You are on page 1of 9

Scene 1: preliminary investigation(nov 26)

(Papasok si rizal sa opisina ni koronel Olive)

Col. Francisco olive: Pangalan

Rizal: (habang binababa abg kanyang sumbrero) Jose Rizal Mercado y Alonso

Col.Olive: Edad?

Rizal: Trentay Singko anyos

Col. Olive: Propesyon?

Rizal: Doktor

Col. Olive: kilala mo ba si Bonifacio? Ang tagapagtatag ng katipunan?

Rizal: Hindi ko kilala koronel

Col. Olive: Diba nga'y nagkita kayo sa isang sekretong pagpupulong sa isang bahay ni Doroteo Ongjunco?

Rizal:( nakangiti) Yun ay isang sikretong pagpupulong koronel paano mo ito nalaman?

Col. Olive: Walang sino man ang nakakatago ng sikreto sa mga spayards

Rizal: (nanlilisik ang mga mata) Ano ang gusto niyong marinig sakin mga kasinungalingan? Sir Maari bang
tigilan niyo ang aking pamilya.

Col. Olive: kung talagng hindi mo kilala si Emilio bakit nadadawit ang pangalan mo sa katipunan(galit na
galit papaluin ang lamesa)

Rizal: Hindi ko alam, ngunit ang aking ina'y nag iisip na ginamit lamang ang aking pangalan upang
makapag likom ng donasyon.(maglalakad allapit kay olive) Koronel sa maniwala kayo't hindi wala akong
alam dito

Col. Olive:(tatayo at titig kay rizal) Isa ka bang traydor, Dr. Rizal? (Galit) Isa kabang traydor gaya ni Fr.
burgos? (Lalapit kay rizal at tititig ito)Naalala mo ba na ang huli mong nobela ay tinuon mo sakanya?
(pasigaw)
Scene 2

Nov.26(cpt. Dominguez and cpt. Blanco)

(Kakatok si Gen. Blanco)

Cpt. Rafael Dominguez: (nagsusulat): Pasok! ano ang pakay mo?

Gen. Ramon blanco:(Sasaludo): naparito ako kapitan upang iparating ang balita na galing kay Col. Olive,
nais niyang ikaw ang magiging tagapag hukom sa kaso ni Rizal. Sana ay maging patas ka!

Cpt. Dominguez: Talaga ba ang isang indiong yon? Hindi na bago sa akin na marinig ang kanyang
pangalan.

Gen. Blanco: Wala akong nakikitang kamalian sa kaniya dahil ang pagkakaalam ko lamang siya'y
mahusay sumulat.

Cpt. Dominguez: Talaga ba!? (magagalit) Naniniwala ka sakanya?? Naniniwala ka sa mga kaniyang
pinagsusulat?! Hayaan nalang natin na gumulong ang kaso!? Total malapit ka nang mapalitan!

Gen. Blanco: tandaan niyo meron pa akong natitirang araw bago ako bumaba sa puwesto

Cpt. Dominguez: Kung ganyan ang iyong pananaw wala akong magagawa! Eto (Iaabot ang folder kay
gov. Blanco) Ibigay mo ito kay Don Nicolas de la peña.

Scene 3

Nov. 26(written charges) (Pupunta si Gen. Blanco kay Don la peña)

(Gen. Blanco kakatok)

Don Nicolas: Pasok, Ohh ikaw pala Gen. Blanco ano ang sadya mo rito?

Gen. Blanco: Naparito ako upang ibigay ang pinabibigay ni kapitan dominguez(iaabot ang folder) ito ay
tungkol sa kaso ni rizal. Siguro'y marapat na bigyan niyo siya ng kanyang tagapagtanggol. Dahil hindi
naman ganon kabigat ang kaniyang kasalanan siya'y nagsusulat lamang.

Don Nicolas de la pena: (Magsusulat) talaga ba? pero sige siya'y aking pinapayagan na magkaroon ng
tagapagtanggol ngunit dapat ito ay kabilang sa mga una at pangalawang tinyente! (Iaabot ang folder)

(Gen. Blanco: kukunin ang folder at lalabas)

Scene 4
Dec. 8

Scene (pagkikita ni lt. taviel at rizal)

Rizal: Maraming pangalan ang ipinakita sakin ngunit pinili ko ang iyong pangalan dahil ito'y pamilyar sa
akin.

