You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Petsa: ________________________________________________________ Kabuuan 15
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil


sa Piling Larangan
Paksa: Katuturan, Kalikasan at Kahalagahan ng Pagsulat Uri ng Gawain: Concept Notes
Layunin: Gawain Bilang: 1
- Nabibigyan ng Pag-papakahulugan ang akademikong pagsulat
- Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
- Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian
ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko

Panimula
Ang pagsulat ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya’t kaisipan sa kapwa. Ito ay isang
komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat o inuukit sa papel. Ayon kay Arapoff
(1975), ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili at
pag-oorganisa ng mga karanasan. Ang pagsulat ay lundayan ng lahat ng iniisip, nadarama, nilalayon at
pinapangarap ng tao (Villafuerte, et.al, 2005).

Ang Kalikasan ng Pagsulat


 Pagpopokus - Pag-iisip ng isang paksa at pagkalap ng mga impormasyon hinggil sa napiling
paksa.
 Pag-iistruktura - Pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito
ng mambabasa.
 Paggawa ng burador / draft – Isinusulat ito ng tuloy-tuloy at hindi kinakailangan matakot na
magbura o magkamali. Dito isinasagawa ang patatama sa mga mali, pagdaragdag
sa kulang o naiwang kaisipan at pagbabawas sa labis na naisulat.
 Muling Pagtingin - Ginagawa upang matiyak kung tama ba ang isinulat.
 Pagtataya / Ebalwasyon – Feedback o puna na makatutulong upang isaayos ang sulatin

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat


Paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat na kinapapalooban ng sosyal at mental na aktibidad ng
isang nagsusulat.

Royo (2001). Ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Naipararating na kanyang
mithiin, layunin at pangarap kung kaya’t higit na nakikilala ang sarili.
Smith (1976). Ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon.
Arapoff (1975). Ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng
mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan.

Apat na Pangunahing Punto sa Proseso ng Pagsulat


1. Ang Karanasan ang humuhubog sa pagsulat.
2. Hindi sumusunod sa iisang daan – hindi makasusunod nang maayos sa mga hakbang sa proseso
ng pagsulat.
3. Ang anumang gawain ay naghahatid ng naiibang hamon.
- Marami pang pangongolekta ng datos at pag-aanalisa bago makasulat.
4. Nagkakaiba-iba ang paraan ng bawat manunulat.
- Ang istilo ng pagsulat ay patuloy na umuunlad habang lumalawak ang karanasan.
Kahalagahan ng Pagsulat

1. Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng


obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa
paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap
ng materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng pag-aaral at
akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t-ibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsulat.

Gawain Bilang 1
Panuto: Gamit ang graphic organizer na nasa ibaba, ibigay ang ang mga salita na maaaring
maiuugnay sa salitang PAGSULAT, pagkatapos buoin ang mga salita at gumawa ng sariling
pangungusap upang makabuo ng sariling pagpapakulugan sa ginamit na salita.

P
A G
SU L
AT _
__ _
__ _
__ _
Pagsulat
__ _
__ _
__ _
__ _
__ _
__ _
__ _
__ _
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________

Gawain Bilang 2
Panuto: Ipaliwanag ang pahayag ni Bernales ayon sa pagpapakahulugan ng pagsulat

Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o anumang kasangkapang maaring maggamit na


mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag anyang/kanilang kasipinan (Bernales, et.al.,2001)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain Bilang 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung alin sa Kalikasan sa Pagsulat ang tinutukoy.
Piliin sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A.Pag-iistruktura B. Pagpopokus C. Pagtataya/ Ebalwasyon


D.Muling pagtingin E. Pagawa ng burador/draft F.Pagsulat

____1. Iniwasto at nilagyan ng feedback ni G. Santos ang mga sulating ipinasa ng kaniyang mga mag-
aaral.
____2. Tiniyak ni Cardo ang ginawang sulatin kung tama o mali ang kanyang isinulat.
____3. Tuloy-tuloy na nagsulat si Isay ng iba’t ibang ideya sa kanyang sulatin ng hindi inaalala ang
magkamali sa isinusulat.
____4. Isinaayos ni Ken ang teksto upang mailahad ng maayos ang ideya sa paraang katanggap-tanggap
sa mambabasa.
____5. Si Gelo ay bumuo ng isang paksa at matiyaga siyang nangalap ng impormasyon hinggil sa
paksang kaniyang nabuo.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ibigay ang kahulugan ng pagsulat ayon sa sariling pagkaunawa.
2. Gumawa ng mind-mapping sa salitang pagsulat.
3. Bakit nasasabing higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsulat?
4. Ipaliwanag: “Ang pagsulat ay tao-sa-taong komunikasyon”
5. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagsulat sa iyong napiling larangan?

You might also like