You are on page 1of 2

Elyzza Chelsea Pintado PAGPAN

11-Baltazar 03/18/24

TRAVELOGUE
Sa aming travelogue, nais kong ibahagi ang aming paglalakbay kahapon, isang araw na
puno ng pagtuklas at paglalakbay mula sa Cuartel de Sto. Domingo hanggang sa Venice Grand
Canal

Unang dinalaw namin ang Cuartel de Sto. Domingo, isang napakalaking arkitekturang
Espanyol. Ang dating Spanish barracks building na ito, na ngayon ay isang museo, ay may
malalim na kasaysayan ng mga kaganapan dito. Sa pamamagitan ng mga gabay-turista, aming
nakuha ang malalim na kaalaman tungkol sa mga pangyayari na naganap dito, kasama na ang
layunin ng mga Espanyol sa pagtatayo ng lugar bilang headquarters ng guardia civil laban sa
mga tulisanes. Bagama’t may mga bahagi ng istruktura na nasira na at wala nang natitirang
ikalawang palapag, ang pagbisita rito ay nagbigay sa amin ng pagkakataon na maunawaan ang
kasaysayan ng lugar.

Pagkatapos ng aming pagbisita sa Cuartel de Sto. Domingo, tumungo kami sa Change


Maker 2040, isang lugar kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mga bisita na makilahok sa
mga aktibidad at talakayan ukol sa mga environmental issues at mga solusyon dito. Sa iba’t
ibang mga seksyons, kami ay nagkaroon ng pagkakataon na mag-eksperimento, at maglaro ng
mga katanungan tungkol sa kalikasan at kung paano natin ito maaring masolusyonan. Ang mga
gabay-turista ay nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at mga ideya tungkol sa pagbabago at kung
paano kami makakatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating kapaligiran.

Pagkatapos ng aming pagbisita sa Change Maker 2040, direkta kaming pumunta sa


Museo Maritimo, isang pasilidad na nagpapakita ng kasaysayan ng Pilipinas sa larangan ng
pagmamaneho ng barko at arkitektura ng mga barko. Sa loob ng museo, aming nasilayan ang
mga tradisyon, at mahahalagang bahagi ng pagiging isang seafarer. Sa mga eksibit, at interactive
na pagtatanghal, kami ay naengganyong mas lalo pang pag-aralan at bigyang halaga ang aming
kasaysayan bilang isang maritime nation.

Ang aming sumunod na pinuntahan ang Mind Museum, isang sentro ng agham at
teknolohiya kung saan ang pag-aaral ay hindi lamang limitado sa mga libro at lecture, kundi sa
mga kamay at imahinasyon ng mga bisita. Dito, kami ay nabighani sa mga eksperimento at
interactive exhibits na nagbibigay buhay sa mga konsepto ng agham at teknolohiya. Isa sa mga
paborito kong bahagi ay ang mga dancing robots pati na rin ang mga theatrical shows na
naglalarawan ng ebolusyon ng mundo at kasaysayan ng ating uniberso ay nagdulot sa amin ng
bagong kaalaman at pagkaunawa.

Sa aming huling destinasyon tumungo kami sa Venice Grand Canal, isang lugar na
nagbibigay ng pagkakataon na maranasan ang romantikong ambiance ng Venice, Italy. Ang mga
magagandang tanawin ng mga canal, gondola rides, at mga istrukturang arkitektural ay nagbigay
sa akin ng panibagong karanasan. Naroon din kami sa malapit na mall, kung saan kami ay namili
ng mga pasalubong at kumain.

Sa aming pag-uwi, dala-dala namin ang mga bagong kaalaman, karanasan, at alaala mula
sa aming paglalakbay. Sa pamamagitan ng aming paglalakbay, hindi lamang kami nag-enjoy sa
pagtuklas ng mga bagong lugar at kultura, ngunit naging bahagi rin ito ng pagpapalalim ng
aming kaalaman.

You might also like