Tatay: nay lalakad na kami ni juan maghahatid muna kami ng kalakal sa palengke, maigi nang
maaga para hindi maunahan
Nanay: nakakain na ba kayo?
Tatay: hindi na baka mahuli pa kami
Nanay: oh sya sige mag iingat kayo ah
Anak: mano po nay
Nanay: ingatan kayo ni yaweh
Tatay: magandang umaga, aling myrna! Ere yung kalakal namin sariwang sariwa pa yan bagong
ani lang
Myrna: naku berto pasensya ka na, hindi na muna kami natanggap ng kalakal ngayon.
Masyadong matumal, tambak pa yung mga gulay na dinala nyo rito nung isang araw.
Tatay: ganon ba
May ari ng tindahan: pasensya na talaga, gustuhin ko mang tanggapin yan lalo lang akong
malulugi
Tatay: okay lang, myrna. Ano ba sige sige mauuna na kami salamat
Narrator: kung saan-saan pang tindahan sinubukang magbenta ni berto at ng kaniyang anak na si
juan ng kanilang kalakal. Bagamat pareparehas lamang ang mga sinasabi nila na talagang
matumal ang bentahan sa palengke. Mabigat ang loob na umuwi ang dalawa daladala ang
ipinagbibili nilang kalakal.
Nanay: o bat oarang pinagbagsakan naman ng langit at lupa yang mga muka nyo? Halina kayo’t
magmeryenda
Juan: oho nay susunod nalang ho ako
Nanay: o bat daladala nyo pa rin pag uwi yang mga gulay? Hindi ba tinanggap ni aling myrna?
Tatay: yun na nga nay sinubukan na rin naming ipagbili sa iba kahit ibaba na yung presyo kaso
wala talaga, pareparehas lang sinasabi nila kesyo matumal daw
Nanay: ganon ba
Tatay: wala rin namang magagawa. Bukas babalik ako sa palengke, susubukan kong ipagbili
muli. Sayang, ang dami pa naman
Kinabukasan, sinubukan muli ni berto na ipagbili ang kaniyang mga kalakal ngunit bigo pa rin
siya. Isang linggong pabalik balik si berto sa palengke upang piliting ipagbili ang kaniyang mga
gulay bago mabulok ngunit sa araw araw na pagpunta niya pareparehas lang ang sinasabi ng mga
tindera rito na talagang matumal daw.
Lance: magandang umaga uli, aling myrna. Tanggapin mo na tong kalakal ko oh parang awa mo
na ale kailangang kailangan lang talaga namin ng pera
Myra: nako berto, tignan mo nga yang kalakal mo halos bulok na tingin mo mabibili pa yan pag
itininda ko rito?
Lance: sige na aling myrna kahit kalahati nalang ng presyo kailangan lang talaga
Myrna: tigil tigilan mo ko berto luging lugi na nga tindahan ko gusto mo ba kong lalong malugi
Lance: aling myrna naman o, maawa ka naman sakin
Myrna: jusko sa panahon ngayon lahat tayo naghihirap! Walang awa awa! Umalis ka na nga
nakakaperwisyo ka na
Lance: (aalis sadly)
(thea nd lope nag uusap)
Lope: nga pala nay, may babayaran kami sa school na ambagan para sa cookery 70 pesos po yon
Thea: nako nak, walang wala na talaga ako ngayon. Yung huling pera ko ibinili ko na ng tuyo
pangsama sana sa gulay natin
Lope:...
Thea: hayaan mo, magtatanong ako sa tatay mo malay mo naibenta na niya yung ani natin nung
nakaraan
Lope: salamat po nay
(dadating si lance)
Thea: o berto andyan ka na pala, kumusta?
Lance: ang hirap nay, bulok na yung mga ani ko wala manlang tumanggap. Halos pamigay na
yung presyo pero wala pa rin
Thea: magpahinga ka na muna. Pagod na pagod ka na
Lance: may pagkain na ba?
Thea: oo teka kukunin ko
Thea: nga pala, pumunta rito kanina yung kapatid mo naniningil na ng renta, may pera ka pa ba
riyan?
