You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

School: Tambulig NHS-Tuluan Extension Grade& Section: 8 Thistle/Rhodendron


Teacher: Chenchen B. Castillon Learning Area: Aral.Pan
Teaching dates & time: Quarter: 2nd

I. Layunin
1. Nalalaman ang hangarin ng Persia sa pagsalakay sa Greece.
2. Natutukoy ang mga mahahalagang tauhan sa digmaan ng Greece at Persia.
3. Napapahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa labanan.
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga
pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
B. Pamantayang Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at
Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa
pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
C. Pamanatayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece. AP8DKT-IIa-b-2
II. Nilalaman
Digmaang Greeco-Persia
III. Kagamitang Panturo
a. Sanggunian: Araling Panlipunan G-8 LM
b. Iba pang Kagamitang Panturo: Laptop, larawan, letra at mga kagamitang
biswal
IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Panalangin
Inaanyayahan ko ang lahat na tumayo (tumayo ang mga mag-aaral)
para sa ating panalangin.
Pagbati
Magandang umaga/hapon sa lahat! Magandang hapon/umaga po ma’am.
Pagsiyasat sa kapaligiran
Bago kayo umupo, tingnan nyo muna an
gating paligid kung may nagkalat bang
mga papel, maari nyo itong pulutin at
itapon sa basurahan. Kung wala man ay
pwedi na kayong umupo.
A. Balik-Aral
Ano ang tinalakay natin noong Ang tinalakay natin noong nakaraang araw ay
nakaraang araw? tungkol sa Sparta.
Ano ang mga Sparta? Sila ay mga mandirigmang polis.
Magaling! Layunin ng Sparta ay lumikha
ng magagaling na sundalo.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ngayon bago tayo dumako sa ating
paksa hahatiin ko muna kayo sa tatlong
pangkat. Ngayon may nakahanda ako
ritong mga sobre na nakadikit sa
cartolina. Bawat grupo ay may iisang
representante na siyang kumuha sa
sobre. Ngayon, nakapaloob sa sa sobre
ang mga nakagupit-gupit na larawan.
Ang gagawin ninyu ay buuin ito ng
maayos at idikit ito sa cartolinang
nakalaan sa pisara.
Bibigyan ko lamang kayo ng 5 minuto
upang buuin ito. Para sa kaayusan ng
lahat ang grupong maingay ay
babawasan ko ng puntos. Yung grupong
na nakauna sa pagbuo ng larawan ay Opo ma’am.
may karagdagang puntos. Maliwanag
ba?
Magaling! Ngayon simulan na ang
pagbuo ng larawan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa 1. Nalalaman ang hangarin ng Persia sa


bagong aralin pagsalakay sa Greece.
Ngayon, bago tayo dumako sa ating 2. Natutukoy ang mga mahahalagang
pormal na talakayan babasahin muna tauhan sa digmaan ng Greece at Persia.
natin ang ating layunin na dapat nating 3. Napapahalagahan ang mga
makamit sa umaga/hapong ito. Basahin pangyayaring naganap sa labanan.
ng sabay-sabay.

Maraming salamat! Ang nabuo ninyung


larawan ay may kaugnayan ito sa ating
paksa. Bago po iyan ay may ipapakita
muna ako sa inyu na isang video clip
upang mas mapukaw at maging handa
ag iyong isipan sa araw na ito.

(video clip) (seryusong nakatingin sa TV.)


