You are on page 1of 15

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Pangangalap ng Datos

142
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Grado 11 Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa


Pananaliksik ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Pangangalap ng Datos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at matulungang
makamit ng mag-aaral mo ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa


Pananaliksik -Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pangangalap ng Datos!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

143
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

144
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

145
Week

4
Alamin

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog


sa iyong kakayahan upang iyong matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos
ng aralin.

Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang


sariling tekstong isinulat. F11 EP IIId-36

Layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos;
B. Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng panangalap ng datos;
C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at;
D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

146
Subukin

Basahin at unawain ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
iyong malinis na sagutang papel.

1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang


indibidwal.
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan nang mga itatanong.
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na


mahalaga kaysa sa nakahandang katanungan.
A. follow-up B.observation C. open-ended D. stuructured

4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at


mobile platforms.
A. e-trail B.paper trail
C.people trail D.text-trail

5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang


ispesipikong sagot.
A. follow-up B.open-ended
C.structured D.unstructured

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at


nilalaman ng buong saliksik.

A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

147
7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran B. tuwiran C.structured D. unstructured

8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumentong pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D.text trail

9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o sipi.


A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

10. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?


A. larawan ng may-akda
B. pamagat ng aklat
C.pangalan ng may-akda
D.taon ng paglathala

11. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

12. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

13.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.

A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey C. pagtatanong D. pananaliksik

148
14.Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa
paksa ng iyong pananaliksik.

A. feature interview B.non-feature interview


C.formal interview D.structured interview

15.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam


maliban sa;

A. ipakilala ang sarili nang may paggalang


B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

149
Aralin
Pangangalap ng Datos
6

Sa iyong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang angkop na gamit ng mga cohesive


devices sa pagbuo ng pahayag. Ngayon ay inaanyayahan kitang sagutin ang maikling
pagsasanay upang matukoy natin ang iyong naging kasanayan sa nakaraang aralin.

Balikan

Piliin ang ginamit na cohesive device sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago


sa larangan ng paggawa ng pelikula.

A. bagong milenyo B. kasabay nito

C.mabilis D.sa larangan

2. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.

A. artista B. bagkus

C.nag-shooting D. rally

3. Bilang kongklusyon, marapat na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.


A. bilang kongklusyon B. pelikula
C. Pilipino D. tangkilikin

150
4. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito mahusay rin ang
pagkikritiko nila.

A. mahusay B. manonood C. pagkikritiko D. patunay nito

5. Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang


karapatan ng mga nasa industriyang ito.

A. karapatan B. maisabatas C. marahil D. uunlad

151
Tuklasin

Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:

(Bahagi ng isang panayam)

Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay


Chairman tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa
buong Distrito ng Masipag.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli
sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi
man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas
ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang
makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa po


kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa
sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating


napag-usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at


pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:

1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

152
Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung


saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang
manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari. https://kingessays.com/reaction-
paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring


isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng


ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula
sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng
iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

153
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng
impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan


nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pagkuha ng datos subukin natin


kung kaya mo ng paunlarin ang iyong kasanayan.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa sa ating naging
talakayan.

1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng


datos? Isa-isahin at ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing ang pagsasarbey ang pinakamadaling paraan sa pagkuha ng


datos? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

154
3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng
panayam?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng


pagkuha ng datos ang iyong pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam?


Ilarawan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Isaisip

Sa yugtong ito, marahil ay naunawaan mo na kung paano magkaroon ng mabisang


teksto mula sa makabuluhang pagkalap ng datos o impormasyon.

Masasagot mo na kung;

1.Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos?

_________________________________________________________________________________

2.Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people trail, paper trail
at e-trail.

_________________________________________________________________________________

155
3.Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat ng teksto?

_________________________________________________________________________________

4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos?

__________________________________________________________________________________

5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng


papel at ng elektronikong tala?

__________________________________________________________________________________

Isagawa

Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari


mo na itong subukang ilapat.

I-sarbey Mo!

1.Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal pagbubukas ng


klase sa gitna ng Covid 19.

2.Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon sa


pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring
makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit ang
telepono o cellular phone.

156

You might also like