You are on page 1of 2

Dahil sa masaganang bilang ng mga pangkat-etnikong nakakalat sa libu-

libong pulong bumubuo sa bansa, masasabing mayaman din tayo sa mga


alamat, mitolohiya, at kuwentong-bayan na sumasalamin sa ating kasaysayan
at kultura.

Nakalulungkot lang na mas pamilyar pa ang ating mga anak sa mga kuwento
ng mga Kanluranin. Mula pagbubuntis sa sinapupunan hanggang sa mga
unang taon ng ating mga anak sa mundo, Mother Goose rhymes na ang
inaawit at binabasa natin sa kanila. Bakit ganito? Dahil mas madaling
makakuha ng kopya ng mga kuwentong ito kaysa mga lokal na kuwento at
epiko na madalas na matatagpuan sa mga lumang antolohiya.

Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagpasok ng globalisasyon, higit na


nabababad ang ating mga anak sa maka-Kanluraning aklat at kultura.
Responsibilidad natin bilang mga magulang na ipakilala sa kanila ang
napakagandang mundo ng kuwentong-bayan nating mga Pilipino at ibahagi
sa kanila ang mga kuwentong narinig natin noong panahon ng ating
kabataan. Maaari rin nating sabay na tuklasin ang mayamang koleksiyon ng
alamat, mitolohiya, at kuwentong-bayan ng ating bansa kasabay ng ating mga
anak.

What other parents are reading

PRESCHOOLER
These Books Are What We Need to Teach Our Children Common Courtesy
Ibinahagi ni Frances Ong, patnugot ng Tahanan Books (publikasyon ng mga
aklat pambata), ang limang kuwentong-bayan na naaalala niya mula sa
kaniyang pagkabata. Matatagpuan ito sa serye ng mga buong husay na
iginuhit na klasikong kuwentong pambata ng Tahanan Books na nagkamit na
ng maraming gantimpala at pagkilala.
1. The Story of the Piña (Ang Kuwento ng Pinya)

You might also like