Lance: nako walang wala na talaga ako. Pambaon nalang sana to ni juan bukas
Lope: okay lang po ako tay, may pera pa po ko rito. Idagdag nyo nalang po sa pambayad ng renta
yung babaunin ko
Lance: talaga ba nak? Nako maraming salamat talaga
Thea: babalik daw sya rito bukas. San tayo kukuha ng pandagdag
Lance: susubukan kong mangutang kay kuya carlos
Thea: diba may utang pa tayo roon nung nakaraan? Kakahiya naman
Lance: oo nga e papakiusapan ko muna, subok lang naman
Lance: kuya, kuya, kuya carlos (nakatok)
Jef: o ikaw pala yan berto, halika pasok
Jef: o ba’t napagawi ka rito? Anong sadya mo?
Lance: dederetsuhin na kita, kuya. Kailangang kailangan kasi namin ng pera. Ang hirap sa
palengke ngayon, walang nabili ng mga kalakal namin talagang napaka tumal.
Jef: ganoon ba? Nako, berto hirap din kasi ako ngayon
Lance: kahit maliit na halaga lang, kuya. Kahit pambayad nalang ng renta namin. Ibabalik ko rin
agad pagnakabawi bawi kami sa ani.
(tatawag si thea kay lance)
Teka lang kuya, natawag si berna
Thea: hello, berto?
Lance: o napatawag ka?
Thea: kagagaling lang ni ate nancy rito
(pupunta sa bahay nila thea maniningil ng renta)
Jaz: berto berto berna berna
Juan: magandang umaga ho tiya nancy mano po
Jaz: o nasan yung magagaling mong magulang
Juan: teka lang po, tatawagin ko si inay
- Nay, nay si tiya nancy hinahanap kayo
Thea: tsk tsk nako maniningil na yan paano yan wala pang inaabot na pambayad ang ama mo
Juan: pakiusapan mo muna nay, sabihin mo iaabot din bago matapos ang araw
Thea: nako sa gaspang ng ugali niyan hindi yan papayag, teka teka kakausapin ko muna
Thea: magandang umaga po
Jaz: sabihin mo nga anong maganda sa umaga kung dalawang buwan na kayong hindi
nakakabayad ng renta???
Thea: nako pasensya ka na talaga, ate wala pa kasi si berto nasa kaniya yung pambayad
Jaz: sus ganiyan nanaman dahilan ninyo tas pag binalikan wala pa rin
Thea: totoo na to, ate. Pagkauwing pagkauwi ni berto sasabihin kong dalhin nalang sa inyo
Jaz: nako siguraduhin mo lang! Hindi lang kayo ang nahihirapan! Wala na nga kaming maibili ng
bigas dahil sa hindi nyo pagbabayad
Thea: oho oho salamat po
Jaz: mauuna na ako, kapag hindi niyo pa ako nabayaran hanggang mamaya maghanap na kayo
ng bagong malilipatan
(on call with thea)
Lance: anong sabi?
Thea: maghanap na raw tayo ng bagong malilipatan kung hindi pa tayo makabayad ngayong
araw
Lance: nako tsk tsk sige sige wag kang mag alala gagawan ko ng paraan
Thea: sige sige susubukan ko rin maghanap ng magpapalaba rito
Jef: o bat napatawag? Kamusta?
