, ano’ng ibig mong sabihin?

HESUS: Hayaan mong si Juan ang maging anak mo ngayon. Juan, siya na ngayon ang ‘yong ina.
11

JUAN: Oo, Panginoon. Aking ipinapangako!

MARIA: Mamahalin kong siyang katulad ng tunay kong anak!

HESUS: Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?

TAO: Tinatawag niya si elias! Tignan natin kung siya’y masasagip.

HESUS: Ako’y nauuhaw!

[BIBIGYAN NG SUNDALO SI HESUS NG ESPONGHANG NILUBLOB SA ALAK NA MAY HALONG APDO]

**CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “ANG KALULUWA KO’Y NAUUHAW”

X. ANG PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

SCENE 10

SETTING: DAYTIME // CALVARY

MOOD: SOLEMN // GLOOMY // SORROWFUL // AGONIZING // EXHAUSTED

HESUS: Ama ko. Sa iyong mga kamay, inihahabilin ko ang aking kaluluwa.

[MAKAKARAMDAM NG PAGLINDOL ANG MGA TAO AT MAGSISIGAWAN SILA DAHIL NAGDIDILIM ANG
BUONG PALIGID]

CENTURION: Ano’ng nangyayari?

[MAGTATAKBUHAN ANG IBANG MGA TAO]

SUNDALO: Patay na ba ang nazareno?

CENTURION: Oo, nilagutan na siya ng hinga!

SUNDALO: Siguraduhin mo!

[KUKUHA NG SIBAT ANG CENTURION AT TUTUSUKIN NITO ANG TAGILIRAN NG KATAWAN NI HESUS]

[SISIGAW SA SAKIT ANG CENTURION DAHIL TATAMAAN ANG KANYANG MATA NG MALA-PULBONG
DUGO MULA SA TAGILIRAN NG KATAWAN NI HESUS]

[PATULOY NA MAGKAKAGULO DAHIL SA PAGYANIG NG MGA LUPA]

[HAHAMPASIN NG MGA SUNDALO ANG TUHOD NINA HESTAS AT DIMAS HANGGANG SA MAMATAY]
12

[IBABABA SI HESUS MULA SA KRUS AT KAKALUNGIN SIYA NI MARIA NA UMIIYAK]

**CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “PIETA: OYAYI SA PAANAN NI HESUS”

VOICE OVER: Sa mga oras na ito, ating pagnilayan ang paghihirap at kamatayan ng panginoong
Hesukristo.

MANANAHIMIK ANG LAHAT PANSAMANTALA O SA LOOB NG ISANG MINUTO.

**PLAY THE SONG “WE ARE THE REASON”

VOICE OVER: Mula sa ating pagninilay, napagtatanto natin ang mapangwasak na kapangyarihan ng
kasalanan at ang napakalaking pag-ibig ni hesus para sa makasalanang sangkatauhan.
Inialay niya ang kanyang buhay nang may lubos na kalayaan at pagkabukas-palad upang
ang tao ay maligtas sa kasiraan ng kasalanan. Ito ang kanyang patunay ng dakilang pag-
ibig.

CHOIR WILL SING / PLAY THE SONG “DAKILANG PAG-IBIG”

PANALANGIN

VOICE OVER: Tunghayan mo akong naninikluhod sa iyong harapan, hesus na butihin at katamis-tamisan.
Ako ay dumadalangin at nakiki-usap nang may maalab na kalooban upang loobin mong sa
aking puso ay tunay kong madamang nakatitik ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig,
at ang wagas na pagsisisi sa aking mga kasalanan. Mapagtanto ko nawa ang matatag na
pasyang magbagong buhay habang nababagbag ang aking loob at nalulungkot ako sa pag-
iisip at pagsasaloob ng iyong limang sugat habang aking binibigkas ang pangungusap na
iyong inilagay sa bibig ni David na propeta mo para kanyang maihayag tungkol sa iyo.
Hesus na butihin: “mga kamay ko at paa’y pawang binutasan ang buto ng katawan ko, sa
masid ay mabibilang.” Amen.

---THE END-
13

You might also like