You are on page 1of 10

“San Mateo Rizal Earthquake“

I. ALARM PHASE

Tumigil ang lahat ng yumanig ang lupa. Ang mga tao sa loob ng mga gusali ay
sabay sabay na nag si-tago sa ilalim ng mga matitibay na mesa. Napatigil ang mga
sasakyan nang halos tila umaalon ang mga kalsada habang nagbabagsakan ang
mga puno, poste ng kuryente at mga kawad nito sa daan.

Ang Bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal ay isa sa mga pinaka lubos na
naapektuhan sa pag galaw ng West Valley Fault Line. Inaasahang aabot sa Lakas
na 7.2 Magnitude at mag tatala ng intensity 8 ang naturang Lindol. Kaya naman
ang mga daanan at tulay na nagdurugtong sa mga kalapit siyudad ay di na
inaasahang magagamit sa pag hahatid ng ano mang tulong mula Gobyerno.

II. EVACUATION PHASE

Nagsimula ang paglikas ng mga tao papunta sa kainikanilang evacuation area nang
huminto ang pag galaw ng lupa. Mabilis at singkrunisado ang bawat kilos ng mga
tao. Dala-dala ang mga Go Bags habang suot ang hardhats pangprotekta sa mga
pusibleng bumagsak sa kanilang ulo.

Sa Barangay Sta. Ana, kung saan pinaka malapit ang West Valley Fault Line, ang
mga tao ay mabibilis na nagsilikas patungo sa naka designang Evacuation Center.
Dito nila isasagawa ang pagbibilang ng lahat upang malaman kung may nawawala
na posibleng naiwan sa mga gumuhong gusali.

III. ICS ACTIVATION

Sa ganito kalakas na lindol, Batid ng pamahalaang Bayan ng San Mateo na marami


ang masasaktan at posibling masawi. Kaya naman bilang tugon, ka agad na ia
aktiba ang INCIDENT COMMAND SYSTEM.

Ang Mayor, na siyang tumatayong Responsible Official (RO), ay magtatalaga ng


Incident Commander na tututok sa mga inaasahang problema. Kritikal din ang
agarang pag e establish ng Alternate Emergency Operation Center (EOC) na
magiging daan upang magkaroon ng tamang coordinasyon ang buong
munisipalidad at sa iba pa.

R.O: “Mr. _______________, bilang inyong Responsible Official, itinatalaga kita


bilang Incident Commander. Isagawa mo, kasama ng iyong Incident
Management Team, ang lahat ng nararapat upang Mailigtas ang mga taong
posibleng na trap at nangangailangan ng tulong medikal, laong lalo na ang
mga may Kapansanan, matatanda, kababaihan at mga bata. Tukuyin ang
kabuoang epekto ng Lindol. Mag sagawa ng clearing operations sa ating
daan nang sa ganon ay mas madali nating marating ang mga apektabong
lugar. “

INCIDENT COMMANDER:: “Opo, masusunod po. “

Kasabay nito’y magtatayo rin naman ng kanikanilang mga Temporary Incident


command post ang bawat barangay upang tutukan ang mga maaaring problema
sa kanilang mga nasasakupan.

IV. RDANA

Upang alamin ang natamong pinsala, halos sabay ang pag papasagawa ng Rapid
Damage Assessment and Needs Analysis ng Munisipyo at ng Barangay Sta. Ana.
Batid ng bawat pamunuan ang pupwedeng resulta ng ganoong kalakas na lindol.

INCIDENT COMMANDER: “Mr. __________, ikaw ang mamahala ng RDANA


Team. Gamitin nyo ang Rescue Motorcycle Unit upang alamin ang kabuoang na
pinsala ng munisipalidad mula lindol. “

RDANA Team Leader: “Opo, Ngayon din po.“

V. Check in procedure

Magdaratingan naman ang iba pang mga sasakyang pang rescue. Isasagawa ang
Check in procedure at mananatili ang mga ito sa staging area hanggang sa sila ay
mai deployment.