Lt. Andrade: kapatid ko si jose taviel

Rizal: Ah katukayo!(ngingiti) ang dati kong gwardia, kung sa ganon nasa mabuti akong landas!

Lt. Taviel: Marami akong hindi pinapaniwalaan sa aking mga nalaman tungkol sayo, ngunit hindi
importante ang opinion ko! Ang isipin mo ang sinasabi sayo ng ibang tao.

Rizal: tulad ng?

Lt. Taviel: na ikaw ay isang erehe,filibustero, subersibo, at walang utang na loob

Rizal: walang utang na loob? Kanino?

Lt. Taviel: Sa spania, na pinagkakautangan mo ng lahat pati ng iyong edukasyon.

Scene 5

Dec. 26 (trial of rizal)

SCENE 5 : SA HUKUMAN (PAPASOK ANG CHIEF JUDGE. UUPO ITO.)

Kapt. Dominguez: Magsitayo ang lahat.

Kapt. Dominguez: Mga Mamamayan ng Pilipinas laban kay Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda. Ang nasasakdal ay nahaharap sa korteng ito sa salang rebelyon, sadisyon at pagbabalak ng
masama laban sa bansang Espanya. Siya’y sinampahan ng mga Kastilang awtoridad sapagkat diumano’y
nasasangkot ang nasasakdal sa pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng Katipunan sa pag-aaklas laban sa
pamamahala ng Espanya.
Chief Judge: Ngayon ay maaari nang ibigay ng prosekusyon ang kanyang panig. Tinatawagan ko sa
hukumang ito si Atty. Enrique de Alcocer upang tumayo sa harapan at magsaad ng kanyang panig.

Atty. Alcocer: Gracias, Senyor! Ngayon ay babasahin ko sa iyo Dr. Rizal, bilang bahagi ng iyong karapatan,
ang mga ebidensiya laban sa iyo. (BABASAHIN ANG MGA EBIDENSIYA.)

Una, sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksiyon sa kampanya
para sa reporma sa Espanya. Pangalawa, sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang
pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik. Pangatlo, sumulat si Marcelo del
Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na may kinalaman ka sa propaganda laban sa Espaniya.
Pang-apat, sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na naghihikayat ng himagsikan. Panlima,
sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong
magpapalaya sa Pilipinas. Ikaanim, isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong
mapanghimagsik na serbisiyo. Ikapito, isang sulat na pinirmahan ng isang Dimasalang na nagsasaad na
ikaw ay naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya. Ikawalo,
sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyon na humihingi ng tulong rito para sa
paghihimagsik. Ikasiyam, isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo. Ikasampu, isang
sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino. Ikalabing-isa,
isang sulat ni Ildefonso Laurel din para sa’yo na nagpapaalam sa iyo tungkol sa pagpapatapon ng
gobyerno kina Doroteo Cortes at Ambrosio Salvador. Ikalabindalawa, isang sulat ni Marcelo del Pilar kay
Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng isang espesiyal na organisasyon. Ikalabintatlo,
isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang
kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!” Ikalabing-apat, isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago
kung saan nakasaad, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!” At ikalabinlima, isang tula
ni Laong Laan na pinamagatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan. Ngayon, sabihin
ninyo sa akin na walang kinalaman si Dr. Rizal sa mga pag-aalsang nagaganap ngayon laban sa ating mga
Kastila. Sabihin ninyo sa aking hindi ang indiong ito ang puno’t dulo ng mga kalapastangan laban sa
Espanya! Hindi pa ba sapat ang mga ebidensyang nakalap? Sinasabi ko sa lahat ng nandirito, walang
sinuman ang di makalabag sa bansang Espanya para sa atin. Walang sinuman ang maaaring kumontra sa
kung anuman ang nais ng ating bansa―ang sinuman ang hindi gumawa noon ay nararapat na ikulong at
ipapatay! Iyan ang nararapat kay Doctor Jose Rizal. Siya ay nandito ngayon sa salang rebelyon laban sa
ating bansang Espanya at mga pagkakatatag ng mga samahang may layong

kontrahin ang mga batas na itinatag ng ating mga Kastila dito sa Pilipinas. Hindi ba’t nararapat lamang
ang sinabi kong parusa sa taong masahol pa sa hayop, walang modo, at walang utang na loob sa
bansang nagpaaral sa kanya? Nararapat lamang sa isang taksil tulad niya ang ipapatay.

