You are on page 1of 1

Name: Kayla E.

Bronzal Aralin Panlipunan 10


Grade & Section: 10 – Locsin March 04 , 2023

“ Intersex at Transwoman”
Ang Intersex at Transwoman o Transgender ay kabilang sa groupo ng
LGBTQIA+ sila ang mga taong nagkakaroon ng ibang paniniwala sa kanilang mga sarili
at sa kanilang kasarian.
Ang pagiging Intersex at transwoman ay isang malaking pagsubok na dala dala
ng isang taong may gender identity disorder at ito ay hindi madali dahil unang una sa
lahat ang kanilang Kalayaan sa kanilang mga sarili, sila ay natatakot na ilabas ang
kanilang tunay na pagkatao dahil sa mga taong di nakaka intindi ng kanilang sitwasyon.
Tulad ng mga taong parte ng LGBTQIA+ sila ay nakakaranas ng iba’t ibang uri ng
pangungutya, pangliliit at pang aapi sa ibang tao,kaya’t sa halip na malaya silang
namumuhay ng naayon sa kanilang kagustohan mas pinipili na lamang nilang
manahimik.
Kahit ganuon pa man bilib ako sa tapang ng dalawang taong parte ng
LGBTQIA+ na sina Mark Pablo o Jemma Pablo isang Intersex at si Yumi Olmilla isang
transwoman. Si Jemma or mas kilalang Mark Pablo ay pinanganak na babae ngunit nag
karoon ng ari ng lalaki at si Yumi naman ay isang lalaki na nagpapalit ng ari ng babae.
Bilib ako sa tapang at lakas ng loob nila na ibahagi ang kanilang buhay sa ibang tao,
ang mga pagsubok na kanilang nalagpasan at ang pagharap nila sa judgemental
society na meron tayo ngayon.
Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan ang mga mapanglait na mga mata at
mga matatalim na salita sa ibang tao, kahit ganun pa man may mga tao pa din na
nakakaintindi satin, nag mamahal at nag-aalaga satin tulad ng ating mga kaibigan,
kamag-anak at ang ating pamilya. Ngunit bago ang lahat mas kailangan muna natin
tanggapin ang ating sarili , at mahalin kung ano talaga tayo dahil hindi naman natin
mapapakilala ang ating sarili kung hindi natin kilala ang ating pagkatao.

You might also like