INCIDENT COMMANDER: “Mr. __________, ikaw ang tatayong Staging Area


Manager. Siguraduhin natin na handa ang lahat ng responders pati na ang
kanikanilang mga kagamitang pang rescue bago ang operation period. “

S.A.M: “Yes, sir. Alam ko na po ang mga gagawin. “

Mahalagang matipon ang lahat ng mga sasakyan, mabilang ang mga grupong pang
Search and Rescue pati na ang kanilang kapabilidad at mga kagamitang pang
rescue nang sa ganun ay mas organisado ang pag responde sa kahit ano mang
insidente.

VI. CLEARING OPERATION

Samantala, sa Plaza Natividad, San Mateo, Habang itinatayo ang mga tents na
gagamitin, mag oorganisa ang incident commander ng Clearing Team na
magsasagawa naman ng clearing operation upang alisin ang mga nagkalat na
guho, mga poste at punong tumumba na humaharang sa kalsada.
INCIDENT COMMANDER:: “Mr. __________, tipunin ang mga kagamitan
para sa clearing operation. Sabihin mo sa iyong Clearing Team na gamitin ang mga
sasakyan para tanggalin ang lahat ng nakakasagabal sa daanan. “

CLEARING TEAM LEADER: “Opo sir, gagawin po namin. “

Gamit ang mga truck at iba pang heavy equipments, hahakutin ng mga ito ang
mga nakahambalang na debris sa daan.

Sa pamamagitan naman ng mga Chainsaw, puputol putulin sa maliliit na parte ang


mga punong humiga upang mas madali itong mailipat ng lugar.

VII. EVACUATION CAMP

Sa evacuation center sa lugar ng sitio Barandal, kaagad din naman itinatayo ang
mga temporary shelters. Sa mga tents pansamantalang mananatili ang mga
evacuees habang di pa nagbibigay ng hudyat ang pamahalaang local at dahil sa
takot na rin magkaroon ng aftershocks.

VIII. FIRE SCENARIO AT NSDA PAROCHIAL SCHOOL

Nagulat naman ang lahat sa biglaang pag labas ng makapal usok mula sa bintana
ng Nuestra Seniora De Aranzazu Parochial School sa di kalayuan. Mga tumapong
kemikal mula sa science laboratory na nasa ikalawang palapag ang pinag mulan ng
sunog. Sa bintana ng ikatlong palapag iwinawagayway ng dalawang taong na trap
ang mga makikintab na tela upang madali silang Makita at mapansin.

Kaya naman ang Incident commander ay agad na magsasabi sa Operation Section


Chief na magpadala ng Fire Suppression Team upang maapula ang sunog at isang
medical team para naman sa mga posibleng sugatan.

INCIDENT COMMANDER: “Mr. __________, Operation Section Chief,


sabihin sa stagin area na kailangan natin ng Fire Suppression Team para patayin
ang sunog sa Nuestra Seniora De Aranzazu Parochial School. Ipasunod mo na rin
ang isang medical team sakay ng ambulansya. “

OPERATION SECTION CHIEF: “Copy po, sir. “

Kadalasan sa mga insidente ng lindol, kakabit parati ang sunog. Kalimitan dahil sa
mga naputol na kawad ng koryente, mga naiwang niluluto o di kaya naman’y mga
kemikal na madaling magliyab.

Magtutungo ang dalawang fire trucks kasama ang isang rescue ambulance upang
respondihan ang sunog. Batid ng lahat na lubhang mapanganib ang sitwasyon ng
dalawang taong nasa ikatlong palapag sapagkat ano mang oras ay maaaring
gumuho ang gusali o ma suffocate ang dalawa.
Habang binobomba ng tubig mula sa gilid ng gusali, ang mga firefighters naman
ng BFP San Mateo ay susubukang pasukin ang gusali sa pagnanais na mailigtas ang
mga na trap na biktima. Kahit delikado, kita sa mga kilos at galaw ang husay ng
mga firemen.