Spectators: (MAGBUBULUNGAN. MAG-IINGAY.) Siyang tunay. Parusang kamatayan para sa taksil!

Kapitan Taviel: Isang kahangalan!


Chief Judge: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Gracias, Atty. Alcocer. Ngayon naman ay ating pakinggan
ang panig ng depensa, aking tinatawagan sa hukumang ito si Kapitan Luis Taviel de Andrade upang
ipagtanggol ang kanyang panig.

Kapitan Taviel: Gracias, Senyor! Buenos días a todos. Tenyente Luis Taviel de Andrade, ang manananggol
ng nasasakdal na si Dr. Jose Rizal.

Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo na ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay
naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan.
Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa
Espanya? Nagdeklara ba siya sa madla ng kanyang paghihiwalay sa rehimen ng Espanya? Idineklara ba
niya, sa harap ng Simbahan at ng Espanya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Hindi
nasusukat ang kadakilaan ng isang tao sa yaman o sa dami ng kilala niyang tao. Ito ay nasusukat sa
katatagan ng loob at katapangan na ngayo’y napapasakamay ni Doctor Jose Rizal. Bago niyo siya
husgahan, tingnan niyo muna ang inyong mga sarili; ang nais lamang niya ay maging pantay ang trato ng
mga Kastila sa mga Pilipino. Hindi kayo dapat magpadalos-dalos sa pagbibigay ng mga parusa na hindi
karapat-dapat sa nasasakdal. Kaya naman ipinapanalangin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng
ito na bigyan ng kapatawaran sa kung anumang pagkakamaling kanyang nagawa. Ang mga huwes ay 'di
kailangang maging mapaghiganti; ang mga huwes ay dapat lamang maging makatarungan.

Chief Judge: Gracias, Kapitan Taviel. Ngayon ay binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang
magbigay ng panghuli niyang depensa.

Jose Rizal: Gracias, Senyor! Naipatapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa buong
pananatili ko ay wala akong ibang inisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking
bayan. Pinagbuti ko ang aking pananatili sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo. Nalaman kong
kailangan ng Espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan.
Dali-dali akong sumulat sa Gobernador Heneral upang magboluntaryo ngunit ito ang nakuha kong
kapalit! Nakalulungkot isipin na may mga taong sumantala sa aking katahimikan sa Dapitan at ginamit
ang aking pagkawala upang idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga
paratang at mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan―iyon ay
ang minahal ko ang sarili kong bayan. Kasinungalingan ang ibinibintang ninyo sa akin. Wala kayong
konkretong ebidensya at tanging mga liham at inyong mga galit lamang ang nagtutukoy sa aking
pagkakasala. Wala rin akong kinalaman sa mga pag-aaklas at hindi ko rin alam na ginagamit nila ang
aking pangalan sa kanilang mga aktibidad. Ngayon ay papatunayan ko ang aking pagiging inosente batay
sa mga puntos na ito:

(BABASAHIN.)

Unang-una, wala akong kaugnayan sa rebelyon dahil ako pa mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela
noon sa Dapitan na huwag ipagpatuloy ang himagsikang pinaplano ng Katipunan. Pangalawa, hindi ako
nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo. Pangatlo, ginamit ng mga rebolusyonaryo
ang aking pangalan nang hindi ko nalalaman. Kung ako’y may sala, ‘di sana’y tumakas na ako sa
Singapore. Pang-apat, kung may kaugnayan ako sa rebolusyon, ‘di sana’y tumakas na ako sakay ng isang
vintang Moro at di na nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan. Panlima, kung ako
ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi ako kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

