You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 6

Baitang 6
Asignatura Araling Panlipunan
Marka Ikalawa

I. Layunin

Pamantayan ng Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


Nilalaman sariling kaisipan, ideya, karanasan at damdamin.

Nababasa ang usapan, tula, talata, at kuwento nang may tamang tono at
Pamantayan ng
ekspresyon. F6TA-Oa-j-3
Pagganap

Mga Kasanayan sa • Natutukoy ang pangunahing ideya sa binasang teksto.


Pagkatuto • Naiuugnay ang sariling karanasan/damdamin sa binasang teksto.

II. Paksang Aralin Pagtukoy sa Tamang Tono sa Pagbasa

III. Learning Resources

• Filipino Curriculum Guide pahina 118 ng 19


• https://www.slideshare.net/chuckrymaunes5/filipino-6-curriculum-guide-
Sanggunian
rev2016
• https://youtu.be/ovOuK883-3w?si=nkR837ZiKl7Fy4Rb
• PowerPoint presentation
Kagamitan • Laptop
• Projector
IV. Pamamaraan

I. Panalangin

Ama namin

Panimulang Gawain Ama namin, sumasalangit Ka.


Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw


At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama
II. Pagbati
Magandang umaga mga bata, bago tayo magsimula sa aralin natin sa araw
na ito may gagawin tayong aktibibad na aking hinanda. Nais kong makilahok
ang lahat sapagkat mayroon akong ibibigay na puntos sa bawat lalahok.
Handa naba kayo?

III. Pagganyak
Ilalahad ni titser sa klase ang aktibidad na kanyang inihanda. Ito ay
tinatawag na ‘I-Arte Mo!’. Ipapangkat ng guro ang klase sa apat na pangkat
(masaya, malungkot, galit at takot) kung saan may ibat-ibang tungkulin at
maglalahad ang guro ng ibat-ibang salita na kanilang i-aarte naaayon sa
pangkat na kanilang kinabibilangan.
1. ANG GANDA NI BB. RAMOS
2. PAHINGI AKO NG ISANG PIRASONG PAPEL
3. WALANG PASOK BUKAS

II. Paglalahad
Pagkatapos ang masining na pagpapahayag ng mga mag-aaral, ilalahad ng
guro kung ano ang paksa kaugnay sa aktibidad na ginawa.

I. Pagtatalakay

Katarungan
ni Nene Cristobal

Panlinang na Gawain
Magagasgas lamang- mga lalamunan,
Nitong mga lohong lipad sa ulapan,
Marami man itong kanilang mga bilang,
Hinding-hindi man tiyak sa pakikinggan.

Kahit na sa buwan itong hinanakit,


Ilipad ang daing, hinagpis, at sakit,
Papuputukin lang ang pintog na ganid,
Matulis ang kuko ng hayok sa langit.

Sa paghahanap ko nitong katarungan,


Baka makarating sa kinabibilangan,
Nitong mga pigtas ang hingang nilalang,
Na naghihintay doon sa krus na daan.

Kung sa lupa’y kinang ay sadyang mailap,


Nitong katarungang Ibig malasap,
Hayaang lumuha’t dugo ay pumatak,
Pagkat nasa langit ang tunay na galak.

Mabuti-buti pa na ipasaitaas,
Ang ibig makamit na ngiti at gilas,
Ang katarungang libing na at agnas,
Makakatalik kung dating na ang wakas!

Pamprosesong Tanong
1. Ano sa tingin mo ang mensahe na pinababatid ng tula at may akda ng
tula?
2. Ano sa tingin mo ang nararamdam ng may akda ng tula?
3. Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong basahin ang tula?
4. Paano mo natutukoy ang damdamin na ginagamit ng isang tao?

TONO - Tumutukoy ito sa tindi ng damdamin o emosyon sa pagsasalita.


Halimbawa- “Yey, nanalo ako sa lotto”

II. Gawain:
Pagkatapos ng talakayan, magbibigay ang guro ng gawain ukol sa paksang
tinalakay.

Panuto: Tukuyin kung ang tono na ginagamit sa bawat saknong sa tulang


“Katarungan” ay MASAYA, MALUNGKOT, GALIT, o TAKOT.

I. Pagbubuod

Tatawag ang guro ng estudyante para sagutin ang mga tanong sa pagbubuod
ng paksa sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pangungusap.

Mga Tanong:

1. Ang natutunan ko ngayon ay ________.


2. Nalaman ko na ___________.
Panapos na Gawain
3. Gusto ko pang malaman ang ________.

III. Takdang Aralin

Gumawa ng sariling tula patungkol sa karanasan sa buhay. Ibabahagi niyo ito


sa masining na paraan sa susunod na pagtatagpo.

Inihanda nila:

Ambrad, Haphe Marie


Eleuterio, Angel
Lequin, Keir
Pantaleon, Marlon Alexis
Cabatuan, Mary Camille
Quinal, Jeralyn

You might also like