Maagap nilang maapula ang pag kalat ng sunog at sa huli isa isang makikita ang
pag labas ng mga firemen bitbit ang mga biktima. Buhay at kakaunti lamang ang
natamong pinsala sa katawan.

Agad naman silang isasakay sa ambulansya upang madala sa treatment area I


kung saan sila bibigyan ng pangunang lunas.

IX. (AFTER SHOCK FOR 30 SECONDS SIREN)

Ang lahat ay mapapatigil sa kanilang ginagawa at mag da drop, cover and hold.

Karaniwan ang mga aftershocks matapos ang isang malakas na lindol. Sakaling
abutan nito sa daan, lumayo sa mga bagay maaaring bumagsag.

X. VEHICULAR FIRE AND EXTRICATION

Sa Zamora St. malapit sa harapan ng simbahan, isang sasakyan ang mapapaulat na


nabagsakan ng bumuwal na punong kahoy na resulta ng aftershock. Mayroon
itong sakay na isang lalaking na trap sa kanyang Driver seat. Isang Concerned
Citizen ang hahangos sa Incident Command Post upang i report ang insidente.

Concerned Citizen:“Sir, Meron pong kotse na nabagsakan ng poste at puno doon


sa Zamora St. meron pong lalaki sa loob pero hindi po siya makagalaw. Umuusok
din po yung makina ng sasakyan kaya di namin sya matulungan. “

INCIDENT COMMANDER: “Salamat sa pag re report mo dito sa amin.


Magpapapunta na kaagad ako ng tulong. “

(haharap sa Operation Section Chief)

“Sir, Meron tayong reported na vehicular fire dito sa Zamora St. Merong
isang trapped victim kaya magpadala ka ng Extrication team. Pero kakailanganin
din natin ng Fire suppression team dahil umuusok ang makina ng sasakyan. “

OPERATION SECTION CHIEF: “Sige po, sir. “

Dali dali naman magtutungo sa pinangyarihan ang mga responders. Suot ang
kanikanilang mga personal protective equipment, bubugahan muna ng tubig ang
umuusok na Makina dahil sa posibilidad na baka ito ay sumabog.
Kung abutan ng lindol habang nagmamaneho, itigil muna ang sasakyan sa gilid ng
kalsada. Huwag lalapit sa mga matataas na puno at posteng maaaring bumagsak.
Makabubuti rin na huwag subukang dumaan sa mga tulay at flyover.

Matapos masiguradong wala nang tyansang magliyab, dadako na ang rescue team
at isasagawa ang extrication. Kalkulado ang mga kilos gamit ang mga espesyal na
kagamitang pang rescue. Tinitiyak nila na hindi madagdagan ang pinsalang
natamo ng pasyente kaya naman doble ingat ang ginagawa nila.

XI. Report of Barangay Sta. Ana

Samantala, ang Barangay Sta. Ana ay maririnig na ko kontak sa radio.

(Radio Communication)

Sta. Ana Temporary Incident Command Post (ICP): “San Mateo Municipal
EOC, this is Barangay Sta. Ana ICP, over. “

San Mateo Alternate Emergency Operation Center (EOC): “this is San Mateo
EOC, Go Ahead. “

Sta. Ana Temporary ICP: “irereport po naming ang kasalukuyang status ng


Barangay. Sa kasalukuyan po, meron kaming 5,000
evacuees (3500 po sa kanila ay babae at 1500 naman po
ay lalaki). Di po bababa sa dalawang libo katao ang nasa
Barandal Evacuation Center. Nangangailangan po sila ng
pagkain, tubig at mga damit. Kakailanganin din po sana
naming ng karagdagang manpower para po sa pagtatayo
ng camp management. Gayun din po naman, mga gamut
para sa mga sugatan at mga nangangailangan ng
serbisyong medical. Marami pa pong nawawala at di pa
nakikita. May ilang katao din po ang natrap sa kanilang
mga gumuhong bahay. Kailangan po naming ng
karagdagang mga rescuers para po sagipin sila. “