Pang-anim, totoong sinulat ko ang Konstitusyon ng La Liga Filipina, ngunit ito ay isa lamang asosasyong
pansibiko, hindi isang rebolusyonaryong samahan, hindi itinataguyod ng La Liga ang mga simulain ng
mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y hindi na itinatag ang Katipunan. Ikasampu, kung totoong may
mapapait na komentaryo sa aking mga sulat, ito ay dahil isinulat ito noong 1890 nang ang aking pamilya
ay inusig, kinumpiska ang aming tahanan, bodega, at lupain at ang aking kapatid na lalaki at mga bayaw
ay ipinatapon. Ikalabing-isa, ang buhay ko sa Dapitan ay kapuri-puri gaya ng mapatutunayan ng mga
komandanteng politikomilitar at mga misyonaryong pari. At panghuli, hindi totoong pinukaw ng aking
talumpati ang rebolusyon, gaya ng ipinaparatang ng mga testigong gusto kong makaharap. Alam ng mga
kaibigan ko ang aking pagtutol sa armadong rebolusyon. Bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa
Dapitan na hindi ko kakilala? Dahil yaong mga kakilala ko ay batid na hindi ko sasang-ayunan ang
anumang kilusang marahas. Napakarami ko pang maaaring sabihin na magpapatunay sa aking
pagkakawalang-sala, ngunit sana’y gamitin ninyo ang inyong mga utak upang magawa ninyo ang
nararapat.

Spectators: (MAGKAKAGULO AT MAG-IINGAY.) Huwad! Taksil! Sinungaling!

Chief Judge: (IPAPALO ANG GAVEL.) Silencio! Magkakaroon muna ng isang masusing deliberasyon kung
ano ang hakbang na isasagawa ukol sa kaso ni Doctor Jose Rizal. Babalik ang mga hukumang militar
pagkatapos ng ilang minute upang ipapaalam sa hukumang ito kung ano ang magiging resulta ng
deliberasyon.

(PUPUNTA SA GILID ANG JUDGES, AT SINA DOMINGUEZ AT POLAVEJA )

Judge 1: Hindi natin ito dapat pagtalunan pa, kailangan hatulan ng kamatayan si Rizal dahil sa krimen na
kanyang ginawa.

Judge 2 and 3: Sang-ayon kami diyan.

Judge 4: Panahon pa upang tuldukan ang mga himagsikan laban sa atin.

Judge 5: Sang-ayon ako sa kaparusahang kamatayan.

Judge 6: Sang-ayon din ako.

Chief Judge: Kung gayon, parehas pala ang ating nararamdaman ukol sa kasong ito. Itutuloy ko ang
sentensyang kamatayan kay Rizal. Gobernador Polavieja, Kapitan Dominguez, sumasang-ayon ba kayo sa
desisyon naming ito?

Kapt. Dominguez: Aba’y oras na upang tanggalin sa ating landas ‘yang indio na ‘yan.
Gov. Gen. Polavieja: Parusang kamatayan para sa isang taksil, para kay Dr. Jose Rizal. Isa siyang banta sa
ating kapangyarihan.

(PAPASOK SA KORTE ANG 6 JUDGES, SI DOMINGUEZ AT SI POLAVIEJA.)

Kapt. Dominguez: Ngayon, ipapahayag ko na sa inyo ang hatol ng korte. Ang nasasakdal na si Dr. Jose
Rizal ay hinahatulan ng korteng ito ng kaparusahang kamatayan. Ito ay pinagtibay ni Gobernador
Heneral Camilo de Polavieja at ipapatupad sa ika-30 ng Disyembre, 1896 sa ganap na alas 7:00 ng umaga
sa Bagumbayan. So ordered.

(IIYAK SI JOSEPHINE. MAGSASAYA ANG MGA ESPANYOL.)

(BAGO ANG DEATH MARCH) Jose Rizal: Padre, gaya ng iyong nais, narito ang aking retraksyon. (IBIBIGAY
ANG LETTER KAY BALAGUER.)

Fr. Balaguer: Mainam ang iyong naging desisyon, Jose. Mabuti naman at nagbalik-loob ka na sa
Simbahang Katoliko.

Guard: Adelante! Kumilos ka na!

Scene 6

Dec. 29 (pagbisita)

Scene 3:(Doña teodora, narcisa , trinidad, magkasamang dumalaw kay rizal)

Rizal: (luluhod kay doña teodora) : Nanang (ngingiti)(luluhod sabay magmamano)

Guard 1:

Rizal: (naluluha) Pagkamatay ko po hilingin niyo agad ang aking bangkay dahil baka itapon nalamang nila
ako kahit saan ibaon niyo po ako sa lupa lagyan niyo po ng isang bato at isang krus, ilagay niyo ang aking
pangalan at ang aking araw na kapanganakan. Yun lamang po Nanang wala napong iba. At sana wala
pomg annibersaryo.(luluha) (hahawakan ng mga gwardya si rizal)

Doña teodora: (aalis bigla)

Rizal: (umiiyak) Nanang! Nanang ! Nanang.