Ano ang napapansin ninyu sa video? Isang madugong labanan ma’am.
Magaling!
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong aralin #1.
Batay sa mga larawan na inyung nabuo
at sa video clip na inyong nakita ang
tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa
Digmaan ng Greeco-Persia.
Hangarin ng Persia na palawakin ang
imperyo nito sa kanluran.
Cyrus the Great- sinalakay ang Lydia sa
Asia minor.
Darius I- nagmana sa trono ni Cyrus the
Great.
-sinalakay ang mga kalapit na
kolonyang Greek.
Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit
natalo ang mga kolonyang Greek sa
labanang pandagat sa Miletus noong
494 B.C.E. Bagama’t natalo ang pwersa
ng Athens, nais ni Darius I na parusahan
ang lungsod sa ginawang pagtulong at
gawin itong hakbang sa pagsakop ng
buong Greece. Bilang paghahanda sa
napipintong pananalakay ng Persia,
sinimulan ng Athens ang pagpapagawa
ng isang plota o fleet na pandigma.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kasanayan #2
Digmaan ng Greeco-Persia (499-479
B.C.E.)
490 B.C.E.- unang pagsalakay ng Persia
sa Greece sa ilalim ni Darius I.
Plutarch- isang Greek na manunulat.
Phidipides- tagapagbalita na tumakbo
patungong Athens upang ihatid ang
balita.
-kauna-unahang takbong
marathon.
Xerxes- ang nagpatuloy sa pagbagsak sa
Athens anak ni Darius the Great.
Thermopylae- isang makipot na daanan
sa gilid ng bundokng silangang baybayin
ng Central Greece.
Leonidas- taga-Sparta, nakipaglaban sa
pwersa ni Xerxes.
Themistocles- taga Athens ang namuno
sa labanan sa dalampasigan ng pulo ng
Salamis.
Salamis- makipot na dagat.
F. Paglinang sa Kabihasaan Hindi, dahil natalo ang kanilang hukbo laban
Magtatanong sa mga mag-aaral; kay Themistocles.
1. Nagtagumpay ba si Xerxes sa Dahil isa sa kanilang tauhan na Greek ay
pananakop sa Greece? ipinagkanulo niya ang lihim na daanan
2. Bakit namatay ang tropa ni patungo sa kampo ng mga Greek kaya natalo
Leonidas? ang tropa ni Leonidas.

G. Paglalapat ng Aralin
Sa inyong grupo, magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Sa unang pangkat
magkakaroon kayo ng pagsasadula
tungkol sa digmaan ng Greeco-Persia.
Ang pangalawang pangkat ay gagawa
kayo ng jingle tungkol sa Digmaang
Greeco-Persia at ang pangatlong
pangkat ay magkaroon ng newscasting
tungkol sa digmaan ng Greeco-Persia.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang
minuto upang paghandaan ito at
pagkatapos ay irerepresenta ninyu dito
sa harapan. Maliwanag ba? Opo ma’am.
Ito ang magiging gabay ninyo sa
pagkuha ng inyong puntos.
Rubriks
Nilalaman -5pts
Pag-oorganisa ng mga ideya-5pts
Kooperasyon- 5pts Pangkat 1: pagsasadula
Your time starts now! Pangkat 2: jingle
Pangkat 3: newscasting

Bigyan natin ng barangay clap ang gating (barangay clap)


mga sarili.
Paglalahat
Sino-sino ang mga mahahalagang
tauhan sa digmaang Greeco-Persia? Darius I, Xerxes, Leonidas at Themistocles
Nagtagumpay ba ang Persia sa kanilang
pananakop? Bakit? Hindi, dahil natalo sila sa mga Greek.
Mahalaga bang pag-aralan ang Opo, upang malaman natin an gating
pangyayaring ito? kasaysayan na siyang humuhubog sa atin
Magaling! ngayon.
H. Pagtataya
Panuto: Pillin sa loob ng kahon ang
tamang sagot sa mga katanungan. Isulat
sa sagutang papel ang tamang sagot.

Themistocles salamis Thermopylae


Xerxes Leonidas Daruis I
Marathon Plutarch Phidipides
Sparta Athens Persia

1. Saan unang naganap ang pagsalakay


ng Persia sa Greece? Marathon
2. Sino ang unang namuno sa
pagsalakay ng Persia sa Greece? Daruis I
3. Ito ay isang makipot na daanan sa
gilid ng bundok at ng silangang
baybayin ng Central Greece? Thermopylae
4. Sino ang tagapag-balita na tumakbo
papuntang Athens upang ibalita ang Phidipides
kanilang tagumpay?
5. Siya ay isang Greek na manunulat? Plutarch
6. Sino ang taga-sparta na
nakipaglaban kay Xerxes? Leonidas
7. Ito ay isang makipot na dagat? Salamis
8. Siya ang namuno sa Athens sa Themistocles
labanan sa dalampasigan ng salamis?
9-10. dalawang lungsod-estado ng Athens at Sparta
Greece
I. Karagdagang Gawain para sa takdang-
aralin
Gumawa ng timeline tungkol sa labanan
ng Greeco-Persia.
V. Mga Tala

VI. Pagninilay
a. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
b. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailanagn ng iba pang
Gawain para sa remediation.
c. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remedial.
d. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatutulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
e. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
f. Anong suliranin ang aking
nararanasan na masusulosyunan
sa tulong ng aking punong guro o
superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kung
ibahagi sa mga guro?

Prepared by:

CHENCHEN B. CASTILLON
Teacher-1

Checked by:

BALBINO P. LUZANA JR.


School Head

You might also like