You are on page 1of 1

Kababaihan Noon,

Ang Kababaihan noon ay itinuturing pangalawa sa mga Kalalakihan. Sila ay


walang karapatang gumawa ng malalaking desisyon sa bahay o pamilya sapagkat
lalaki palagi ang namumuno. Ang responsibilidad ng kababaihan noon ay ang
magka-anak, mag-alaga ng bata,at mag-ayos ng bahay. Di rin pinapayagan na mag-
trabaho o mag-aral ng edukasyon ang mga babae dahil hindi nila ito magagamit at
ang ganitong bagay ay para lamang sa mga kalalakihan. Kaya naman, walang
sariling pag-mamay-ari ang mga kababaihan noon, sapagkat ang pera, ari-arian,
pati na rin ang mga anak nila lahat ay naka-pangalan sa kanilang asawa. Hindi sila
tinatrato ng maayos at laging minamaliit ang kakayahan at katalinuhan. AT
panghuli, ang karapatan nila ay hindi maipaglaban sapagkat walang silang
kapangyarihan at walang makikinig sa kanila.
Kababaihan Ngayon,
Maganda ang epekto ng ebolusyon sa mga Kababaihan ngayon sapagkat marami
ang nabago at nawala sa mga dating kaugalian. Tayong mga kababaihan ay
nabigyan ng sarili nating karapatan sa batas, karapatang mag-aral, karapatang mag-
trabaho, karapatang mamuno, karapatang magsabi ng mga opinion at karapatang
gumawa ng mga desisyon. Nakakatuwang isipin na kaya na natin ngayon
ipaglaban ang ating mga sarili at kaya natin bigyan natin ng hustisya ang kapawa
natin babae. Sa panahon ngayon, pinatunayan na ang babae ay hindi mas mababa
kesa sa mga lalaki ngunit bilang mga kapantay nito o mas higit pa.

You might also like