(Kukunin ni rizal ang lampara at iaabot kay trinidad) (umiiyak si trinidad)

Rizal: Regalo sa akin ito ng mga tavera, hihilingin ko sa mga opisyal na ipagdasal niyo ang pagkamatay ko
( habang umiiyak sina trinidad narcisa hahawakan ni rizal ang mukha ni triniadad habang umiiyak din)
Mayroong laman ito sa loob.

Scene 7 (FINAL)

Dec. 30

(TIME FOR DEATH MARCH.)

5:30 am(huling agahan ni rizal)

Rizal:( kakain pagkatapos ay magsusulat ng kaniyang liham sa kanyang pamilya)

Scene 8

(Dadalaw si Josephine bracken kay riza kasama si josefa)

Josephine: Paalam aking mahal (habang umiiyak)

Rizal:Sana'y mapatawad mo ako hindi kita kailanman makakalimutan (habang umiiyak)( sabay iaabot ni
niya ang relihisyosong aklat na Imitation of Christ na kanyang nilagdaan)

Scene 9

(MAG AAYOS NG DAMIT SI RIZAL AT MANANALAMIN) (DARATING SI KPT. TAVIEL HAWAK ANG
SUMBRERO NI RIZAL)

Kpt. Taviel:(iaabot ang sumbrero kay rizal)

Rizal: (Ngingiti kukunin ang sumbrero nakaharap kay taviel at kanyang isusuot ito): Handa na ako ikaw?

Kpt. Taviel:(Yuyuko)

Rizal: Wag ka matakot nandito ako(ngingiti kay taviel habang nakahawak sa balikat ni taviel)
Kpt. Taviel: titingin kay rizal

Rizal: (Iaabot niya ang bracelet kay taviel) Para sayo para hindi mo ako makalimutan

Kpt. Taviel: (ngingiti aabutin ang kamay ni rizal at ibabalik ang bracelet) Salamat, ibigay mo nalang sa
pamilya mo dahil sobra sobra na ang alaala mong dadalhin ko.

(Darating ang gwardya tatalian ang kamay ni rizal)

Rizal: (habang nakatitig kay taviel at nakangiti) akala siguro nila'y tatakas ako, san ako pupunta sa
dapitan.

(Maglalagay si rizal ng rosary sa kanyang kamay)

SCENE 10:

(SA BAGUMBAYAN) (Rizal, Guards, Firing Squad, Lt. Andrade, Fr. March, Fr. Vilaclara) (UMIIYAK SINA
TEODORA, NARCISA, AT JOSEPHINE.)

Jose Rizal: Bago ninyo ako patayin, maari bang humiling ako sa kahuli-hulihan? Maaari bang barilin niyo
ako nang paharap?

Guard 1: Imposible! Ipinag-utos sa amin ng heneral na babarilin ka namin habang ika'y nakatalikod.

Jose Rizal: Kung gayon ay maaari bang huwag ninyong barilin ang aking ulo?

Guard 1: (TATANGO.)

Jose Rizal: (YUYUKO AT HAHALIKAN ANG CRUCIFIX NA HAWAK NI VILACLARA. KAKAMAYIN SI


ANDRADE.)

Kapt. Taviel: (KAKAMAYIN DIN SI RIZAL AT HAHAWAKAN ANG BALIKAT NITO.) Kinararangal kitang
makilala, Dr. Rizal. (TUTUNGO SI RIZAL SA HARAP AT TATALIKOD.)

Guard 2: (SISIGAW.) Sa ngalan ng hari ng Espanya, ang sinumang magsisigaw ng kanyang boses na
kasang-ayon sa kriminal ay paparusahan din ng kamatayan.

Rizal: (SISIGAW.) Consummatum est!

Guard 1: Preparar! (ITATATAS ANG MGA BARIL.) Apuntar! (ITUTUTOK ANG MGA BARIL KAY RIZAL.)
Disparar!(ikakasa ang baril) Fuego!(BABARILIN SI RIZAL. MATUTUMBA SI RIZAL AT TITINGALA SA
LANGIT.)

Lahat ng mga Kastila: VIVA ESPANYA! MUERTE A LOS TRAIDORES! (3 TIMES WHILE MARCHA DE CADIZ
PLAYS)

You might also like