You are on page 1of 3

INTRODUCTION

Bago pa man magkaroon ng pananakop ang Espanya sa Pilipinas, meron na tayong contact sa
mga karatig bansa natin katulad ng China, Brunei, India, Japan, Vietnam, Cambodia, at Indonesia. Hindi
masyadong nagtagal ang pakikipagkalakalan natin sa kanila nang dumating ang Espanyol sa Pilipinas,
maliban na lamang sa China dahil sa tinatawag na Galleon Trade. Ang GALLEON TRADE o kilala rin bilang
Manila-Acapulco trade ay isang sistemang pangkalakalan ng Espanya sa Pilipinas sa pamamagitan ng
Acapulco sa Mexico. Ang pakikipag-kalakalan ay hindi lamang nabuo sa pagitan ng Mexico at Pilipinas,
kundi pati na rin sa mga nasasakupang bansa ng Espanya sa South America gaya ng Cuba at Peru.

Habang nasa Pilipinas ang mga Espanyol, maraming silang ipinakilalang sistema tulad ng
HACIENDA SYSTEM- layunin nito ang pagpapalakas ng kapangyarihan at yaman ng mga may-ari ng lupa
(Espanyol) sa pamamagitan ng kontrol sa produksyon at pangangasiwa ng agrikultura. INQUILINOs ang
tawag sa mga FIlipinong nagtatrabaho sa mga Kastila sa HACIENDA. Ang ENCOMIENDA SYSTEM naman-
ay pagmamay-ari at pangangasiwa sa mga lupa at mga tao na ipinatupad ng mga Espanyol. Layunin nito
ang kontrolin at pamahalaan ang mga katutubong Pilipino sa isang partikular na lugar.

Noong 1835, ibinuksan ni King Charles the Third pandaigdigang kalakalan sa bansa, maraming
mga bansa sa Europa ang nagbukas ng kanilang negosyo sa Pilipinas tulad ng Germany, Belgium, France,
at Great Britain, hindi rin nagpahuli ang bansang Japan sa pakikipag kompetensya nito sa
pakikipagkalakalan. Sa pagbubukas ng World Trade sa Pilipinas, nagpasya ang Espanya na buksan din ang
sistema ng edukasyon sa mga nasasakupan nitong bansa, kung kaya’t nagkaroon ng Education Decree of
1863 sa Pilipinas.
UNANG KABANATA: ANG PAGSILANG NG PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN

1863, dalawang taon pa lamang si Rizal matapos ipatupad ang Education Decree ni Reyna
Isabella the second, at marami na ang nag-alsa’t nagbuwis ng buhay para ipaglaban ang kalayaan mula
sa mga mapang-aping kastila sa bansa, nariyan sina Bancao, Sumuroy, Tapar, Dagohoy, Silang, hanggang
kay Hermano Pule- na lider ng Confradia de San Jose.

Si José Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda, ipinanganak noong 1961 kina Francisco
Mercado Rizal y Alejandro ng Biñan, Lguna at Teodora Alonso Realonda y Quintos ng Binondo, Manila.
Labing isang taong gulang ng unang makapag-aral ang batang Rizal sa pribadong paaralan sa Biñan,
Lguna. Ngunit tinuturuan na siya ng kanyang ina at “private tutor” sa pagsusulat, pagbibilang, at
pagbabasa bago pa man siya mag-aral.

Sa paglipas ng panahon kumuha ng kursong medisina sa Universidad de Santo Tomas ngunit


tinapos niya ito sa Universidad Central de Madrid sa Espanya noong 1884 sa edad na dalawampu't
tatlong taong gulang. Naging miyembro siya ng La Solidaridad- isang organisasyon na naglalayong
magkaroon ng malapit na relasyon ang Espanya sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging parte ng
bansang Espanya at hindi bilang isang kolonya (kung kaya’t mas kinilala si Rizal bilang isang reformista).

Sa pag-balik ni Rizal sa Pilipinas hinarangan siya ng mga guardia sibil at ng mga prayle sa bansa
dahil sa kanyang mga nailimbag na mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo. Sa kabila ng mga
pangamba para sa kanyang kaligtasan, bumalik si Rizal sa kanyang bayan noong 1887 at nagtrabaho
bilang isang ophthalmologist at pangkalahatang medisina sa loob ng halos isang taon. Ang kanyang
trabaho bilang isang ophthalmologist ang nagbigay daan upang maitago niya ang kanyang tunay na
hangarin sa mga kastila. Noong Hulyo 3, 1892 nakipagkita si Rizal sa grupo ng mga Filipino na may
hangarin para sa bansa sa Tondo, Manila. Doon, nakilala niya ang isang taong puno ng galit sa mga
kastila, si Bonifacio. Inilarawan ni Rizal si Bonifacio kay Elias sa kanyang nobelang Noli me Tangere.
Dalawang beses ikinulong si Rizal, nung nakitaan sila ng kanyang kapatid na si Lucia galing Hong
Kong ng isang babasahin laban sa mga prayle noong Hulyo 6 hanggang July 15, 1892 at Agosto 26, 1896
nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas na pinamunuan ni Andres Bonifacio, ang KKK o Kataastaasan
Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Dahil sa nangyaring rebolusyon noong Agosto 24, 1896, hinuli si Rizal habang patungo sa Cuba
sa kasong rebelyon at ikinulong noong October 6, 1896 sa Barcelona ngunit pinabalik din sa Pilipinas
upang ikulong sa Intramuros, Maynila. Doon iginuhol niya ang mga natitira niyang araw sa pagsusulat ng
mga tula at liham.

Noong, Disyempre 30, 1896 sa dakong alas siete ng umaga umalingawngaw ang putok ng baril
hudyat ng pagkamatay ni Rizal. Subalit hindi natinag ang rebolusyon na pinamumunuan ni Andres
Bonifacio, at pinagpatuloy ang mga nasimulan ni Rizal sa pamamagitan ng pagaalay ng dugo at pawis.

IKALAWANG KABANATA: SIKRETONG LIPUNAN, PARA SA INANG BAYAN

Si Andres Bonifacio,

You might also like