You are on page 1of 3

Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong


impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay
may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikiang Pilipino, na
mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hinihiram na salita
galling Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay
magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang local na seremonya. Bilang
halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa
ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan,
barangay, o ng mga distributo. Ang mga ganitong tradisyon ay ginaganap
din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng
bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng kailang mga
tradisyon at nakagawian.

Lipunang Pilipino
Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami
dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos
at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano,
Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga
nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng
mga mahihirap.

Kaugaliang Pilipino
Bayanihan: Nabuo ang bayanihan sa mga samahan ng mga
magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kalian o saan man kailanganin ng
tulong. Kadalasan makikita bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng
gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayan na malapit dito ay agad
agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos
lamang ang nasirang sasakyan.
Matinding Pagkakabukold-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay
kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang
pangunahin sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming
mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila
ay may edad na o kaya naman ay may sarili naring mag-anak.
Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais
magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Hiya: Ang kaugaling Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino
kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap
na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng kaugaling hindi
tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili
kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ang
pagiging

Appendice

Pananaliksik: ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas


ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ay isang
makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga
bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
Santong Patron: Pista
Pista: Ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa
iba’t-ibang dako ng Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang
mga makukulay na parada, mga katutubong seremonya, sayawan,
paligsahan, at masasaganang handaan.
Patimpalak: Paligsahan
Dignidad: Ay pagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang walang
maaapektuhan. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil
sa mata ng Diyos, magkakapantay ang lahat.
Panganismo: Ay isang pangkalahatang katawagang ginagamit upang
tukuyin ang sari-saring mga pananampalataya ng maraming Diyos o
relihiyong politeisko.
Prist: Pari
Pari: Ay isang alagad ng simbahan o isang taong nagsasakripisyo at
nagdadasal sa Diyos para sa mga tao.
Pamahiin: Ay isang paniniwalang di-nakabatay sa pagdarahilan, kaalaman o
agham.
Hinduismo: Ay isang konglomerasyon na natatanging mga pananaw na
intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang
hanay ng mga paniniwala.
Tagapamagitan: Ay isang taong tumutulong sa pagdadala ng kapayapaan
sa pagitan ng mga taong may alitan o hidwaan.
Palaganapin: Pagpapakalat ng mga impormasyon sa mga iba’t-ibang tao

Bibliography
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-
kaligirang-pangkasaysayan-ng-epiko_1030.html
https://www.scribd.com/doc/25142357/Kaligirang-Pangkasaysayan

You might also like