San Mateo Alternate EOC: “Copy sir, noted po ang lahat. Mag papadala po
kami kaagad ng mga tulong na kinakailangan. Over. “

Sta. Ana Temporary ICP: “Maraming salamat po. Over and out. “

XII. DEPLOYMENT OF SECONDARY FACILITY

Dahil sa natangap na report ng alternate EOC, ang IC kasama ng Planning Section


Chief at iba pang kasapi ng IMT ng San Mateo, ay paplanuhing mabuti ang
isasagawang rescue operation sa Sitio Barandal.
Magpapadala rin naman agad ng Secondary Facilities ang IC. Pupunta ang Camp
Management Team na maghahatid ng mga relief goods, pagkain, tubig, damit at
iba pang pangangailangan. Magtatayo rin ng Karagdagang Treatment area at iba
pang pasilidad para sa mga apektadong pamilya.

INCIDENT COMMANDER: “ (Kausap ang O.S.C.) ipadala lahat ng


pangangailangan ng Barangay Sta. na meron tayo. Siguraduhin na
magkakarating ang tulong ng munisipyo sa kanila. I-Deploy din ang Water
Filtration Truck para mag karoon ng malinis na tubig sa evacuation center
ng Barandal. Magtayo rin ng treatment area II para sa mga sugatan. “

Matapos mong gawin iyon, dalhin mo dito ang mga team leader ng ating
mga Rescuers.

OPERATION SECTION CHIEF: “Ngayon din po, sir. “

Habang nangyayari ang mga ito, ginagawa naman ng planning section chief ang
Incident action Plan para sa organisadong pag rescue sa mga taong natrap sa mga
gumuhong gusali.

Mauuna naman sa Barandal Evacuation Center ang Security Team, kasama ang
Medical team upang magtayo ng karagdagang treatment area, Camp
Management Team na pangungunahan ng Municipal Social Welfare and
Development office dala ang mga relief goods at Kasama ring idi deploy ang
Water Filtration Truck upang masuplayan ng malinis na tubig ang mga evacuees.

XIII. Operational Period Briefing

Matapos ma Deploy ang ibang mga kasamahan, dadako naman ang mga rescue
teams sa ICP upang pakinggan ang operational period briefing.

PLANNING SECTION CHIEF: “Nandito na ba ang lahat? Bago natin umpisahan


ang operational period briefing kung maaari ang pakihinaan
ang mga Radyo nang sag anon ay marinig natin mabuti ang
mga sasabihin ng ating Incident management team. Kung
handa na kayo nandito na ang ating Operation section team,
Mr. ___________.“

OPERATION SECTION CHIEF: “Magandang araw. Ipapaalam ko lang sa inyo ang


kasalukuyang lagay ng sitio Barandal kung saan isasagawa natin ang
Search and Rescue Operation. Dahil sa epekto ng 7.2 Magnitude na
Lindol ang inisyal na report ay aabot sa tatlong daang pamilya o
aabot sa 2 libo katao ang malubhang naapektuhan sa area ng
Barandal lamang kung saan malapit ang west valley fault line. Ayon
din sa report, sampu ang pinaniniwalaang na trap sa loob ng mga
gumuhong bahay pero asahan natin na marami pa ang nawawala.
Nandun na sa lugar treatment area II kasama ang medical team kaya
lahat ng mare rescue nating sugatan ay doon natin muna dadalhin
para mabigyan ng first aid. Kunin lahat ng mga kakailanganin para sa
collapse structure search and rescue at maki pag communicate palagi
sa inyong mga team leaders. Yun muna sa ngayon. Salamat. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Okay, tignan ninyo ang incident action plan,
makikita ninyo ang inyong mga assignments at designations.
Nandiyan ang inyo mga magkakasamang teams at kung saan
ang inyong area of responsibility. Sa next page makikita nyo
ang weather update. Inaasahang magiging mainit maghapon
kaya uminom kayo ng maraming tubig bago ang operation.
Para banggitin ang mga magkakasamang team nandito ulit ang
O.S.C. “

OPERATION SECTION CHIEF: “Bubuoin ng dalawang team an gating operation.


