You are on page 1of 3

Name: _____________________________________________________

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK (11)
__________
Score

Panuto: Basahin mabuti ang tanong sa bawat bilang.


I. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay tama at
PALITAN naman ang nakasalungguhit na salita kung hindi.
_______1. Ang tekstong impormatibo ay tinatawag kung minsan bilang
ekspositori.
_______2. Kadalasang sinasagot ang batayang tanong na “BAKIT?” sa tekstong
impormatibo.
_______3. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ay ang magpaliwanag
sa mga mambabasa.
_______4. Mahalaga ang pagsulat ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbasa,
pagttala, pagtukoy, ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
_______5. Ayon kay Yuko Iwai, ang kakulangan sa pagtuturo ng mga tekstong
impormatibo ay nagdudulot ng pagbaba sa komprehensiyon
_______6. Ang komprehensiyon ay ang kakayahang umunawa ng mga mag-
aaral.
_______7. Mayroong limang uri ng Tekstong Impormatibo.
_______8. Paghahambing ang tekstong impomatibo kung uto ay nagpapakita ng
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.
_______9. Tinatawag na pagkaklasipika ay tekstong impormatibo kung ito ay
naghahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t-ibang kategorya o grupo
upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay.
_______10. Ang tekstong deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang
bagay, tao,lugar, karanasan, sitwasyon.
_______11. Nagpapaunlad sa kakayahan ng manunulat na bumuo at maglarawan
ng isang partikular na karanasan ang tekstong persuweysib.
_______12. Nagbibigay ang sulating deskriptibo ng pagkakataon na mailabas ng
manunulat ang masining na pagpapahayag.
_______13. Layunin ng sining ng deskripsiyon na magpinta ng matingkad at
detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga manunulat.
_______14. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing
impresyon na nililikha sa mga mambabasa.
_______15. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo.
_______16. Tinatawag na subhetibong paglalarawan ay mga direktang
pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian.
_______17. Tinatawag na obhetibong deskripsyon naman ay maaaring
kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na
persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.
_______18. Ang tekstong persuweysib ay mahalagang maging espesipiko at
maglaman ng mga kongkretong detalye.
_______19. Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari
na maaaring piksiyon.
_______20. Isa sa mga halimbawa ng piksyon ay nobela.
_______21. Isa sa mahahalagang element sa pagbuo ng mahusay na narasyon ay
ang paksa.
_______22. Sa oryentasyon nakapaloob ang kaligiran ng mga tauhan, lunan, o
setting, at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento.
_______23. Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon ng kabuuang senaryo
sa unang bahagi ng kuwento upang maipakita ang setting at mood.
_______24. Diyalogo ang tawag sa paggamit ng pag-uusap ng mga tauhan upang
isalaysay ang pangyayari.
_______25. Diverse chronology ang tawag kung ito ay nagsisimula sad ulo
patungong simula.
_______26. Resolusyon ang tawag sa kahahantungan ng komplikasyon o
tunggalian.
II. SANAYSAY
27-34. Ano ang pinakalayunin ng tekstong persuweysib at sa paanong paraan
inilalahad ang mga impormasyon?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
PAMANTAYAN ISKOR
Napakamahusay na nailalahad ang 8 PUNTOS
pinakalayunin ng tekstong
persuweysib at paraan sa pagsulat
nito
Mahusay na nailalahad ang 6 PUNTOS
pinakalayunin ng tekstong
persuweysib at paraan sa pagsulat
nito
Sinubukan na ilalahad ang 3 PUNTOS
pinakalayunin ng tekstong
persuweysib at paraan sa pagsulat
nito
Walang naisulat 0 PUNTOS
35-42. Sumulat ng isang proposisyon na pahayag na inilalahad upang pagtalunan o
pag-usapan.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
PAMANTAYAN ISKOR
Napakamahusay na naisulat ang 8 PUNTOS
proposisyon na pahayag
Mahusay na naisulat ang 6 PUNTOS
proposisyon na pahayag
Sinubukan na naisulat ang 3 PUNTOS
proposisyon na pahayag
Walang naisulat 0 PUNTOS
43-50. Sumulat ng isang tekstong prosidyural o simpleng prosidyur o hakbang kung
paano isasagawa ang PAGBABALOT NG REGALO.

PAMANTAYAN ISKOR
Napakamahusay na naisulat ang 8 PUNTOS
prosidyur o hakbang
Mahusay na naisulat ang prosidyur 6 PUNTOS
o hakbang
Sinubukang isulat ang prosidyur o 3 PUNTOS
hakbang
Walang naisulat 0 PUNTOS

“Hiraya Manawari!”

Inihanda ni: Bb. Glennamor Camacho

You might also like