Kung nais mong balikan ang bakas ng nakaraan, maaari natin itong hanapin sa mga lumang estraktura, sa mga simbahan at tulay na itinayo ng mga kastila. Matatagpuan sa bayan ng Mahayhay sa Laguna ang isa sa pinaka matandang simbahan sa Pilipinas. Ayon sa kasaysayan, kilala rin ang Mahayhay dahil sa isang misteryosong tulay na minsan ring binanggit sa akda ni Dr. Jose Rizal na ’El Filibusterismo’. Ang tulay na kung tawaging 'Puente de Capricho’ na ginawa noong taong 1851. Pero sa panahon ngayon, konti nalang ang nakakakilala sa tulay na ito. Ayon sa mga taga-Mahayhay, may alam daw silang tulay ng mga Kastila pero hindi Puente del Capricho ang tawag nila dito kundi Tulay Pigi. Malapit ang tulay na ito sa tambakan ng basura sa Mahayhay. Hindi natuloy ang pag-gawa sa tulay ito noong pahanon ng kastila kaya hugis arko lang ang natapos. Ang ginawa ng mga tao, gumawa sila ng foot bridge na gawa sa kahoy o kawayan, sa parehong dulo para makadaan ang mga tao.
Noong panahon ng panunungkulan ng mga Kastila dito sa Pilipinas, meron ring
pinaka mahabang tulay. At ang tawag doon ay Puente de Malagonlong na tinayo noong taong 1840, na matatagpuan sa Tayabas, Quezon. Sampung taon pinantay ang Puente de Malagonlong, ang pinaka mahabang stone bridge noong panahon ng mga Espanyol. Gawa ang tulay sa malalaking tipak ng bato, at kung susuriin ay ginawa lang ito ng mano-mano at ng hindi gumagamit ng makina. Hindi tulad ng mga tulay ngayon na may makinang taga-buhat pa, pero ang mga tulay noon ay mano-mano lang ginawa ng mga ninuno nating Pilipino. Noong panahon, wala pang semento at iba ang ginagamit ng mga ninuno natin pangdikit sa mga malalaking tipak ng bato para makabuo ng isang malaking tulay, yung “Apog” na tinatawag nila. May mga misteryong sulat rin na naka-ukit sa ilalim ng arko ng tulay. Kung sino man ang umukit non ay parte sila ng mga mang-gagawa noong binubuo ang tulay na ito.
Matapos kong mapanood ang buong episode ng I-Witness, matapos mamangha sa
mga angking ganda ng mga estratura ng lumang tulay noon, at matapos malaman ang kwento sa likod ng bawat isang arko, nalaman ko na ang saysay ng tulay ay hindi lang para makatawid sa patutunguhan, kundi para rin maitawid ang mga kwento ng nakaraan. Ang bawat arko, bawat adobe at bawat bato ay parang libro ng kasaysayan. Patunay kung gaano kagiting ang ating pinagmulan at kung saan tayo dadalhin ng kinabukasan kung marunong lang tayong magpahalaga sa nakaraan. Marapat na ito ay panatilihin dahil bukod sa makakatulong ito sa madaliang transportasyon mag sisilbi din ito bilang isa sa mga makasaysayang istrakturang nalikha ng mga tao noong unang panahon.