Sa bawat team may 12 miyembro. Dalawa kanila ay pulis, 10
rescuers. Sa Team Alpha ang magkakasama ay sina: ____, ____, ____,
____, ____, ____, ____, ____, ____, ____, ____, ____, ang inyong
team leader ay si ____. Sa Team Bravo naman magsama sama sina:
____, ____, ____, ____, ____, ____, ang inyong team leader ay si
____.“

PLANNING SECTION CHIEF: “Para nanaman sa kaligtasan may paalala ang


ating Safety Officer. “

SAFETY OFFICER: “Nakalagay sa Incident action plan ang aking mga safety
recommendations, pakibasa nalang. Basta siguraduhing suot palagi
ang Propper PPE,asahan din ang mga aftershocks. Kung
maramdamang yumanig ang lupa mag duck cover and hold at piliting
makalabas agad ng gusali. Kung magkakaron ng aksidente makipag
ugyan kaagad sa team leader. Panatilihin natin ang kaligtasan ng
lahat. Salamat. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Para naman ipaliwanag ang form 205 at 206 and
communication and medical plan nandito ang ating Logistic section
chief para i highlights ang mga importanteng bagay. “

LOGISTIC SECTION CHIEF: “paki check ninyo lahat ng frequency ng inyong


mga hand held radios, siguraduhin na tama ang mga ito.
Gamitin lamang ang radio sa tamang oras upang di
makasagabal sa mga importanteng mensahe. Sa medical plan
naman meron tayong itinayong treatment area II. Nandun ang
ating Medical team kung may ma rescue kayo na kailangan ng
medical service. Bago kayo tumulak sa operation siguraduhing
nakakain na kayo, ang pag kain ay idi deliver sa inyo bawat
team. Kung kailangan ng gasulina makukuha ninyo ang supply
dito sa incident command post kasama ng iba pang supply. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Nandito naman ang Finance Section Chief upang
mag bigay ng konting paalala.“

FINANCE SECTION CHIEF: “Pakihanda lang po ang lahat ng mga papeles


lalong lalo na ang mga resibo sa lahat ng mga magagamit
ninyo. Nakahanda naman ang Purchase Order or P.O. ng
Gasulina. Makipag ugnayan kayo sa akin kung may iba pa
kayong kakailanganin. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Susunod naman pong magsasalita ang ating Public
Information Officer. “

PUBLIC INFORMATION OFFICER: “Siguradong Maraming Media at mga taong


gustong maka kuha ng impormasyon ang
magpupuntahan. Pakisabi nalang sa kanila na
magkakaroon ng opisyal na Media Briefing mamaya dito
sa Media Briefing Area. Makikita nyo sa inyong IAP ang
mga listahan ng contact person at kung kailang
gaganapin ang media briefing.Yun lang po, salamat. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Nandito rin po ang ating Liaison Officer para mag
bigay ng update. “

LIAISON OFFICER: “Kung kakailanganin natin ng mas malalaki pang kagamitang


pang rescue, nakikipag ugnayan na ang ating pamunuan sa ibang
bayan at mga pribadong sector para makahingi ng tulong. Inaasahan
namin ang maagap ninyong abiso kung sakaling kakailanganin.
Salamat. “

PLANNING SECTION CHIEF: “Ito ang kabuuan ng Operational Breifing, pwede


na kayong mag usap usap bawat team at mayamaya lang ay
tutungo na tayo sa area ng Barandal para sa Rescue Operation.
Salamat. “
XIV. EXECUTION OF RESCUE OPERATION

Matapos ang Operational Period Briefing, tutulak na Barangay Sta. Ana ang Search
and Rescue Groups ng San Mateo lulan ng mga rescue vehicles.

