You are on page 1of 4

Ang pangkasaysayang kababalaghan o penomeno

ng Kristiyanisasyon o Pagsasakristiyano ay ang pagbabagong-loob na


pampananampalataya (kumbersiyong panrelihiyon) ng mga indibiduwal
papuntang Kristiyanismo o ang pagbabagong-relihiyon ng kabuuang dami
ng mga tao na nangyayari sa loob ng isang ulit lamang. Kinabibilangan din
ito ng pagsasagawa ng pagpapabagong-loob ng mga gawain at
kulturang pagano, banghay o larawan na panrelihiyong pagano, mga lugar
na pagano at kalendaryong pagano upang magamit na pangkristiyano,
dahil sa mga pagsisikap ng mga Kristiyano sa proselitismo (ebanghelismo)
batay sa tradisyon ng Dakilang Komisyon. Isang payak na halimbawa nito
ang pagbabago ng pananampalataya ng isang bansa o rehiyon upang
maging kabahagi ng Kristiyanismo, na kadalasang nagsisimula
sa pagbibinyag ng isang katutubo o lokal na pinuno.

You might also like