You are on page 1of 4

Narrator: “Ang kaharian ng Kembayat”

Mga tao: (Magsisigawan, magpapanic, magkakagulo, may isang titili, mga


humihingi ng tulong. Magkasama sina Isseya tsaka Leon na tumatakbo. Si
Kendrich parang hinahabol sila ganun na parang lumilipad)
Narrator: “Ang lahat ay nagsipagtakbuhan kabilang na dito ang Sultan at Sultana
ng Kembayat.” (pupwesto na si isseya sa gitna, hinahanap si Leon)

Narrator: “Ngunit ang nagdadalantaong Sultana ay napahiwalay sa kanyang


asawa.”

Isseya: “Mahal? M-mahal nasaan ka?!” (nagpapanic at parang takot na takot).

(umupo siya kasabay ng pagready para umiri. After nun, hihingalin si isseya tapos
after huminga nang ilang beses, natakot siya ulit tapos parang nalilito kaya umalis
siya agad nang paika-ika)
Narrator: “Mayroon namang isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian na
nagngangalang Diyuhara.”

Isseya: (nakangiti habang hawak yung imaginary baby) “Ikaw ay aking


papangalanang Bidasari”

Narrator: “Kanyang inuwi at dagling pinagyaman ang sanggol. Itinuring niya


itong anak at si Bidasari ay lumaking isang napakagandang dilag.”

Narrator: “Samantalang sa kaharian ng Idrapura. Ang Sultan dito ay dalawang


taon pa lamang nakakasal sa asawang si Lila Sari, isang mapanigbuhuing
Sultana.”

Cheola: (Nakatingin sa mat ani Kendrich) “Ako ba’y mahal mo?”

Kendrich: (Hahawakan kamay ni Cheola tapos titingin sa kaniya) “Mahal na mahal


ka sa akin”
Cheola: (Naiinsecure) "Hindi mo kaya ako makalimutan kung may makita ka
nang higit na maganda sa akin?"
Kendrich: (Hinigpitan hawak sa kamay) "Kung higit na maganda pa sayo, ngunit
ikaw ang pinakamaganda sa lahat."

Narrator: “Nag-alala ang Sultana na baka mayroong higit na maganda pa sa


kanya”

(Pupunta si Leon tsaka si Cheola sa gitna. Si Leon, walang sasabihin at nakikinig


lang)

Cheola: (Nag-iinarte) “Saliksikin at hanapin mo ang babaeng higit na maganda


kaysa sa akin. Pagkatapos, iyong anyayahan siya na maging dama sa palasyo"

(Umalis na si Leon)
Cheola: “Ikaw pala’y may mas magandang wangis kaysa sa akin. Dahil diyan,
parurusahan kita!”

Hannah: “Huwag! Kunin mo na lamang ang isdang ginto sa halamanan ng aking


ama. Kung ito’y ikkuwintas mo sa araw, at ilalagay mo sa tubig sa gabi, at
patuloy mo lamang itong gagawin, ako’y tuluyan nang mamamatay!”

Cheola: “Sige, ako’y pumapayag. Makakauwi ka na.”

Narrator: “Nang isuot nga ng Sultana ang kwintas ng gintong isda sa araw nga ay
nakaburol si Bidasari at muling nabubuhay sa gabi.”
(Pupunta na si Isseya sa gitna)

Isseya: “Nag-aalala ako sa aking anak! Baka tuluyan niyang wakasan ang buhay
ni Bidasari.” (Naglalakad-lakad na parang nag-iisip tsaka nag-aalala)
“Magpapatayo na lamang ako ng palasyo sa gubat at doon ko ititira ang aking
anak”
Narrator: “Isang araw si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat doon nya nakita
ang isang magandang palasyo ngunit ito ay nakapinid. Pinilit nya itong buksan at
pinasok ang mga silid. Doon nakita niya ang isang magandang babae na
natutulog, si Bidasari.”

Kendrich: “Napakagandang babae!”

Narrator: “Ngunit ito ay hindi nya magising. Umuwi ang Sultan na hindi
nakakausap si Bidasari kung kaya't kinabukasan ay bumalik siya at naghintay
hanggang gabi. Nang gabi ngang iyon ay nabuhay si Bidasari. Dito nalaman nya
ang ginawa ng Sultana.”

Kendrich: (galit) “Hindi ko aakalain na magagawa mo iyon. Lila Sari! Alam mo ba


ang mga ginagawa mo? Nag-iisip ka ba?”

Cheola: (tinatry hawakan si kendrich pero tinatanggal lang ni kendrich yung


hawak) “H-hindi ko na alam ang gagawin ko, Mongindra! Nag-alala ako na ako’y
papalitan mo kaya ko iyon ginawa! Pakiusap, patawarin mo ako!” (lumuhod si
cheola habang tinatry pa rin hawakan si kendrich)

Kendrich: (di pa rin nagpapahawak) “Hindi, hindi kita mapapatawad dahil sa


iyong kagagawan. Mula ngayon, hindi na kita kilala at akin nang pakakasalan si
Bidasari!” (nagwalk-out)

Cheola: “Mongindra, mahal! Pakiusap, huwag mo akong iwan!”

Narrator: “Samantala, ang mga tunay na magulang ni Bidasari ay tahimik ng


naninirahan sa Kembayat. Nagkaroon pa sila uli ng supling at ito ay si Sinapati,
na kamukhang kamukha ni Bidasari.

Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita nito si Sinapati
kanya itong kinaibigan. Ibinalita nya din dito na ito ay may kamukha.”

(Cheola, Isseya, Leon, pupunta sa gitna.)

Cheola: “Ama, Ina, mayroon po ba akong nawalay na kapatid?”

Isseya: (nalungkot) “Mayroon, anak. Naiwan ko siya sa tabi ng ilog, kung saan ko
siya ipinanganak at hindi ko na siya muling nakita”

Leon: “Halika, ika’y sumama sa akin papunta sa Indrapura upang hanapin at


kitain ang iyong nawawalang kapatid”

Narrator: “Nahanap na si Bidasari at kapwa silang nagulat noong nakita na nila


ang isa’t-isa.”

Cheola: “Tama ang aking kaibigan!” (natutuwa)

Hannah: “Magkamukhang-magkamukha nga tayo…” (nakangiti)


Leon: (natutuwa’t nakangiti) “Natunton na ang nawawalang prinsesa ng
Kembayat”

Kendrich: (naaamaze) “Ang aking pinakasalan ay isa palang prinsesa!”

Narrator: “Bidasari. Ang epiko ng Bidasari ay nagmula sa Mindanao, at


nakabatay sa romansang Malay. Nakapaloob sa epikong ito ang paniniwala sa
kahalagahan ng buhay”

PUPUNTA LAHAT SA GITNA THEN BOW

You might also like