Sa Barandal, kung saan 10 katao ang naiulat na nawawala at hinihinalang


natabunan ng guho, nagsagawa ng search and rescue operation ang mga
rescuers.

(Sound track/Audio Effect of Rescue Operation)

XV. SIMULTANEOUS OPERATION OF TREATMENT AREA 2 AND PROVISION OF


HOT MEALS

Ang mga na re rescue mula sa mga gumuhong bahay ay agad na dinadala sa


Treatment area II malapit sa Evacuation Center ng Barandal. Makikita na abala
ang mga Public Health Nurses Mula sa San Mateo Municipal Health Office at
Barangay Health Workers.

XVI. PRISON BREAK

Ang mga pulis ng San Mateo Police Station ay abala naman sa pagbabantay sa
mga Detainees sa labas ng estasyon na nag evacuate dahil na rin sa posibilidad ng
aftershocks.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, isang detainee ang tinangkang mang agaw


ng baril sa isang pulis authority.

Nagpambuno ang dalawa ngunit di nito nagawang maagaw ng tuluyan ang baril.

Tumakbo ng mabilis ang lalaki.

Ngunit di pa man ito nakakalayo, aabutan ito ng mga tauhan ng Department of


Public Safety and Security o DPOS.

Ipapakita dito ang tama at wastong paghuli at pag turn over ng isang criminal sa
pulisya.

XVII. MANAGEMENT OF THE DEAD AND MISSING

(ipinapakita naman po dito ang tamang pagkilala sa mga Biktima ng Disaster o


Disaster Victim Identification)

Sa mga panahon katulad nito mahalaga na mag karoon ng tamang proseso sa pag
kilala hanggang sa pag re release ng mga katawang na recover.

XVIII. THE EOC REPORT THE STATUS OF THE MUNICIPALITY


Ang Emergency Operation Center, kung saan nagaganap ang Koordinasyon ng
buong Munisipalidad at sa ibang sangay ng Gobyerno, ay susubukan namang
kontakin ang Provincial DRRM upang magbigay ng orpormasyon ukol sa
kasalukuyang kalagayan ng San Mateo, mga kakulangan na kakailanganin sa mga
rescue at relief operations.

XIX. HELICOPTER TOUCHDOWN

Dahil sa kawalan ng maayos na daanan at mga sirang tulay, ang mga Relief Goods,
Additional Man-power at iba pang tulong mula sa Gobyerno ay makakarating
lamang sa pamamagitan ng Helicopter.

Sa barangay Sta. Ana, di kalayuan sa Evacuation Area, maryoong naka designa na


Drop zone Kung saan dito ibabagsak ang mga releaf goods mula sa Helicopter.
HeliDrop ang tawag sa procesong ito kung saan hindi na kailangan pang bumaba
ang helicopter sa kalupaan.

Isa pang Helicopter naman ang darating. May dala rin itong relief goods and
medical supply. Bababa ito sa Helispot upang ibigay sa mga otidad ang relief
goods at matapos naman nito ay mag sasakay naman ito ng isang pasyenteng may
malubhang karamdaman upang maihatid sa mas malaking uspital.

XX. CLUSTER APPROACH ARRIVAL AND TURN OVER OF ICP

Tatlong araw ang lilipas makapagtatayo na ng mga temporary Bridges ang Lokal
na pamahalaan at dahil dito makakarating na ang mga inaasahang tulong mula sa
Rizal Provincial, Region 4-A at National Government.

At sa huli, gamit ang mga pinag samang pwersa ng Lokal na Pamahalaan at ng


mga tao sa komunidad, manunumbalik ang sigla at muli pa’y mabubuklod at
magkakaisa ang mga mamamayan ng Munisipalidad ng San Mateo, Lalawigan ng
Rizal.

You might also like