Sa panahon natin ngayun maraming tao ay nakakaranas Ng mental illness kaya
Ang paraan Ng iBang tao upang mapagaan at mabawasan Ang nararamdaman ay pagtatangkang gamitin ang sarili sa pamamagitan Ng paninigarilyo,pag-inom Ng alak at, pagtake Ng marijuana.ang gateway drugs ay anumang legal na gamot na may katamtamang epekto sa mga gumagamit into gaya Ng caffeine,nikotina at alcohol. Ang paggamit Ng nito ay naging daan sa pagkalulong o paggamit Ng ipinagbabawal na gamot gaya Ng cocaine o heroine.inihahanda Ng gateway drugs Ang ating utak upang gumagamit pa Ng mas malakas na klase Ng droga.
ANO ANO ANG HALIMBAWA NG NAKAKAADIK NA MGA GAMOT/DROGA
Maraming uri Ng nakakaadik na gamot/droga naririto Ang Ilan sa mga halimbawa nito: KAPENA(CAFFEINE)- Ay isang karaniwang substansya na kadalasang sangkap na matatagpuan sa maraming inumin gaya Ng kape, tsaa, soft drinks o soda at ilan pang mga produkto na kung tawagin ay stimulants. NIKOTINA(NICOTINE)- Ay Isang alkaloid na matatagpuan sa night shade plants particular sa tabacco plant na tinatawag ding nicotiania. Matatagpuan Ang nikotina sa produktong sigarilyo at tabacco. ALKOHOL(ALCOHOL)-Ang alcohol ay may iba't iBang mga porma at maaring magamit bilang panlinis o Isang antiseptiko o di kaya'y gamot na pampakalma. MARIJUANA (CANNABIS)-Ginagamit bilang sikoaktibo at gamot o medisina.
BAKIT MARAMI PARING GUMAGAMIT NG GATEWAY DRUGS?
Ginagamit ito Ng ilang tao upang gawing lunas sa nadarama na kalungkutan. Ang iba namn ay dahil tingin rito ay Hindi nakakapinsala sa katawan. Ang ideyang ito ay napapakatotohanan na ang mga sangkap na ito ay legal bilhin at gamitin sa ibang bansa. Ang iba namng kabataan ng dahil sa koryusidad ay sinusubukan ito at di na nila mapigolan Ang paggamit rito.
MASAMANG EPEKTO NG GATEWAY DRUGS
Ang gateway drugs ay mga droga o mga bagay na nagdudulot ng adiksyon. Maliban sa dulot na adiksyon, Ang gateway drugs din ang siyang nag-tutulak sa mga gumagamit nito na tumikim at kalaunan ay maadik sa mga drogang itinuturing na illegal. Naririto ng iilan sa mga masamang epekto Ng gateway drugs sa isang tao: Nag-reresulta sa Hindi malinaw na pagsasalita at kawalan ng kakayahang kumilos nang mabilis. Nakababawas sa kakayahang ng taong mag isip nang makatwiran at sinisira ang kanyang pagpapasya. Mabilis na pagtibok ng puso, pagkatuliro, kadalasang sinusundan ng matinding kalungkutan. Nakararanas Ng mga panic attack o pagkabalida. May problema sa pag tulog o pagkakaroon ng insomia. Walang ganang kumain. Di mapaliwanag na pagbabago Ng paguugali at personalidad. Biglang pagbabago sa mga kaibigan, paboritong tambayan, at libangan. Nagbabago Ang performance na ginagawa sa trabaho o kahit sa eskwelahan. Napapasok sa isang gulo kahit di naman ito nakikipag-away noon. Maikling pasensya. At marami pang iba.
MGA PARAAN UPANG MAPANATILI NA HINDI GUMAMIT NG. GATEWAY DRUGS
1.KAILANGAN MATUTUNAN ANG SMART GOALS- sa pagtatakda ng mga layunin lagi mating tandaan ang salitang SMART na Ang ibig sabihin ay: TIYAK(SPECIFIC)-Magtakda Ng layunin na kaya mong makamit. MASUSUKAT(MEASURABLE)- Layunin na iyong masusukat at mapapa-unlad mo. MAKAKAMIT(ACHIEVABLE)- Siguraduhin na Ang layunin mo ay iyong makakamit. Huwag gagawa Ng layunin na kung alam mong d ko kaya. MAKAKATOTOHANAN(REALISTIC)- pokus sa layunin na iyong gustong Gawin huwag mag isip ng matayog o di makakatotohanan. NAPAPANAHON(TIMELY)- Dapat alam mo kung kailan mo gusto matapos Ang iyong layunin na ginagawa. 2.GUMAWA NG MGA BAGAY NA PWEDENG MABALINGAN MO NG PANAHON- KAILANGAN MO NA ITATAK SA ISIP MO NA IHINTO ANG MASASAMANG BISYO AT ABALAHIN NA LANG ANG SARILI SA PAMAMAGITAN NG PAG-EHERSISYO,PAG-TATRABAHO AT PAG-AARAL. 3.MAGPAPAWIS/MAG-EHERSISYO-Mag-ehersisyo kahit 30 minute lang upang mabawasan Ang anxiety at depreston at mas mapahimbing Ang iyong tulog at mood. Ang pag-ehersisyo ay maraming benepisyo. 4. PUTULIN ANG UGNAYAN NA MALING RELASYON- Maging tapat sa maling pakikipag- kaibigan o relasyon sabihin mo na respetohin ang malusog na pamumuhay at lumalayo ka na sa mga nakakasama sa katawan. 5. GAMITIN ANG SUPPORT SYSTEM- Kapag pinanghihinaan kana Ng loon o kaya kailangan mo Ng makakapitan at magpapalakas Ng iyong loon nariyan ang iyong mga pamilya, kaibigan, at iba pang sumusuporta sayu patungo sa pagbabago.