Lance: yun na nga, kuya. Nagpunta raw si ate nancy kanina sa bahay. Pinapaghanap na kami ng
bagong malilipatan kung hindi kami makabayad ngayon
Jef: nako talaga lance
Lance: kahit na maliit na halaga lang
Talaga kuya, ibabalik ko rin kaagad
Jef: gustuhin man kitang pahiramin pero kakatanggal ko lang din sa trabaho, lugi na yung
kompanyang pinagtatrabahuhan ko
Lance: ganon ba kuya? Wala na rin kasi talaga akong ibang malalapitan
Jef: teka nga, titignan ko kung may tira pa sa ipon ko sana pambili ng kotse
Lance: salamat kuya, pangako ibabalik ko rin kaagad
Jef: pasensya na ha, hindi talaga ako makakapagpahiram ng malaki. Maski ako dama yung hirap
ng buhay ngayon
Lance: nako kuya ako ang dapat humingi ng pasensya, pasensya ka na talaga sadyang hindi ko
talaga alam san lalapit nakakahiya na nga’t hindi pa namin bayad yung nakaraang utang
Jef: makiusap ka muna kay nancy na baka pwedeng kahit isang buwan nalang muna bayaran mo,
papayag din yon wag ka mag alala
Lance: susubukan ko rin, kuya. Maraming salamat talaga ah. Una na ako baka mapalayas pa
kami hahaha salamat kuya
Jef: o sya sige mag iingat ka
(pagkauwi na ni lance)
Lance: nay andito na ko
Thea: o kamusta nabayaran mo ba si ate nancy?
Lance: oo nakahiram ako kay kuya carlos, nabayaran ko ng isang buwan, buti pumayag na kahit
isang buwan lang muna
Thea: maiigi at pinahiram ka ni kuya
Lance: nakakahiya nga at katatanggal nya lang daw sa trabaho dahil nalugi ang kompanyang
pinagtatrabahuhan nya
Thea: ganon ba? Nako nakakaawa naman si kuya
Lance: kaya nga, grabeng hirap ng buhay ngayon
(dadating si lope dala ang dalawang bill at bigas at pagkain)
Lope: tay, nay mano po
Lance: kaawaan ka ng diyos
Thea: kaawaan ka ng diyos, o ano yang mga dala dala mo?
Lope: ah ito po? Nakita ko lang po sa may pinto sa labas bill po ata ng kuryente at tubig
Lance: nako bayarin nanaman
Lope: ito nga po pala bigas, binili ko gamit yung perang iniupa sakin ng mga kaklase ko sa
paggagawa ng research nila
Thea: talaga ba nak? Nako maraming salamat talaga napakalaking tulong nito
Lope: salamat, nak
Thea: o ito yung kuryente 1700 tas yung tubig 459
Lance: may natitira pa namang konti sa pinahiram ni kuya pero kulang talaga e
Thea: o ito 1000 may ilang kapitbahay ang nagpalaba sakin kanina
Lance: nako berna maraming maraming salamat, ako yung ama pero kayo pa yung gumagawa ng
paraan para makaahon tayo
Thea: nako huwag mong isipin yan, pareparehas lang tayong nahihirapan kaya. Dapat lang na
nagtutulungan din tayo sa pag ahon
Juan: ayos lang yan tay, sadyang ganito ang buhay may mga pagkakataon na mahihirapan tayo.
Ano pa’t pamilya tayo na dapat magtulungan
(maghuhug ang family)
Lance: bukas na bukas maghahanap na ako ng trabaho para hindi na laging tuyo at gulay ang
ulam natin kahit construction siguro susubukan ko na
Thea: salamat, tay. Nagpapasalamat ako sa mga pagsisikap mo nitong mga nakaraang linggo
kahit na hirao na hirap ka na talagang hindi ka sumusuko, salamat tay
Lope: maraming salamat po sa inyong dalawa, naniniwala ako na darating ang araw na
mababayaran din natin lagat ng utang natin at hindi na natin muling paproblemahin ang ulam
natin sa araw araw. Magsisikap ho akong maigi para sa inyo nay, tay.
Thea: hug juan
Lance: hug juan
Thea, lance: salamat juan
Makalipas ang ilang taon, naging matagumpay na ang kanilang pamilya. Dahil sa pagtutulungan
pati na rin sa pagsisikap at pagtitiyaga ay nakamit nila ang inaasam na buhay.
Lope: nay, tay, biruin mo yon dati namomroblema lang tayo sa pambayad sa 70p na ambagan
ngayon nakakabili na tayo ng kung anuman ang gusto nating kainin
Lance: kaya nga, salamat sa Diyos na never tayo pinabayaan
Thea: salamat din sa mga kapatid mong palaging nariyan tuwing nangangailangan tayo hahaha
Jef: hahahahaha maliit na bagay
Lahat: magtatawanan