Paano maaring mapanatili ang pagkakasundo at magagandang samahan ng
magkakapatid?
Mapapanatili ang pagkakasundo at magandang samahan ng magkakapatid kung
nagkakaisa upang makaiwas sa away at hindi pagkakaunawaan. Kung ang magkakapatid ay mayroong ng malawak na pagkakaunawaan at pagkakaintindihan, madaling masosolusyonan ang problema.
Bakit mahalagang maging maayos ang samahan ng magkakapatid?
Mahalagang maging maayos ang samahan ng magkakapatid dahil pagkakaroon ng magandang ugnayan at maayos na samahan ay magdadala sa bawat sa komunikasyon. ito ay paraan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaintidihan. Isa rin itong paraan upang malayang maipahayag ang kanilang nararamdaman.Ang isang pamilya ay nanatiling iisa sila at buo yun ay dahil sa pag-ibig at pagmamahalan na mayroon ang bawat isa at ito ang nagiging dahilan para maging matibay ang kanilang samahan.