You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education Region XI


Davao del Sur State College
Matti, Digos City,
PEDRO V. BASALAN ELEMENTARY
SCHOOL
Tres de Mayo, Digos City
School ID # 129757

I. Layunin:
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng sariling disiplina para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para
makapagpasya nang wasto tungkol sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng
kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa at daigdig.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakasusunod sa mga batas/panuntunang pinaiiral
tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita EsP4PPP- IIIe-f21.

II. Nilalaman Paksa: Pagsunod sa mga Batas tungkol sa Pangangalaga ng


Kapaligiran.
Sanggunian: EsP - K to 12 pahina 86
Kagamitan: videoclip, laptop, manila paper, marker, masking tape
Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang pakikipagkapwa-tao na may kaakibat na
paggalang at responsibilidad.

III. Pamamaraan
A. Paghabi sa layunin ng aralin
Paano ka nakatutulong sa inyong tahanan upang mapanatiling malinis ito?

Basahin ang maikling diyalogo nang may pag-unawa.

Tayo nang Kumilos!

ni Patrick O. Opeña

Magkakaroon ng proyekto ang barangay Milagrosa. Ito ay ang “Linis para sa Kinabukasan”.

Miguel: Jane, bakit kung saan mo lang itinapon ang pinagkainan mo?

Jane: Hayaan mo na. Wala namang nakakita.

Miguel: Ayan oh... may nakasulat na “Bawal Magtapon ng Basura Dito”. Alam mo ba na maliit
man o malaki ang kalat ay may epekto ito sa ating kapaligiran.
Jane: Oo nga may karatula. Sige pupulutin ko na.

Miguel: Sumali ka na lang sa proyekto ng barangay. Mas matututo ka pa at makatutulong sa


paglilinis.

Jane: Wow! Sige. Sasali na ako. Nakaka-excite naman!

Miguel: Mas mabuti na sumunod tayo sa mga batas na pinaiiral at tama lagi ang gawin para sa
kapaligiran. Kaya naman magpalista na tayo!

Jane: Tara na, Miguel! Tayo nang kumilos!

B. Pag uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin.

Batay sa diyalogong ating binasa, isulat ang salitang SANG-AYON kung tama ang ipinahahayag
sa bawat bilang at DI-SANG-AYON naman kung mali.

1. Mahalaga kay Miguel ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang barangay.


2. Maganda ang katwiran ni Jane na wala namang nakakita sa kaniya kaya maaari na niyang
itapon ang basura kung saanman
3. Malaki ang maitutulong nina Jane at Miguel sa pangangalaga ng kapaligiran sa kanilang
barangay.
4. Wala namang mapapala sina Jane at Miguel sa pagtulong nila sa paglilinis.
5. Pinulot ni Jane ang itinapon niyang kalat dahil sa karatulang itinuro ni Miguel.

C. Mga Panuntunang Pangkapaligiran

Maraming paraan upang mapangalagaan ang kapaligiran. Ang pagkalinga, pagpapaunlad, at


pagmamahal sa Inang Kalikasan ay ilan sa mga paraang ito. Maging huwaran ka kahit ikaw ay
bata pa lamang. Laging isaisip na ito ay makabubuti hindi lamang sa sarili kundi pati rin sa iba.
Sundin ang mga batas na pinaiiral bilang isang mahusay na batang Filipino.

D. Paglinang sa Kabihasnan

Suriin ang mga larawan. Isulat ang NK kung nagpapakita ng pagsunod sa batas o panuntuang
pinaiiral sa pangangalaga ng kapaligiran at HNK kung hindi nakasusunod. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
E. Paglalahat ng Aralin

1. Bakatin ang kanang kamay sa loob ng kahon at isulat ang iyong

pangalan sa loob ng iginuhit na kamay.

2. Kulayan ito ng berde.

3. Pagkatapos, buuin ang “Pangako para sa Kapaligiran” na nasa ibaba ng kahon. Isulat sa
patlang ang salitang bubuo sa ideya ng bawat pangungusap.

F. Pagtataya ng Aralin
1. Anong mga batas at panuntunang pangkapaligiran ang tinalakay sa modyul na ito?

2. Bakit mahalaga ang mga batas at panuntunang pangkapaligiran?

3. Anong pagpapahalaga ang dapat taglayin sa pagsunod ng mga batas at panuntunang pangkapaligiran?

4. Ang mga isyung pangkapaligiran ay isang pambansa at pandaigdigang usapin. Paano ka makatutulong upang

masolusyunan ito?

G. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation


Bumuo ng pangungusap ayon sa dapat mong gawin bilang isang disiplinadong mamamayan para sa sumusunod
na larawan.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng ibva pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiya ng pagturturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor ?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ipamahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like