You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa MAPEH VI

I. Mga Layunin
Sa loob ng 60 minutong talakayan ang mga mag – aaral ay inaasahang:

A. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot


B. Nasasabi ang mga epekto ng pag – abuso sa mga ipinagbabawal na gamut

II. Paksang Aralin

Paksa: Iba’t ibang uri ng ipinagbabawal na gamot


Sanggunian: MAPEH VI pp. 370 - 372
Mga kagamitan: Powerpoint Presentation

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak
Magpapanood ng video na may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga

2. Paglalahad ng Paksa
Ano ang nasaksihan niyo sa inyong napanood?
Ano ang mga dahilan kung bakit nangyari ito?

3. Pagtalakay ng Paksa

Ipinagbabawal na gamot
Tumutukoy sa anumang sangkap na nakapagbabago ng kaisipan at katawan ng tao
subalit nakakapinsala kapag naabuso

Stimulants
Ay mga droga na nagpapabilis ng sistema ng nervous system at napapalakas ito ng
loob
Halimbawa: Shabu, Cocaine
Masamang Epekto: Pagkairita, Nanginginig na katawan at Pagtaas ng heart rate at
blood pressure na maaring maging sanhi ng atake sa puso

Depressants
O downers ay mga droga na ginagamit pampatulog o pampakalma. Ito ay
kabaligtaran ng stimulants.
Halimbawa: Alcohol
Masamang Epekto: Pagkairita, Kahirapan sa pag – alala, kawalan ng tiwala sa ibang
tao at pagbagal sa paghinga at tibok ng puso na maaring maghing sanhi ng kamatayan

Hallucinogens
O psychedelic drugs ay mga droga na nakakaapekto sa emosyon, pag iisip at
damdamin.
Halimbawa: Marijuana
Masamang Epekto: Sobrang pagsakit ng ulo o pagkahilo, depresyon at pag – iisip ng
pagkakamatay

4. Paglalahat

Ano ang mga iba’t ibang uri ng illegal na droga?


Ano ang mga masasamang epekto nito?

IV. Pagtataya

Magpapakita ng larawan. Tukuyin kung ito ay Tama o Maling pamamaraan sa


pag – iwas o pagsugpo sa ilegal na droga.

V. Takdang Aralin

Magbigay ng limang paraan upang maiwasan ang pag – abuso sa mga ilegal na droga.

You might also like